Bitbit ko ang gitara ko habang naglalakad papunta sa paborito kong lugar kung saan ako laging tumatambay, sa likod ng malaking puno sa plasa.
Napatigil ako sa paglalakad nang may matanawan akong babaeng nakaupo doon at umiiyak.
Inihakbang ko ang mga paa ko papalayo doon pero muli akong tumigil at tinignan ang babaeng iyon. Napabuntong-hininga na lang ako at muling naglakad.
Wala akong pakialam sa buhay ng ibang tao pero natagpuan ko na lang ang sarili kong inaabutan ng panyo ang babaeng iyon.
Nag-angat siya ng tingin sa kamay ko at inabot ang panyo ko. Hindi niya magawang tumingin sakin. Nakatungo lamang siya at pilit itinatago ang mukha.
Nanatili akong nakatayo at pinapanood siya. Hinihintay na ibalik niya sakin ang panyo ko pero hindi niya ibinigay.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pinili kong umupo sa tabi niya kahit na hindi ko naman gawain ang makisalumuha sa iba.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang pinapanood siyang umiyak. Hindi ko siya kilala pero ayoko siyang makitang nagkakaganito. Gusto siyang patahanin pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako na isipin niyang may balak ako.
Napabuntong-hininga na lang ako at iniwas ang paningin ko sa kaniya. Napatingin naman ako sa gitara ko na nasa tabi ko. Kinuha ko ito at pwinesto ang mga daliri sa strings nito.
They say music can comfort a person. I hope she will feel relieved even just a little.
Sinimulan ko nang tipain ang strings nito at sinabayan ko na rin ito ng pagkanta.
"Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try"Bahagya siyang tumigil sa paghikbi kaya naman napangiti ako.
"Baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
They don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway"Nakatulala lang siya sa mga halaman na nasa harapan namin. Hindi na rin siya nakatungo kaya't mas lalo kong nakita ang kaniyang mukha.
"Girl, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life"Makinis at maputi ang kaniyang balat. May katabaan ang kaniyang pisngi. May kalakihan ang kaniyang mata, mahahaba ang basa niyang pilik mata, matangos ang ngayo'y namumulang ilong niya at mapupula ang kaniyang labi.
"Cause in a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go 'round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song""T-thank you," pagpapasalamat niya nang matapos na ang kanta. Hindi pa rin niya magawang tumingin sakin. "Sabi nila mas mabuting magkwento daw sa hindi mo kakilala dahil hindi ka daw nila huhusgahan.."
"Sige lang, makikinig ako."
Kinagat niya ang labi niya at nagsimulang magkwento.
"Bumagsak ako this quarter kaya galit na galit sa'kin ang mga magulang ko, tapos yung mga kaibigan ko naman, ayun, bigla na lang mga nagsiwala. Itinanggi pa nga nila na kilala nila ako dahil lang bagsak ako. Hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar.." Patuloy lang ako sa pakikinig sa kwento niya. Hindi ako nagsasalita dahil ko rin naman alam kung paanong mag-comfort.
BINABASA MO ANG
Blackmail
Jugendliteratur"Ang mga itinuturing ninyong prinsipe ay alipin ko lamang" When Xianne, a spoiled brat, transferred in a public school, she never expect that she would encounter these four arrogant, campus crush and perfect boys. Because of what she experienced wit...