CHAPTER 6 - Heartbreak

57 2 0
                                    

Ilang araw din kaming ganito ni Renz, kung magkasama kami, hindi naman kami magkaintindihan. Ewan ko na ba kung anong nangyayari samin. Pag tinatanong ko naman sya kung may problema, wala lang yung sasabihin nya. Tapos hindi na sya sweet sakin. Haaaaay nako. Parang hindi na nga kami eh.

Naiintindihan ko naman na busy sya sa modeling eh, alam ko na yun. Kung hindi kami nagkakasabay pumasok at umuwi, naiintindihan ko din yun. Pero iba na talaga eh.

Alam mo yung feeling na hindi maganda, ang bigat nya sa dibdib. Feeling ko kasi may tinatago sya sakin pero parang wala naman. Ayy ang gulo. Basta hindi ko maexplain. 

Nakakaloka na mag isip.

Kasama ko ngayon si Aika, HRM student kasi sya kaya pareho kami ng building.

"oh, kamusta na kayo ng boyfriend mo?" tanong nya sakin

"ganun pa din, walang pinagbago"

"may kasalanan ka ba sa kanya bess?"

"*isip isip* wala naman, ewan ko ba. simula nung hindi kami nagkaintindihan sa greenwich, sunod sunod na yung away namin"

"eh hindi naman away yun eh"

"hindi ba away yun Aika?"

"hindi, ewan nga sa inyong dalawa. ikaw kasi eh, wag kang balahura kong sumagot, napuno na ata boyfriend mo sayo eh"

"hindi na nga diba? tsaka nag sorry na nga ako sa kanya eh"

"yun naman pala. alam mo bess, suyuin mo kaya, baka lumambot"

"panong suyo bess? hindi ako marunong nun"

"ikaw lang makakaalam nyan bess, sige na klase ko na. bye"

At ayun, iniwan na nga ako ni Aika. Isa din sya eh, parang hindi nakatulong sakin. Ayy, ewan ba. Bahala na nga.

***

Klase na namin ngayon. Hindi tumabi sakin si Renz. :( Nilalayuan nya ako. Ano bang mali sakin? sabihin nyo nga, anong mali sakin? Hindi ko kasi talaga maintindihan eh. 

Alam ko na, pagkatapos ng klase, kakausapin ko na sya. Kahit hindi nya ako pansinin, kakausapin ko pa din sya.

***

Tapos na yung klase namin. Kakausapin ko na talaga sya.

"Renz"

"oh bakit?"

"pwede ba tayo mag usap?"

"nag uusap na nga tayo diba" aba, pilosopo din to ah. Ok Gail, habaan mo pasensya mo ha.

"Renz naman eh, yung seryoso at matinong usapan, please"

Ayun, pumunta nalang kami sa may round tables. Umupo na kami at ako na yung unang nagsalita

"Renz, may problema ba tayo? Sabihin mo sakin yung totoo"

"yung totoo? gusto mong malaman?"

"oo, Renz. lahat lahat"

"I think you're not enough for me" halos madurog yung puso ko sa sinabi nya. hindi na ako enough? Ano ba yung enough sa kanya? kulang pa ba na mahal ko sya?

Nangingilid na yung luha ko sa mata, hindi ko mapigilan na maiyak sa sinabi nya. Agad ko namang pinunasan yung luha ko.

"Renz, anong kulang? hindi pa ba sapat na mahal kita? may iba na ba Renz? sabihin mo sakin"

"no Gail. It's not you, it's me"

"Renz naman eh, kumota na yang linya na yan eh. *pahid ng luha* Hindi mo na ba ko mahal?" umiyak na talaga ako. nasasaktan na ko eh. Asar ka namang mga luha ka eh. bat ba ayaw nyong tumigil?

"ewan ko Gail. ewan ko"

"anong ewan mo? may ganun na ba Renz? hindi ka na ba sure? kelan pa to ha?"

"hindi ko alam Gail"

"umayos ka nga. so, may iba na nga?"

"hindi ko alam"

"edi oo na din yun, kasi nga hindi mo alam, ayaw mo lang aminin. nakakatanga ka din eh, kung sana sinabi mo kagad edi ok kesa naasa ako sayo" lalo nalang akong naiiyak, hindi ko na alam yung sasabihin ko sa kanya, nakakapanghina sya eh. 

"hindi ganun Gail, hindi mo maintindihan eh"

"alin dun yung hindi ko maintindihan? yung busy ka? fine, matagal ko na yung inintindi. yung hindi mo ko pinapansin? naiintindihan ko din yun kasi nga busy ka. yung may kasama kang mga babae sa campus modeling? natural yun kasi model ka eh. ano pa ba? ano pa ba Renz? sabihin mo sakin at iintindihin ko" gustong gusto ko na maglupasay sa iyak, hindi ko na kaya. ang sakit sakit na.

"sorry Gail, you know I love you"

"eh bakit hindi ko maramdaman yun Renz? bakit hindi ko maramdaman" tapos niyakap nya na ko, yung mahigpit.

"I'm sorry Gail. I think we should break up now" tinanggal ko yung pagkakayakap nya sakin. Yun na, sinabi nya na yung pinakamasakit na salita sa lahat. Tagos sa buto yung sakit. Ang sakit sakit. Hindi na ko makapagsalita sa sobrang sakit. 

"no..... no..... we can fix this mess..... no.... please....." nagmamakaawa na ko sa kanya. Ayokong magbreak kami. Ayoko.

"hindi na pwede Gail, nasaktan na kita. Hindi na pwede" at umalis na sya sa pwesto namin. Iniwan nya kong umiiyak. 

Ilang minuto din akong umiiyak dun. Ang sakit sakit kasi talaga eh. Masyadong masakit na nag break kami. Akala ko mababaw lang yun, hindi ko naman inaasahan na maghihiwalay kami eh. Kaya ang sakit sakit.

Umuwi nalang ako sa bahay na umiiyak. Hindi na din ako tinanong nila mama kung bakit ako naiyak. Dumiretso nalang ako sa kwarto at dun umiyak.

Renz Reyes, bakit? bakit? bakit?

(A/N: Pure Fiction lang po talaga ito kaya wag nating seseryosohin. hehe. Alam ko naman pong medyo nakakaiyak tong chapter na to kaya cheer up. Please vote and comment na din po! Thank You! Happy reading! :) )

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon