CHAPTER 9 - Single but Not ready to mingle

32 2 0
                                    

"NAKAMOVE ON NA KO!!! WOOOH!!!" andito ako sa loob ng kwarto ko. Nagsisisigaw kasi nga finally nakamove on ako. Let's Party! LOL. :D

Pano ko nga ba nalaman na nakamove on na talaga ako? Edi nung nag usap kami ni Renz. Yup! Nag usap kami. Nagsosorry sya sakin sa lahat ng ginawa nya tapos nagsisisi sya ngayon dahil daw pinakawalan nya ako. Humingi pa nga sya sakin ng chance na kung pwede pa daw maging kami ulit. Pero hindi na ko pumayag pa.

Sino namang tangang makikipagbalikan pa pagkatapos syang saktan ng bonggang bongga diba? Tanging tanga lang ang gagawa nun. At hindi ako tanga. Natuto na kasi ako na hindi na magpakatanga sa pag ibig. Nuxx oh, words of wisdom lang ang peg ko.

Hindi na din ako bitter sa kanya. Tuwing magkakasalubong kami, nagssmile na ko sa kanya, tapos minsan may Hi na din. Sinabihan ko nalang sya na kung pwede friends nalang kami. Hindi naman masama na maging kaibigan kami diba? Syempre, may unti pa din akong nararamdaman sa kanya pero hindi na in a romantic way, siguro care nalang at pagmamahal bilang kaibigan. 

Kasi kahit papano, may pinagsamahan din kami ng apat na buwan. Aba, matagal din yun ah. Sinabi nga din pala nya sakin yung rason kung bakit sya nakipagbreak. Aaminin ko, hindi ko inaasahan na yun yung rason nya pero ok na din sakin kasi nasagot na yung tanong sa isip ko na kung bakit sya nakipag break sakin.

Kaya all in all. Wala na talagang kami ni Renz. Kung tatanungin nyo kung umiyak ba ko nung nag usap kami? Oo naman no. Pero hindi yung iyak na over, katamtaman lang. Hehe. Iniyak ko lang lahat ng natirang luha sakin. Hindi naman din ako bitter eh so okay na lahat.

Kung tatanungin nyo naman ako kung bakit ang title netong chapter na ito ay Single but Not Ready to Mingle ay hindi pa ko ready na mainlove. Hindi kasi ako katulad ng iba na para lang maka move on eh maghahanap ng bagong lovelife. Kawawa naman yung magiging rebound diba. Makakasakit lang ako so wala muna. 

Pass din muna ako sa mga manliligaw. Ineenjoy ko muna ulit yung feeling ng pagiging single. Masarap din kaya maging single. Mali naman kasi yung iniisip ng marami about being single eh. Ang pagiging SINGLE, status lang yan, hindi yan batayan ng pagiging masaya. Ang daming taong single na masaya. Kaya wag kayong matakot na maging single, kasi kung may darating man na lovelife, darating din lang yun. Wag magmadali, okay? Learn from my experience. Hehe. Anyway, hanggang dito nalang muna ang story ko. Ciao! :)

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon