Ibinalik ko ang paningin ko kay Chase. Wala siyang emosiyon na nakatingin sa screen, tumingin siya sakin at nanatiling ganoon pa rin ang kaniyang itsura.
"Chas-"
Akma akong hahakbang papalapit sa kaniya nang bigla siya tumalikod at naglakad papalayo.
Bahagyang nangitnit at nanlabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang namumuo dito. Napakagat na lang ako ng labi at mabilis na pinunasan ang luha ko.
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Zack mula kay Angel.
"Gago ka rin eh no?! Sinuway ko mga magulang ko para sayo, tapos gagaguhin mo lang ako!" Akmang hahawakan ni Zack ang braso niya pero agad niya itong itinulak. "Tangina mo! Huwag kang lalapit sakin!" Mabilis siyang tumakbo papalabas ng gym kaya't tumakbo rin ako para habulin siya.
"Angel!" Pagtawag ko sa kaniya. Tumigil naman siya sa pagtakbo at bumaling sakin.
"Xianne, alam mo na ba? Alam mo na ba na niloloko niya ako?"
I'm sorry..
"Bakit pa ba ako nagtatanong eh alam ko na rin naman yung sagot?" Sarkastiko siyang tumawa habang umiiling-iling. "Akala ko ba magkaibigan tayo? Pwes bakit hinayaan mo akong magmukhang tanga?!"
Bakas ang galit at poot na kaniyang nararamdaman habang sinasabi ang mga salitang iyon. Hindi ko rin siya masisisi. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagagalit ng ganito. Mas pinili ko ang magapaka-reyna kaysa sabihin sa kaniya ang totoo.
"Nagbago na si Zack, nakipaghiwalay na siya-"
"Tingin mo ba may tiwala pa rin ako sa'yo?"
Natahimik naman ako dahil sa kaniyang katanungan.
Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad habang ako nama'y naiwan sa kinatatayuan ko.
Napangiti na lang ako ng mapait. Ang kinatatakutan kong mawalan muli ng kaibigan, ngayo'y nangyayari na.
Siguro nga ako yung may problema, ako yung may mali kaya't palagi na lang akong nawawalan ng kaibigan.
Muling tumulo ang luha ko pero sa pagkakataong ito ay hinayaan ko nang tumulo ito. Napaupo ako't humagulgol, pilit nilalabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Para akong isang bata na iniwan ng mga kalaro at umiiyak sa daan.
Pinunasan ko ang luha ko at muling bumalik sa court upang hanapin silang apat. Kasalukuyang nagkakagulo ang estudyante ngayon, panay ang pagbubulungan nila tungkol sa nangyari kanina pero hindi ko na sila pinansin pa. Inilibot ko ang paningin ko sa buong court pero hindi ko pa rin sila makita.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa sling bag ko at sinubukan silang tawagan pero hindi nila ito sinasagot.
Kinabukasan ay reconition day. Itinuloy pa rin nila ito kahit na may kaguluhang nangyari kahapon.
Inilinga-linga ko ang paningin ko sa paligid, umaasang makikita ko sila. Napabuntong-hininga na lang nang tinawag na ang kanilang mga pangalan pero hindi ko pa rin sila natatanawan.
"Allison, Xianne Diana."
Tinawag na ang pangalan ko kaya't tumayo na ako at naglakad patungo sa stage.
BINABASA MO ANG
Blackmail
Novela Juvenil"Ang mga itinuturing ninyong prinsipe ay alipin ko lamang" When Xianne, a spoiled brat, transferred in a public school, she never expect that she would encounter these four arrogant, campus crush and perfect boys. Because of what she experienced wit...