CHAPTER 5 - The spark was gone

30 1 0
                                    

Lalo ata akong natrauma sa nangyari samin kahapon. Pano ba naman, inuwi nya ko ng bahay na hindi man lang kami nagbabati. Tapos nung nagtext ako, hindi man lang sya nagreply kahit tuldok. Nakakasira naman ng ulo eh. Walanjo sya. Inamin ko na nga yung kasalanan ko diba? Kung balahura edi balahura, problema ba yun? Alam naman nyang madali akong kausap eh. :/

Nakakainis na talaga eh. Pumasok ako ngayon sa school na wala sa mood. As in wala sa mood. Ang aga aga ang bitter ko tapos ang sama pa ng aura ko ngayon. Nakakainis lang talaga eh.

Hindi din pumasok si Renz sa first period namin. Hindi naman yun pala absent pag hindi importane. Baka dahil yun sa campus modeling nya? Eh bat hindi man lang sya nagtext sakin? Ano na ba talagang nangyayari?

Pinapalampas ko lang to, pero nakakakulo na ng dugo ha. Ano bang nangyayari sa kanya ngayon ah. Lunch na tapos hindi pa din sya nagpaparamdam, iba na to.

Pumunta na ko sa may gym para kausapin sya. Maloloka na ata ako kakaalala sa kanya eh. Pagpunta ko sa gym, sya kagad yung una kong nakita. Nagpapractice pala sila sa modeling nila, tamang tama nung dumating ako, sya yung narampa. Oo nga, poker face lang sya habang narampa pero ang gwapo nya pa din.

Tinitignan ko lang sya rumampa. So, ito pala yung pinagkakaabalahan nya. Kaya hindi sya nagtetext sakin ay dahil dito. Sige na nga, papalampasin ko na nga lang.

Nakatayo lang ako sa may gilid ng bleachers, habang pinagmamasdan sya. Panigurado, hindi nya pa ako nakikita. Busy nga sya diba. Maya maya, may kinuha sya tapos bigla namang nag ring yung phone ko. Si Renz, natawag.

"ah.. hello Renz?"

"san ka?"

"ah.. eh.. andito sa may gym. hehe"

"ano? so nakita mo?"

"yung pagrampa mo? oo nakita ko, bakit?"

"ah.. wala.. san ka banda?"

"dito sa may malapit sa entrance" tapos nakita ko syang tumingin sakin

"sige, wait lang" then call ended. nakita kong inayos nya lang yung gamit nya tapos naglakad na papunta sakin.

Pero bat parang ang bigat ng pakiramdam ko? Parang may mali. Bat ganun? Ano ba tong nararamdaman ko?

Naglakad na kami papunta sa canteen para kumain. Bat parang ang feeling ko ang layo layo nya sakin kahit magkatapat lang kami. Bat ganun?

"Ah Renz, sorry"

"para san?" sabay subo nya sa kinakain nya

"sa lahat lahat lalo na yung kahapon" tumungo nalang ako kasi nahihiya na ako

"ok lang yun"

"pero kasi.. hindi tayo nagkabati nung iniuwi mo ko tapos hindi ka pa nagreply sa---" napatigil ako sa pagsasalita ng nagsalita din sya

"ok na nga diba?" tapos bigla syang nag walk out. Nag walk out ulit sya. Ano na bang nangyayari samin? Hindi ko na talaga maintindihan.

Pakiramdam ko nawala na yung spark samin. Hindi na ba nya ako mahal? May iba na ba? Hindi ko maintindihan?

(A/N: Pagpasensyahan nyo na kung maikli tong chapter na to. Balahura ang author eh. Vote vote vote! Comment na din! )

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon