Chapter 8

71 8 113
                                    

Kasalukuyan kaming nakaupo sa gym habang hinihintay ang dance instructor na magtuturo samin.

Ngayon na magsisimula ang pagp-practice para sa aming cotillion dance sa gaganaping js prom.

"Huwag kang malikot!" Sigaw sakin ni Kai. Nakangiwi ko naman itong tinignan. Tinitirintasan nila ni Angel ang magkabila kong buhok.

"Aray ko!" Reklamo ko.

Napakahigpit naman kasi nila mag-ipit! Para bang gusto na nilang punitin ang anit ko.

"Ayan, tapos na," saad ni Angel at binitawan ang buhok ko.

"Gusto mong tirintasan din namin yung bangs mo?" Tatawa-tawang tanong ni Kai.

Kinuha ko ang salamin sa bag ko at tinignan ang repleksiyon ko. Napangiti ako nang makita ang buhok ko. Bagay sakin ang hairstyle na'to.

"Naks, para ka na si Annabelle! Hahahaha!!"

Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Kai.

Akma ko itong aambahan ng suntok pero agad siyang nakalayo habang patuloy pa rin sa pagtawa at pag-peace sign.

"Chase, si Christine oh!" Napatingin ako sa likod nang marinig ang pangalan ni Christine. "Hi daw sabi ni Chase." At doon ay nakita ko siya na kinakawayan ni Caile. Ngumiti siya sa mga ito at naglakad papalapit. Hindi ko man marinig pero alam kong may sinasabi siya sa kanila. Muli siyang ngumiti sa kanila at naglakad papalayo.

"Ayyiiee kilig naman betlog ni Chase!" Pang-aasar ni Caile habang niyuyugyog ito.

"Sino yun?" Rinig kong tanong ni Zack.

"Chix ni Chase."

"Pota! Ganyun type mo?! Kay Xianne ka na lang," aniya. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagtingin nito sakin pero nagkunwari akong wala akong naririnig.

Ramdam ko ang pagtapik ng kung sino sa balikat ko at pagbulong nito sa aking tainga.

"Aww, selos si Annabelle," pang-aasar ni Kai. Akmang tatakbo siya palayo pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakatakas pa dahil agad kong nahablot ang tainga niya.

"Aray! Aray! Hahahaha!!"

"Tama na nga 'yang harutan niyo ah!" Sigaw samin ni Chase kaya't sinamaan ko ito ng tingin.

"Harutan mo mukha mo!" Sigaw ko pabalik sa kaniya.

Akala mo naman siya hindi nakikipagharutan dun sa Christine.

"Pinapasabi ni Ms.Ardiza na papunta na daw dito yung dance instructor natin kaya pumila na kayo by height," anunsiyo niya sa mga kaklase namin kaya naman naglakad na ako papunta sa unahan upang pumila.

Sa pagpunta ko sa pwesto ko ay madadaanan ko siya kaya nang makadaan ako sa harap niya ay hindi na ako nag-aksaya pa ng pagkakataon na masabi sa kaniya na...

"Alam mo? Bagay kayo. Parehas kayong nerd," pang-iinsulto ko sa kaniya. Nakita ko naman ang bahagyang pag-awang ng labi niya at pagkunot ng kaniyang noo.

Nerd siya kaya ang tipo niya ay nerd din. Magsama sila!

"Alis diyan! Kami ang partner!" Pagpapa-alis ni Kai sa katabi ko at nagpunta sa naman ito likod nito.

Hindi nagtagal ay dumating na din ang dance instructor namin kaya nagsitahimikan na ang iba.

"Okay, ayusin muna natin ang formation niya," saad niya. Itinuro niya ang pwesto ng bawat isa kaya't naglakad papunta sa kani-kanilang pwesto ang lahat ng magkakapareha.

Nasa kaliwa ang mga babae habang nasa kaliwa naman ang mga lalaki.

"Hawak-hawak kamay!" Saad ng dance instructor kaya nandidiring kong tinignan si Kai. Nakangiwi niya akong tinignan at umakto na animo'y nasusuka.

BlackmailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon