CHAPTER 4 - More LQs

55 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw, akalain nyo yun tapos na naman yung sumunod naming monthsary. Actually, 4 months na kami. Ang bilis lang din. Madami na ding nangyari. Buti nga nakakasurvive pa ko. Akalain nyo yun, kahit busy si Renz sa campus modeling chuchu na yun eh nababalance na nya yung oras nya.

Oo nga, blockmates kami, pero hindi pa din maiiwasan na hindi kami magkasama. Tulad nung field tour namin sa Tagaytay, buong 2 days kaming hindi magkasama. Ang saya nga nun eh, nataon yun sa monthsary namin kaya nga patakas kami nung nagkita. Haha. Para kaming bata na nagtatago sa mga magulang. Pero kahit sandali lang kami na nagkasama ok na din at least hindi na sya nakalimot diba. Subukan lang nyang ulitin yun, masasaktan na talaga sya sakin.

Andito kami ngayon sa may mall, greenwich specifically. Kakain daw kami ng pizza. Gusto daw nya yun eh, kaya ako sumusunod lang.

"beh anong gusto mo?" sya yan.

"hawaiian lang"

"ayaw mo nung overload? mukhang masarap eh"

"ikaw, bahala ka"

"beh naman eh" anyare sa kanya?

"oh bakit na naman?"

"ayoko kasi nyang bahala ka eh"

"eh anong gusto mong sabihin ko ha?" nakakapang init sya ng ulo ngayon.

"ewan, basta, wag lang bahala ka" ha? ano daw?

"ano? napano ka ba Renz ha?"

"wala" tas nag walk out. hala naman? akala ko ba nagugutom sya eh bat sya nag walk out. ano bang ayaw nya sa sinabi ko. kung ayaw nya sa hawaiian edi bumili sya ng overload, problema ba yun?

Ayy nako Renz Reyes, anong topak na naman meron ka ha?

Ayun na nga, sinundan ko nalang sya, baka magwala pa yan eh, mahirap na. Medyo nasasabayan ko na sya maglakad.

"Renz" tawag ko sa kanya

"oh?" galit ba to?

"Renz naman eh"

"eh ano kasi?"

"bat ka ba ganyan ha? may nasabi ba kong masama? ano? akala ko ba gutom ka? eh bat nag walk ka? anong peg yan Renz ah?" nakakainit sya ng ulo, swear. hinahabaan ko nalang pasensya ko.

"wala nga diba"

"edi kung wala, hindi ka magkakaganyan" daig nya pa ko pag meron ako ha. sumusobra natong Renz na to. Kainis! >.<

"wala nga diba, ang kulit. tsk"

"fine! edi wala, madali akong kausap Renz" sinasagad nya pasensya ko. 

"edi madali. tssss"

Hoy Renz Reyes, hindi na kita matantsa ha. pag ako nasagad, ewan ko nalang talaga sayo. Bwiset.

>.<

Renz's POV

Sya pa yung may ganang magalit sakin eh sya nga yung hindi umaayos sumagot. Sagutin ka ba naman ng bahala ka. Ano yun? Nakakainis din.

Pero shete, ang babaw ko na ata. Parang yun lang. Galit na ata yun. Hindi na namamansin eh. Nasagad ko ata. Pero nakakainis pa din eh. Urghh. :(

Ang gulo ko. Ayoko na syang komprontahin kasi nga baka lumaki na naman tong away namin. Tapos nasa mall pa kami. Nagugutom na tuloy ako.

"tara na"

"san tayo?"

"edi kakain"

"ok"

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon