Natapos ang Christmas vacation namin at balik na naman sa normal na buhay.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay agad akong sinalubong nina Kirsten at Mandy.
"Xianne! Na-miss kita!" Sigaw nila habang tumatakbo papalapit sakin.
Umuwi sina Mandy sa probinsya nila noong pasko at kadarating lang nila kaninang madaling araw kaya ngayon lang muli kami nagkita.
"Magkano napamaskuhan mo?"
"1,500 ikaw?"
"800 nga lang eh."
Kasalukuyan silang nagk-kwentuhan habang ako naman ay tahimik lang na nakupo sa upuan ko at nagsusulat sa papel.
Flames
X i a̸ n̸ n̸ e̸ D i a̸ n̸ a̸ A̸ l̸ l̸ i s̸ s̸ o̸ n̸
C h a̸ s̸ e̸ M a̸ t h e̸ w A̸ n̸ g e̸ l̸ e̸ s̸25 lahat ng parehas na letters sa pangalan namin. Nagbilang ako ng 25 sa bawat letra ng salitang flames. Napasimangot naman ako nang tumapat ito sa f, friends.
Bakit sa friends pa? Pwede naman sa love o kaya married?
Pero okay lang, lahat naman ng lovestory nagsisimula sa pagiging friends.
"Hoy Xianne!" Napatingin ako kay Mandy nang tawagin ako nito.
"Bakit?"
"Kanina ka pa namin tinatanong. Magkano napamaskuhan mo? Ano ba 'yang sinusulat mo?"
"4,000," sagot ko at itinago ang papel na pinagsulatan ko ng flames sa likod ko.
"Wow! Wala na, may nanalo na," komento ni Kirsten.
"Ano ba 'yang sinusulat mo? Love letter?" Tanong niya at inagaw ang papel sakin.
"Akin na 'yan!" Nagawa kong bawiin ang papel pero huli na dahil mabilis niyang nabuksan iyon ay nabasa ang nakasulat dito.
Ginusumot ko ito at itinapon sa basurahan na nasa harap lang ng room. Nang ibalik ko ang paningin ko sa kaniya ay nakangising aso na ito.
"Yiiieee bakit mo pinagf-flames ang pangalan niyo ni Chase huh? Crush mo siya no?"
"Yiiieee, Xianne huh? Chase pala huh?"
Pinandilatan ko sila ng mata at sinenyasang manahimik. Tinignan ko ang mga kaklase ko. Mukha namang hindi nila naririnig ang pinag-uusapan namin dahil may sari-sarili rin silang kwentuhan.
"Manahimik nga kayo! Ipagsasabi ko rin crush niyo!" Pagbabanta ko sa kanila.
"Okay lang, alam na naman nila kung sino yung crush ko eh, binuking mo nga ako diba? Ibubuking din kita."
Lumipas ang ilang ilang minuto ay nasilayan ko na si Chase na naglalakad papunta dito sa room. Kaya tumahimik na ako at tumigil na sa pakikipag-asaran sa kanila.
"Oh Xianne, ba't ang tahimik mo na?" Tanong ni Kirsten. Tinignan ko lang siya pero hindi sumagot.
"Ayyiiee nandiyan na pala yung crush niya eh!"
BINABASA MO ANG
Blackmail
Teen Fiction"Ang mga itinuturing ninyong prinsipe ay alipin ko lamang" When Xianne, a spoiled brat, transferred in a public school, she never expect that she would encounter these four arrogant, campus crush and perfect boys. Because of what she experienced wit...