Kabanata 3

41 0 0
                                    

Kabanata 3

"Regalo ko sa 'yo 'to, anak," ngiti ni Papa pagkatapos iabot sa akin ang isang surfing board na may nakatali pang ribbon. Malaki ang ngiti ko nang niyakap si Papa at pagkatapos ay niyakap na rin ang bagong surfing board.

"Ang ganda po, Papa!" sambit ko sa nagagalak na boses. May nakapinta ritong alon at puno ng niyog sa gilid.

"Buti naman at nagustuhan mo," dagdag pa niya kaya nilapitan ko muli siya para mayakap muli.

Katatapos lang kasi ng Recognition Day namin at umattend ang buong pamilya ko. Nagpahanda rin si Mama ng maliit na salu-salo sa aming resort para sa mga empleyado at malalapit sa buhay namin.

"You always know how to please the people around you, Aryala." Ngiti ni Uncle Zeus at nag-abot sa akin ng regalo.

"Ito pa lang po kasi Uncle ang paraan ko para makabawi sa kanila," ngiti ko sabay abot ng regalo. "Salamat po! Nag-abala ka pa, Uncle."

Nakatanggap ako ng maraming pagbati galing sa mga empleyado ng resort. Abala kami ni Mama sa pag-aasikaso sa kanila kaya hindi ko na rin namalayan ang oras.

"Yala, may tumutunog sa bag mo. Bumili ka na ng cellphone?" tanong ni Kuya Aris sabay abot ng bag ko.

"Hindi sa 'kin 'to, Kuya. Pinahiram lang," ngiti ko at naglakad na papalayo sa mga tao.

Dali-dali kong nilabas ang cellphone ni Almarius mula sa bag at sinagot ito. Nitong mga nakaraang araw, hindi ko ito masyadong nagagamit kung hindi pa tatawag o magpapadala ng mensahe si Almarius. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang dapat sabihin sa kanya at ayoko na rin makaabala pa.

"Hello?" sagot ko sa isang banayad na boses. Tumagal ng ilang segundo na tahimik lang ang kabilang linya kaya tiningnan ko ang screen kung naputol ba ang tawag. "Almarius? Nand'yan ka ba?"

"Congratulations," sabi niya sa mababaw na boses. Awtomatiko akong napangiti dahil doon at kahit na hindi niya nakikita ay napatango ako.

"Salamat. Sayang at wala ka rito. May kaunti kaming salu-salo sa resort para sa pamilya at empleyado," kwento ko habang pinaglalaruan ng paa ko ang pinong buhangin sa dalampasigan. "Kamusta ang pag-aaral mo riyan? Kami kasi ay bakasyon na namin."

"Maayos din naman. How's the celebration there? Are you enjoying it?"

"Masaya ako, Almarius. Marami rin akong natanggap na regalo at excited na rin akong magamit ang regalo sa 'kin ni Papa na bagong surfing board!" punong-puno ng excitement ang boses ko habang nagku-kwento sa kanya.

"Hmm," rinig ko sa kabilang linya. Ilang segundo pa ay umingay na ito at parang nakakarinig ako ng malakas na hangin at tunog ng alon. Napaayos ako sa puwesto ko at napalingon sa paligid. "To your left," sabi niya kaya mabilis akong lumingon sa kaliwa at nakita siyang nagtatago sa isang puno ng niyog.

Mabilis akong tumakbo kahit hindi pa napapatay ang tawag. Nakangiti ang mga mata ni Almarius nang sinalubong ako hanggang sa mabigyan ako ng yakap. Nakasuot siya ng kulay puting shorts at kulay gray na v-neck shirt.

"Almarius, nandito ka," mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Pinatay ko na ang tawag at inilagay na sa bulsa ko ang kanyang cellphone. Napansin ko pa ang panonood niya sa ginawa ko kaya napatingin na lang ako sa kanyang mukha at saka muling ngumiti.

"Bakit? Gusto mo na bang ibalik ko sa 'yo ang cellphone mo?" tanong ko na kaagad din naman niyang inilingan.

"I was wondering why you weren't using my phone?"

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit hindi mo man lang ako tawagan o kaya naman i-text?"

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya kaya mabilis akong naghanap ng mga salita.

Soul of Rage (Ravana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon