Freshman ako ng mangyari ito sakin. Ngayon school ko padin ito Hanggang ngayon at hindi ko pwedeng sabihin Ang name ng school na ito dahil baka di niyo na puntahan.
Sikat ang paaralan na ito at madaming gusto makapag-aral doon dahil kung doon ka galing ay tiyak na madami ang gustong kumuha sa iyo kapag Ikaw ay nakapagtapos Doon.
May kwento din Ang aming guro sa school namin, madami nadin syang naririnig na kwento na kababalaghan na nangyayari sa aming campus katulad nalang ng may nag camping sa campus at may studyante ang na-lock sa Isang cubicle doon at nakarinig daw ito ng umiiyak na babae at Ang ginawa Ng studyate ay nagdasal na daw ito ng Ama namin ngunit sinabayan lamang sya nito at binulungan ng multo hanggang mahimatay yung studyante sa cr.
Pero mas nakakatakot ang kwento ko.May malaking lumang painting na nakasabit sa dingding ng Isang Building doon sa campus. Isa itong babae na nakatayo ay may hawak na libro at nakatingin doon sa hawak na libro. Maganda nman daw ang painting ngunit sa tuwing dumadaan ako doon ay parang may nararamdaman akong kakaiba katulad nalang ng parang may nagmamasid sayo kapag nakatambay ka doon mismo sa tapat ng painting.
btw working student non kaya kumuha ako pang-Gabi na pasok 5pm to 9pm ang schedule ko nun. Kunti lang kaming kumuha ng pang-gabi na schedule at kailangan talaga namin iyon pasukan dahil major subject namin iyon.
So, nagpaalam ako nun na mag Cr at Ako lang mag-isa ang lumabas ng room nun habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong babae at may dala dalang libro ito, sa unang kita ko dito ay parang simpleng professor lang na naka-dress at naka malaking salamin na pang nerd ito.
Di ko na masyado nakita yung itsura nung babae dahil nakayuko iyon.
Nang madaanan ko na yung painting ay nagulat ako dahil wala doon yung larawan na babae na may mga dalang libro tanging background lang yung nandon.
Unti-unting lumingon ako sa dinaanan ng babae at nagulat ako dahil nakahinto iyon sa pathway sa gitna at biglang hinuhulog nito Isa isa ang mga libro sa sahig at ng wala na itong hawak na libro sa Kamay nito ay unti-unti iyon lumingon sa sakin.
Doon ko Nakita na walang Mukha at tanging bibig lang Ang Meron ito.
Ngumiti iyon sakin at mabilis na tumakbo palapit sa kinaroroonan ko.
Habang tumatakbo ito ay namamatay Isa-Isa Yung ilaw sa pathway at naka angat na ang mahabang kamay nito para abutin ako at ang tanging ginawa ko ay pumikit nalang dahil di ako makagalaw sa kinatatayuan ko at hinintay nalang ang sunod sanang mangyayari.
Ngunit nagulat ako ng makaramdam ng hapdi sa kabilang pisngi ko, Napakurap Ako dahil don at Nakita ko sa harapan ko Ang best friend kung si Crizelda, nag sorry ito sakin dahil sa pagsampal sa sakin nito kaso may dahilan naman ito para gawin iyon.
Sinundan daw ako nito nung nag paalam akong mag Cr kanina, at kanina pa daw ako tinatawag ng best friend ko, Ang kaso ayaw ko daw kumibo at nakatulala lang daw, niyu-yugyog na daw ako ng best friend ko Kaso ayaw ko pa daw magsalita o di Kaya kumibo, bukas naman daw ang mga mata ko pero di daw ako kumukurap at tanging humihinga lang. Kaya no choice yung best friend ko Kaya sinampal nalang niya ko, inisip Kasi nito na baka effective Kung sampalin ako ng malakas para magising ako.
Tuwang tuwa naman yung bestie ko dahil sobrang effective daw ng pag sampal niya sakin kasi nagising ako. Kaso sobrang sakit Kaya sinabunutan ko siya nun.
Nang sumagi ulit sakin yung nangyari
Ay napatingin Ako sa painting nandoon na ulit yung babae at nakatingin padin ito sa dala dalang libro nito.Sobrang natakot Ako kaya sinabihan ko Yung best friend ko na Si Crizelda na umalis na sa pwesto Namin dahil Hindi ko Kaya na Makita Yung painting.
Paano Kaya kung Wala Doon Yung best friend ko. ano Kaya Ang mangyayari sakin kung Hindi Ako nagising at nahawakan Ako Ng tuluyan Ng multo na Yun.
Mula nun ay di Nako dumadaan sa gawi na Yun. kung nasaan Yung painting naka display.
Pero last year ay inalis na Yung painting at ipapalit nalang daw Doon ay mga trophy at achievement award ng school Namin.
A/N: Salamat sa 40k reader's nitong Scary Stories 5🥰

YOU ARE READING
Scary Stories 5
HorreurThis is a true horror stories Pls read it and support my all stories..