"If you dont move-on, you'll only get stuck."
Pano ba maka move-on? May steps ba kung pano maka move-on? May madaling steps ba kung pano mag move-on? Meron ba kaya nun?
Dahil mahigit 2 weeks na kaming break ni Renz Reyes, eh dapat na din akong mag move-on. Wala na din namang chance na magkabalikan na kami. So, bakit pa ko aasa diba?
"Uso din mag move-on bess" yan ang linya ng aking dakilang bestpren ko na si Aika. Kung alam nya lang, ang hirap kaya mag move-on. Pero mahirap nga ba talaga o ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko.
Anyways, pumasok na ko ngayon kasi ang dami ko ng namiss na mga lessons. Pinupuntahan na nga ko ng iba kong blockmates sa bahay namin kasi nga daw ang dami ko ng namiss na lectures at recitations kaya tinulungan nila ako sa mga notes ko. Malapit na din naman kasi yung finals namin.
Dahil na din masugid akong mambabasa ng Wattpad, nakakuha din ako ng tips on how to move-on. Syempre hindi lang ako sa wattpad nakakuha ng mga advices, kundi sa google na din. Maka source lang eh. :D
Nasa good mood na ko ngayon. Minsanan nalang din ako umiyak. Kasi naman diba ang sakit na ng mata ko kung lagi akong iiyak. Nakakapagod din kaya umiyak, tapos nakakasipon din yun.
Nasa room ako ngayon, sa dati kong pwesto. Nagbabasa ako ng dumating sa room si Renz. Dun sya sa may likod pumwesto. Hindi ko nalang sya pinansin at baka madistract pa ko sa pagrereview ko. Mahirap na at baka mapabayaan ko ang pag aaral ko. Aba hindi din madali ang Tourism na course, puro foreign languages ang subject. Nakakadugo ng ilong yung mga salita no.
(A/N: Hindi po ako talaga Tourism student kaya kung sino man ang mga tourism students na makakabasa neto eh pagpasensyahan nyo na po. Hehe. Fiction naman to eh. Hehe. Sige, continue reading na po!)
Medyo may unting kirot pa sa puso pag makikita ko sya pero konti nalang. Sana sa mga susunod na araw wala na yung kirot.
***
Natapos ang sem namin at sembreak na ngayon. Kasama ko ngayon si Aika at nasa bahay kami.
"bess, nakamove on ka na?" tanong ni Aika sakin
"hindi ko alam eh, pero hindi na ganun kasakit yung nararamdaman ko pag nakikita ko si Renz, bat mo natanong bess?" curious lang no?
"wala naman eh, tutulungan kasi kita para maka move on, alam mo na. hehe" asuuuus, nahiya pa tong isang to. ang cute ni Bess. :D
"ano namang maitutulong mo sakin ha? love expert ka na ba Bess?"
"sira, hindi ba pwede? nabasa ko kasi na ang first step up daw para maka move on eh ilayo mo na sayo yung mga gamit na makakapag alala nung ex mo sayo"
"nagawa ko na Aika" 0_0 yan ang itsura nya, ano namang nakakagulat dun ha?
"napano ka Aika? huy"
"nagawa mo na? as in Bess? may kusa ka pala eh"
"naman no, hindi naman ako katulad ng iba na matagal maka move on"
"edi pwede ka na ulit mainlove Bess"
"ayoko nga, baka masaktan lang ulit ako. bitter na kung bitter pero natrauma kasi ako diba?"
"sabagay bess. haha. eh yung boyfriend mo kaya nakamove on na din?"
Hmmmm. Nakamove on ka na din ka ba Renz? Sana oo kasi ako malapit na ko maka move on sayo. Mga 60% na, unti nalang diba?
Renz's POV
Ang sakit pala makipag break sa taong ayaw mong mawala sayo. Ang laking tanga ko lang na pinakawalan ko si Gail. I miss Gail. I miss my beh. :(
Wala naman talagang iba eh, hindi ko magawang magcheat sa kanya, hindi ko magagawa yun sa kanya. Mahal ko nga sya diba?
Alam nyo ba kung bakit nakipag break ako? Mababaw na kung mababaw pero kaya ko lang naman sya nagawang iwan eh dahil hindi ko kayang ibigay sa kanya ang oras at atensyon ko. Siguro dahil na din lagi akong stress, madaling mag init ang ulo kaya nag aaway kami ni Gail. Ang babaw no?
Pero masisisi nyo ba ako dahil dun? Hindi ako pwedeng mag quit sa campus modeling at pinagsisisihan ko yun. Hindi ko na sya nakakasama. Hindi ko na sya napapakiig sa pick up lines ko. Hindi na kami nagkakaintindihan. Basta, iba na yung relationship namin at yun ay dahil sakin.
Pinagsisisihan ko na talaga lahat, gustuhin ko mang makipag balikan eh hindi ko na magawa, mukhang naka move on na sya. At ako hindi pa. Mahal na mahal ko pa din sya.
Sana hindi nalang talaga ako nagpakabusy, edi sana matagal pa yung love story namin, eh kaso wala na eh. Nasayang na ang pinakamasayang 4 months ng buhay ko. Bading na kung bading, nagmamahal lang talaga ako ng tapat.
Gail's POV
"nasunod ko na lahat ng steps Bess" ako yan, kasama ko ulit si Aika. 2nd sem na namin.
"edi good for you. Teka lang Bess, pano kung blockmates pa kayo ni Renz?"
"edi blockmates"
"panu kung kausapin ka nya?"
"edi kausapin, problema ba yun?"
"hindi naman. pano kung makipagbalikan sayo"
"edi *isip isip* edi.. hindi na ko makikipagbalikan. naka move on na nga ako diba"
"sabi mo yan eh"
Araw araw naming topic yan ni Aika, ang pagmomove on ko. Aaminin ko, hindi talaga sya madali pero araw araw, unti unting na ding nawawala yung sakit at pagmamahal ko sa kanya. Kung hindi nga lang babanggitin ni Aika yung pangalan ni Renz eh hindi ko sya maaalala. Naka move on na naman ako diba? diba? diba? :)
(A/N: Pasensya na po kayo kung hindi masyadong maganda tong chapter na to. Puchu puchu kasi ang utak ko ngayon eh. Anyway, nabasa nyo na yung POV ni Renz kaya wag nyo syang awayin ah. Yun lang. Please vote and comment na din po. Thank you!)
BINABASA MO ANG
Lost Love
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Eh ang masaktan? Ito ay isang kwento ng paghahanap ng pagmamahal, kung pano nasaktan at bumangon pagkatapos. Her Lost Love...