CHAPTER 3 - Misunderstandings

65 2 0
                                    

Malapit na kami mag 3rd monthsary ni Renz beh ko. Hindi ko pa din alam kung anong ireregalo ko sa kanya. Wala naman kasi akong alam sa mga guy stuffs no. Kahit na totomboy tomboy ako, wala pa din akong alam sa mga yun. 

Aish. Sabi naman ng bestpren ko kahit ano nalang daw. Eh wala namang bagay na kahit ano eh. Ang hirap tuloy mag isip ngayon, kakabadtrip.

Bahala na nga, wala din naman yung pakelam sa mga bagay bagay eh. Eh kung bigyan ko nalang sya ng libro ng pick up lines? Baka matuwa pa yun, sa tingin nyo? Ayy teka, san naman ako bibili ng ganung libro. Malay ko ba kung may tangang author na magsusulat ng walang kamatayang kakornihan na pick up lines. Haaaaay, ang hirap mag isip. Next week na yun eh.

Bahala na nga lang si Batman sa problema ko. Nakakadepress mag isip, sobra. Tapos si Renz, busy din. Kung bakit ba kasi nag audition pa sya dun sa Campus Models eh. Kapal nga din ng apog nun kasi sumali pa sya ng Campus Models. If I know, gusto nya lang napapaligiran ng mga maganda. Maganda din kaya ako, hindi lang nag aayos. Ano na naman ba tong naiisip ko. Ang layo na sa topic.

Well, mag isa lang naman ako dito sa library eh. Ang boring tuloy, wala kasi Renz eh. Wala akong kakulitan. Haaaay. Nakakamiss naman yung mokong na yun.

***

Bukas na yung monthsary namin. At ang ibibigay ko sa kanya? Edi cake. Chocolate cake. Mahilig yun sa mga matamis eh. Sana lang talaga magustuhan nya to kahit simple lang. Aba naman, sasapukin ko talaga sya pag hindi nya to tinanggap no. Harsh ko lang sa boyfriend ko. :D

Ang nakakalungkot lang kasi hindi ko sya kasama ngayon umuwi. May practice daw kasi sila ng mga Campus Models. Ano naman yung pagpapractisan nila? Basketball ba yun? Hindi naman diba? Ayy ewan nga. Bahala sya sa buhay nya. 

This is it! This is really is it is it! :D Ang hyper ko. Ganyan talaga, 3rd monthsary eh. Wag na kayong umangal. :D 

Andito na ko sa school, medyo maaga pa nga ata ako eh. Pero biglang nagtext sakin si Renz sakin.

Fr: Beh <3

Beh, hindi ako makakapasok ngayong umaga. Busy kami ngayon eh. Sige beh. :)

---end---

Yun lang? Wala ng karugtong? Baka naman nakalimutan nyang monthsary namin ngayon? Aba'y masasaktan talaga sya sakin. Nako nako. Hindi nalang ako nagreply sa text nya. NaBBV lang ako sa kanya. Wag nalang kaya syang magpakita sakin. Naiinis kasi talaga ako.

Oh baka naman O.A. na ko. Busy nga daw sila diba? Ano ba naman kasi yang ginagawa nila eh. Pag yun talaga nambabae, ewan ko nalang talaga sa kanya. Hindi ko ata kakayanin yun. Haaaaay buhay parang life. :(

Matatapos na yung klase namin ngayon. Malapit na mag 4 pero hindi pa din sya nagpapakita sakin. May nagawa ba ako? Diba 3rd monthsary namin ngayon? Hindi naman mali yung kalendaryo sa amin eh. Tsk. Suko na nga ako. Ayoko na. Kakainin ko nalang to mag isa sa bahay. Sayang naman yung effort ko para bumili ng cake, favorite pa man din nya to. 

Dadaan nalang ako sa may Gym, alam ko kasi dun sila nagpapractice eh. Papasok na ko ng gym nung nakita ko syang may kausap na mga babae. Nagtatawanan pa sila. Great. Just great. Nangingilid na yung mga luha ko kaya umalis na ko. Nanlumo ako.

So talagang nakalimutan na nya kung anong petsa ngayon? Sige, gawin mo to sakin Renz. Nakakatuwa ka talaga. Sa sobrang tuwa ko sayo, naiirita na ko sayo. As in super irita. Walanjo ka eh. >.<

Nasa bahay na ko. Pero baka iniisip nyo na umiiyak ako. Hindi no! Bakit ko naman iiyakan yung Renz na yun? Sino ba sya? Ni hindi nga sya nagtetext sakin. Nakalimutan pa nya na monthsary namin. Ayy! Nakakabitter ka Renz. Walanjo ka talaga. :(

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon