Kabanata 5

37 0 3
                                    

Kabanata 5

Tumabi ako kay Kuya sa sofa habang abala siyang nanonood ng basketball. May hawak pa 'tong chips at nakapatong ang paa sa center table.

"Gusto mo?" alok niya sa chips kaya tumango naman ako. "E, 'di kumuha ka ng sa 'yo." Ngisi niya at natawa pa kaya hindi ko napigilan ang sarili na irapan siya. Sweet at protective sa 'kin si Kuya pero at the same time, sobrang lakas niyang mang-asar.

"Kapag nagka-girlfriend ka, sasabihin ko na ang isip-bata mo."

"If someone really loves you, they will accept you for who you are."

"Gan'yan mga linyahan ng mga sadboi, e."

"Nagsasabi lang ako ng totoo, pangit kong kapatid." Asar niya at pinisil pa nang matagal ang ilong ko. "That's how love works, Yala. 'Tsaka maraming nahuhulog sa charms ko."

Umakto ako na kunwari'y nasusuka. "Yuck. Baka kasi hindi pa nauuntog 'yung ulo."

"Ano gusto mo, ikaw lang nililigawan?"

"Kuya! Ang yabang naman," tawa ko.

"Biro lang," ngisi niya. "Dapat lahat ng manliligaw sa 'yo, dadaan muna sa 'kin."

"Paano kung gusto ko siya pero ayaw mo naman? Dapat ko bang layuan?"

"Ikaw naman 'yung magmamahal, hindi ako. Ang sa 'kin lang, gusto kong mapunta ka sa taong mamahalin ka talaga at hindi sasaktan. Hindi sa kung sino-sino riyan na papalitan ka na parang panyo lang."

Ngumuso ako para pigilan ang ngiti. "Paano kung ma-in love ako sa taong gano'n?"

"E, 'di tanga ka."

Nanlaki ang mga mata ko at hinampas siya sa braso. Tumawa lang ito at tinuon na muli ang tingin sa TV.

"Grabe, ang harsh!"

"Bakit? Ano pa ba puwede mong itawag do'n?"

"Hindi ka lang sinwerte? Kasi nagmahal ka lang naman."

"Exactly! Magmamahal ka na nga lang, sa taong gago pa. E, 'di tanga nga sa pag-ibig 'yun."

Sumimangot ako at nagpangalumbaba. "Ano naman 'yung may strange feeling ka na nararamdaman para sa isang tao? Example lang naman."

"Paanong strange feeling?" nakakunot ang noo ni Kuya nang bumaling sa 'kin.

"Parang bigla ka na lang nagtampo dahil sa isang sobrang petty na reason?"

"Tungkol saan ba at sino ba 'yan?"

"'Yung kaklase ko... nagtanong lang sa 'kin. Humihingi ng advice."

"Ano namang rason 'yun?"

"Ganito kasi... close sila no'ng guy tapos noong nakita niyang may kasamang ibang babae tapos masaya sila parehas, may kakaiba siyang na-feel. Tapos naisip niya, may kasama lang na iba, nakalimutan na siya."

Mas lalo pang kumunot ang noo ni Kuya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumagilid siya para mas maharap pa niya ako at pinagpahinga ang siko sa backrest ng sofa.

"Selos lang 'yun," tawa niya.

"Ano? Ako magseselos?!" wala sa sariling nasabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang pagkakatigil ni Kuya. Binasa niya ang pang-ibabang labi niya gamit ang dila at sumeryoso ang mukha.

"May nagugustuhan ka na?" tanong niya na nakapagpatuyo ng lalamunan ko.

"I mean... siya? Nagselos siya gano'n ba, Kuya?"

"Nice try, Yala." Iling niya. "Sino 'yan?"

"Hala?"

Huminga siya nang malalim at ginulo ang buhok ko. "Nagdadalaga na talaga kapatid ko," komento niya. "Kung nagkakagusto ka na, ayos lang. Ipakilala mo na lang sa 'kin kapag handa ka na basta... huwag mong sasagutin hangga't hindi mo pa inihaharap sa 'min ni Mama at Papa."

Soul of Rage (Ravana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon