Panimula

174 1 0
                                    

Panimula

I never liked rainy days.

Bata pa lang ako, palagi akong nalulungkot kapag umuulan. Para sa iba, gusto nila ang panahon na gano'n para makapagmuni-muni habang umiinom ng mainit na kape. Gusto nila ang lamig na dulot ng ulan at ang tunog nito na parang musika sa kanilang tainga.

Ayoko nang gano'n dahil walang ibang dulot ang ulan sa akin kundi kalungkutan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit... basta sa tuwing umuulan, naiiyak ako dahil sa sobrang kalungkutan na hindi ko alam kung saan nagmumula.

Tumingala ako at tinanaw ang makulimlim na kalangitan. Summer ngayon pero heto't nakapundo ang ulan at parang anumang oras ay babagsak na ito. Nanatili ako sa inuupuan ko habang tinatanaw naman ngayon ang kalmadong alon ng dagat.

"Yala!" Tumingin ako sa likod ko at napangiti kaagad kahit hindi ko pa siya nakikita. Boses niya pa lang, kilalang-kilala ko na.

"Almarius!" Sigaw ko at tumakbo papalapit sa kanya. "Nandito ka," ngiti ko.

Mahigpit na yakap ang sinalubong ko sa kanya nang makalapit. Ang mga braso ko ay nakapulupot sa kanyang leeg at halos maputol ko na ito sa higpit ng aking pagkakayakap.

"I can't breathe," sabi niya at mas lalong yumuko dahil sa malaking agwat ng aming laki. Tumawa ako at niluwagan ang pagkakayakap sa kanya.

"Sabi ko na nga ba ngayon ka dadating!" Ngisi ko at humilig sa kanyang dibdib. Bumaba ang mga kamay nito sa aking likod at ang braso ay pumulupot sa aking baywang. Marahan niyang hinagod ang aking likod habang niyayakap na rin ako.

"Of course, I'm always excited to see you."

"Totoo lang, ha?" Tumingala ako at binigyan siya ng malaking ngisi. Tumango ito at ginulo ang buhok ko.

"I always visit you every month. Minsan ay weekly pa nga," sabi niya at pinagtaasan ako ng kilay. Mas lalo akong napangiti dahil doon. Ang gwapo talaga kahit mukhang suplado palagi!

"Kahit na. Iba pa rin kung araw-araw."

"Miss na miss mo talaga ako, 'no?"

Ngumuso ako at unti-unting tumango. "Lagi naman kitang nami-miss! Miss ka na rin nina Bentong lalong-lalo na si Eden!" pang-aasar ko.

"I've missed you, too," bulong niya, binaliwala ang pang-aasar ko sa kanya.

Bumitiw ako sa pagyakap at naglakad.

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

"I just know?" tawa niya. "So I brought these," pinakita niya sa akin ang mga dala niya. Tumawa ako at hinila siya papunta sa ilalim ng puno ng niyog. Inilatag niya ang beach mat at ipinatong ang basket doon. Sabay kaming umupo roon at tinanaw ang ganda ng karagatan.

Elementary ako noong makilala ko siya. Bumisita siya sa kamag-anak niya na kapitbahay lang namin dito sa Zambales. Lagi siyang nagpupunta sa dagat nang mag-isa kaya nilapitan ko siya at nakipagkilala.

"How's school?" tanong niya at inabot sa akin ang isang sandwich na nakabalot pa sa tissue. Kinuha ko iyon at nagsimulang kumain.

"Ayos lang, marami akong nakuhang medal," pagyayabang ko.

"That's good to know."

"Ikaw? Kamusta graduation mo? Hindi man lang kita nakitang umakyat sa stage."

Hinawi niya ang kanyang buhok at ngumiti. Lumapit din siya sa akin nang makuha ang isang maliit na bag na nasa basket.

"I asked Erish to document it so you can still watch me climb up on stage," sabi niya. Tiningala ko siya nang may malaking ngiti sa labi.

Soul of Rage (Ravana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon