2011
Hinakbang ko ang mga paa ko papasok sa paaralang ito. Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng naglalakad sa paligid. Wala na talaga. Dito na talaga ako mag-aaral.
Nandidiri kong pinasadahan ng tingin ang mga estudyanteng naglalakad at lihim na napairap.
Masaya ang buhay ko noong nag-aaral pa ako sa private school. I'm one of the most famous student. Pero masiyado akong nabulag sa kasikatang iyon, sa mga papuring natatangap ko kaya napabayaan ko ang pag-aaral ko at bumagsak ako. Bilang parusa sakin ay inilipat ako sa isang pampublikong paaralan at wala na rin akong matatangap na allowance.
Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Naglibot-libot ako hanggang sa mahanap ko na ang section ko.
3rd year A.
Inayos ko muna ang bangs ko bago tuluyang pumasok ng room. Chin up. Breast out. I walk confidently towards the room.
"Okay, class you have a new classmate," anunsyo ng guro bago bumaling sakin. "Come here, iha."
Naglakad ako papunta sa gitna at taas noong humarap sa kanilang lahat.
"My name is Xianne Diana Allison, fifteen years old, and I think that's what all you need to know about me," dire-diretsong pagpapakilala ko at naupo sa bakanteng upuan na tabi ng pinto.
"Ayiiee, magkaklase na tayo!" Bumaling ako sa katabi ko, si Mandy. Anak siya ng kasambahay namin kaya naging close kami. Ngumiti ako pabalik sa kaniya at bumaling sa labas.
Hindi ako mahilig makipag-usap. Kahit noong nasa private school pa ako. Oo, sikat ako roon, pero wala akong kaibigan. Plastik na kaibigan, madami. Kaya lang naman sila lumalapit sakin noon dahil 1st honor ako, pero nung bumagsak ako, lahat sila'y biglang na lang nawala.
Nagsimula na ang klase kaya bumaling na ako sa harapan.
"Ano nga ba ang denotatibo at konotatibo?" Tanong ng Filipino teacher namin.
Iba't ibang reaksyon ang makikita sa mukha ng mga kaklase ko. Pero isa lang ang kanilang sinasabi.
"Ma'am, hindi pa po namin alam yan."
"Ma'am, hindi pa po natin napag-aaralan 'yan."
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang hampasin niya ang mesa at ito ay nasira.
"Kaya nga pag-aaralan diba?! Nagtuturo ako dito sabat kayo ng sabat! Kayo na magturo!"
Katakot naman 'to.
Itinaas ko ang kamay ko kaya't napatingin sakin ang lahat.
"Oh, Ms.Allison!" Sigaw niya.
Tumayo ako sinagot ang katanungan niya. "Ang denotatibo ay literal na kahulugan ng salita at makikita sa diksyunaryo. Ang konotatibo naman ay iba pang kahulugan o lihim na kahulugan ng salita."
Muli akong naupo matapos kong sabihin iyon.
"Very good! Ang halimbawa nito ay puso. Ang denotatibong kahulugan nito ay parte ng ating katawan. Ang konotatibong kahulugan naman nito ay pag-ibig, pagmamahal. Ano nga bang nilalaman ng inyong puso?"
Nagsimula nang mag-ingay ang iba. Ang iba nama'y nagtitilian pa at sinisigaw ang pangalan ng mga crush nila.
"Ma'am, si crush po!"
"Yan! D'yan kayo magagaling! Pag tungkol sa kalandian, bidang-bida kayo!"
Muling tumahimik ang klase dahil nag-apoy na naman ang ilong ni Ms. Filipino.
Nakatapos na kami ng dalawang subject at recess na. Inayos ko muna ang gamit ko at akmang lalabas na nang may tumawag sakin.
"Xianne!"
BINABASA MO ANG
Blackmail
Teen Fiction"Ang mga itinuturing ninyong prinsipe ay alipin ko lamang" When Xianne, a spoiled brat, transferred in a public school, she never expect that she would encounter these four arrogant, campus crush and perfect boys. Because of what she experienced wit...