Kabanata 21

7 0 0
                                    

Kabanata 21

Mahigpit na yakap ang isinalubong ko kay Almarius nang makalapit ako sa kanya. Isang linggo lang naman kami hindi nagkita pero pakiramdam ko ay umabot iyon ng taon. Tumawa siya at hinalikan ako sa noo.

"You really did miss me, Yala." Aniya at humigpit na rin ang yakap sa akin.

"Sobra."

"There's another way for you not to miss me this much." Dinungaw ko siya at taas-baba ang kanyang mga kilay. Umiling ako habang nakangisi.

"Bakit, ikaw? Hindi mo ba ako na miss?"

"Sobra pa sa sobra. This setup is killing me..."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at hinila na siya papasok ng bahay. Kahit gusto na ni Almarius na mapag-isa kami, pinaunlakan pa rin namin ang anyaya ni Tita Sandra na dinner. Ngumiti ako sa mag-asawang Lautengco.

"You guys look so perfect," ani Tita Sandra, tila kinikilig.

Pinagtaasan ko ng kilay si Almarius nang pinaghila niya ako ng upuan. Ngumisi siya sa akin at kumindat. Uminit naman ang pisngi ko.

"This isn't me pressuring you, but when will you put a ring on her, Almarius?" Si Tito Dolfo naman.

"Maybe tonight?" Halakhak ni Almarius. Pabiro akong umirap sa kanya at umiling. Sige pa, gatungan mo pa.

Nagkibit-balikat si Tito Dolfo. "You guys are of age. Why not?"

"I'm just kididng, Tito. I don't want to pressure Aryala. As much as I want to tie her already, I can't just do that. She's the commander of our relationship. We'll do this at her own pace."

Narinig ko ang hagikgik ng babaeng Lautengco dahil nagbaba na ako ng tingin sa aking plato dahil sa hiyang nararamdaman. Ibinaba naman ni Almarius ang kanyang kamay at pinagpahinga sa aking hita. Ilang hagod ang ginawa niya roon bago tuluyang pinagpahinga. Si Almarius lang ang pinapayagan ko na hawakan ako sa ganitong paraan. Hindi ibang tao—lalong-lalo na si Tito Ramon.

"Just drop the topic, honey. Hayaan mo silang magdesisyon para sa mga sarili nila kung kailan sila magiging handa para sa ganyang bagay. Let them enjoy each other's company." Ngumiti sa akin si Tita Sandra at inabot ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Hinaplos niya iyon at pinisil bago binitawan.

"Alright. My bad, I guess?" Natawa kami sa sinabi ni Tito Dolfo. "Anyway, how's your Mom, Aryala?"

Umayos ako ng upo nang napunta na mismo sa akin ang usapan. Natanaw ko sa gilid ng aking mata kung paano uminom si Almarius ng tubig bago ako binalingan. Napainom din ako bago nilingon si Tito Dolfo.

"A-ayos lang po," sagot ko.

Umiling siya. "Ramon really had it bad. Maayos naman ba ang trato niya sa inyo?" Hindi ako nakasagot. Nagtagal ang tingin niya sa akin bago nagdugtong ng sasabihin. "I talked to Aris a few weeks ago. Hindi pa rin humuhupa ang galit niya kay Ramon. Kung sana ay natuto na ang iyong tiyuhin, baka sakaling mapatawad pa siya ng kapatid mo."

"Why? Ano ba ang ginagawa ngayon ni Ramon?" Kunot ang noong tanong ng babaeng Lautengco. Lumingon siya sa akin.

"Hindi pa rin po tumitigil si Tito Ramon sa mga bisyo niya."

"I also talked to Kalista the other day. Kinamusta ko siya at tinanong kung maayos lang ba kayo sa bahay. She said you're both okay. She looked stressed kaya nababahala ako na baka sinasaktan kayo ni Ramon."

Napatutop sa bibig niya si Tita Sandra. Si Almarius naman ay halos lumapit na sa akin at iharap ako sa kanya.

"Oh, God!" si Tita Sandra.

Soul of Rage (Ravana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon