Dumaan ang sembreak at back to school na naman. Nagbigayan na rin ng card at nag-announce ng honor. Ako ang nanguna sa klase namin kaya labis na natuwa sina mom at dad.
Nakatingin sakin ngayon ang mga estudyante habang naglalakad papuntang classroom. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha tuwing tumatama ang kanilang paningin sakin.
Nakangisi kong pinasadahan ng tingin ang apat na kupal na kasabay ko. Hawak ni Caile ang project na ipapasa ko sa Science. Hawak naman ni Zack ang mga libro ko. Si Chase naman ang may hawak ng bag ko. At si Kai ang taga-payong ko.
Naglakad ako papunta sa pinakamalapit na bench at doon ay umakyat. Humarap ako sa mga estudyanteng nagtatakang nakatingin sakin ngayon.
"Marahil kayo ay nagtataka, kung paanong ang apat na kupal na 'yan ay tila mga alila. Nais kong malaman niyo na ang mga itinuturing ninyong prinsipe," saad ko sa patulang tono saka iginawi ang kamay upang ituro sila, "ay alipin ko lamang." Iginawi ko ang kamay ko papunta sa aking dibdib upang ituro ang sarili.
Hindi ako nakatanggap ng tugon sa kahit kanino. Tulad kanina ay puno pa rin ng pagtataka ang kanilang mukha. Kung tignan nila ako ay para ba akong isang baliw.
Pinasadahan ko ng tingin yung apat na kupal. Nakataas ang isang kilay nina Caile at Zack habang sina Kai at Chase naman ay umirap lamang.
Napakagat na lamang ako ng labi dahil sa pagkapahiya.Nag-bow ako sa kanilang lahat saka bumaba na ng bench at nagpatuloy muli sa paglalakad na para bang walang nangyari.
Napapapikit na lamang ako ng mariin tuwing maalala ko ang ginawa ko kanina. Wala sa sariling nagpapadyak ako ng paa dahil sa sobrang inis ko sa sarili.
Sino ba kasing adik ang sumapi sakin at ginawa ko yun?!
"Ms. Allison are you okay?" Tanong sakin ng teacher namin sa Science.
Gulat naman akong napatingin sa kanya.
"P-po?"
"Bakit nagpapadyak ka riyan?" Malumanay na tanong niya.
"May... may langgam po eh," sagot ko at tumungo ako saka nagkunwaring nagkakamot ng binti.
"Ohh okay anyway, thank you for your presentation Rona and Justin." Bumalik silang dalawa sa kanilang upuan matapos nilang mag-report. Nagpaliwanag pa siya tungkol sa topic na ni-report nila.
"And our presenters for next week are," bumunot siya sa index kung saan nakalagay ang mga pangalan namin. "Ms. Allison and.." Gulat akong napatingin sa kanya nang banggitin niya ang apelyido ko,bumunot pa siya ng isang index card. "Mr. Angeles."
Tumingin ako sa kanya at ganun siya sakin. Nang magtama ang paningin namin ay agad din kaming nag-irapan.
Bakit siya pa? Pwede namang si Mandy na lang para malapit lang.
Tumayo kami at lumapit kay Mrs. Alvarez upang malaman ang topic na ire-report namin.
Asteroids, Comets and Meteoroids.
Kasalukuyan akong kumakain ng lunch nang bigla akong tawagin ni Chase kupal.
"Bakit?" Tanong ko rito.
"Saan tayo maggagawa?" Tanong niya
"Kahit saan."
"Samin na lang."
"Ge, pero sa Linggo samin na, dadating kasi sina mom at dad."
"Ge, bahala ka," tumalikod na siya at naglakad palayo. Napatingin naman ako Mandy dahil sa biglang pagsundot niya sa tagiliran ko.
"Anong gagawin niyo huh?" Agad ko siyang binatukan dahil sa tono ng pananalita niya.
Kanina ko pa pinipindot ang doorbell pero hanggang ngayon ay hindi pa rin binubuksan ni Chase ang gate nila.
BINABASA MO ANG
Blackmail
Fiksi Remaja"Ang mga itinuturing ninyong prinsipe ay alipin ko lamang" When Xianne, a spoiled brat, transferred in a public school, she never expect that she would encounter these four arrogant, campus crush and perfect boys. Because of what she experienced wit...