Nakangiting kong pinagmamasdan ang bundok na nababalot ng puting niyebe habang naglalakad papalapit sa lawa. Naupo ako sa damuhan na nasa gilid lang nito at dinama ang malamig na hangin.
Ang kapal na ng suot kong coat pero ramdam na ramdam ko pa rin ang lamig. Halos takip na ang kalahati kong mukha dahil sa kapal ng scarf na nabili ko.
Napatingala ako sa langit nang maramdaman ko ang pagpatak ng tubig sa aking buhok. Madilim ang mga ulap na bumabalot sa kalangitan at nagsisimula nang magsibagsakan ang mga pinong niyebe.
Sa pagtingala ko ay siyang pagpatak ng tubig sa aking mata. Napakurap ako nang ilang beses at pinunasan ito gamit ang daliri ko.
Nakaramdam naman ako ng presensiya sa gilid ko kaya nag-angat ako ng tingin sa babaeng nakatayo sa tabi ko, hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng payong na hawak niya.
May kinuha siya mula sa bulsa niya at iniabot ang isang panyo sakin. Tinanggap ko naman ito at pinangpunas sa mata ko. Nang muli akong mag-angat ng tingin at akmang magpapasalamat sa kaniya ay siyang paglakad niya papalayo.
Bumaling na lang ako muli sa lawa. Napangiti na lang ako nang muli kong tinignan ang panyong hawak ko. Marahil akala niya ay umiiyak ako.
Mabilis na naglaho ang ngiti ko at napakurap ng ilang beses nang mapansin na pamilyar ito sakin. Binuka ito upang masiguradong ito nga 'yon. Habang binubuka ko ito ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakasulat ang pangalan ko rito.
Muli kong tinignan ang dinaanan ng babaeng nagbigay nito sakin ngunit nawala na siya sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Blackmail
Fiksi Remaja"Ang mga itinuturing ninyong prinsipe ay alipin ko lamang" When Xianne, a spoiled brat, transferred in a public school, she never expect that she would encounter these four arrogant, campus crush and perfect boys. Because of what she experienced wit...