Chapter 10

42 8 91
                                    

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Anong gagawin mo kung ako yung nagpakalat ng video?"

Nakatanga lang akong nakatingin sa kaniya, pilit pinapasok sa aking isipan ang kaniyang mga sinabi.

Ang dami nang konklusiyon ang pumapasok sa isip ko pero mas pinili kong hindi paniwalaan iyon, ayokong basta na lang magbintang na walang pruweba.

"Bakit mo tinatanong?"

"Wala, tanong ko lang," sagot niya at umayos ng upo. Nakangisi siyang bumaling sakin at sinundot ang tagiliran ko. "Uyy! Kinabahan hahahaha!"

Bahagya naman akong nakahinga ng maluwag at tatawa-tawang napairap.

"Tinanong ko lang, makareact naman 'to. Shock na shock?" Tatawa-tawang saad niya. "Pero kung ako nga,anong gagawin mo?" Pagtatanong niya muli.

"Papalayasin kita! Bwisit ka! Kinabahan kaya ako!" Bulyaw ko sa kaniya at humalakhak naman siya habang pumapalakpak.

"Hahahahaha!! Sabi ko na nga ba kinabahan ka eh!"

Ilang minuto pa siyang tumawa bago tuluyang nanahimik.

"Pero sino nga kayang may gawa nun?" Nakatitig lang siya sa pader na para bang magsasagot nito ang katanungan niya.

Lumabas na kami sa hospital at naglakad papunta sa plasa dahil malapit lang naman ito.

Naglakad ako papunta sa likod ng malaking puno at doo'y naupo habang si Mandy naman ay bumibili ng pagkain.

Kinuha ko cellphone ko at nagpatugtog. Nabuntong-hininga ako habang pinapakinggan ito. Ipinkit ko ang mga mata ko at isinandal ang ulo sa puno.

"Huy! Bakit diyan ka nag-eemo?"

Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin kay Mandy na may dala-dalang burger at juice.

"Ang lamok-lamok diyan eh!" Lumapit siya sakin at hinila ako patayo. "Halika dun, maghanap tayo ng pogi!" Binawi ko ang braso ko at agad na binatukan siya.

"Ikaw babae ka may Jake ka na, naghahanap ka pa pogi!" Bulyaw ko sa kaniya pero sinamangutan niya lang ako.

"Para maghahanap lang ng pogi eh," rinig kong bulong niya. "Hindi naman kasi para sakin yun eh, para sayo yun...para makamove-on ka na hehe." Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad siyang ngumiti at nagpeace sign.

Naglakad kami patungo sa bench at doo'y naupo. Pinagmasdan ko ang mga batang masayang naglalaro.

Kung hindi kaya nangyari iyon,magiging ganiyan din kaya kami kasaya hanggang sa pagtanda namin?

Muling bumalik sa alaala ko ang mga tawanan namin kahit na walang pera, ang kantahan namin sa mahabang paglalakad.

Gustong-gusto kong ibalik at paulit-ulitin ang panahong iyon. Pero hindi na pwede.

Bumalik ang isip ko sa reyalidad nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtataka kong tinignan tinignan ang unknown number na tumatawag.

"Hello?" Pagsagot ko sa tawag.

[Umm hello? Is this Xianne Diana Allison?] Boses ng babae ang sumagot mula sa kabilang linya.

"Yes, who's this?"

[It's Mae.]

Nanlaki ang mga mata ko matapos marinig ang pangalan niya. Isa siya sa mga opisyales ng paaralan. She is the secretary of student council. I ask her to look at the CCTV footages before the incident happen.

BlackmailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon