Kabanata 15
"Okay, ano meron?" Bungad ni Kuya sa akin pagkatapos niya halikan ang tuktok ng aking ulo. Kumpleto na kaming lahat sa dining area at nahuli lang si Kuya ng ilang minuto. Ilang araw ko na kasi siyang kinukulit na umuwi muna sa bahay ni Tito Ramon para magkaroon naman kami ng quality time na buong pamilya. Sobrang busy niya kasi dahil balita ko ay personal na si Kuya ang naghahanap ng mga materyales na gagamitin sa pagpapalaki ng Camp Buencamino.
"Pag-usapan natin iyan over dinner. Lalamig ang mga pagkain kung paghihintayin natin," singit ni Mama.
"Kaya nga, ang atat lang," biro ko.
"Wow, Aryala Kalixta! Sino ang nangungulit sa'kin araw-araw para makipag-dinner dahil may sasabihin daw?" balik niya sa akin.
Tumawa ako at saglit na inihilig ang gilid ng ulo sa kanyang balikat. "Joke lang, Kuya. Ang seryoso mo naman. Tingnan mo oh, mukha ka nang mas matanda kay Mama."
"Uuwi na ako," sabi niya habang natatawa. Sinakyan ko lang ang kanyang sinabi at tinanggap ang mga pagkaing inilagay niya sa aking plato.
Nag-umpisa na kaming kumain at ang pagkain ang naging unang topic namin. Si Kuya ang nag-suggest ng lahat dahil matagal na raw siyang hindi nakakakain ng luto ni Mama.
Ang totoo, kaya gusto kong magkasama-sama ulit kaming tatlo sa hapag-kainan dahil sasabihin ko na sa kanila ang tungkol sa amin ni Almarius. Gusto ko nga sana na kasama namin siya ngayon pero dahil ngayon lang naging available si Kuya, hindi na nagtama ang schedule nila. Hindi alam ni Almarius na ngayong gabi ko na sasabihin dahil ayoko namang umuwi pa siya ngayon ng Zambales.
"May boyfriend na po ako," biglaang sabi ko. Sakto pa na umiinom si Kuya kaya siya nagulat at natapon ang tubig sa kanyang pants. 'Yung iba yata ay lumabas pa sa ilong niya. Natawa ako at tinapik ang kanyang likod. "Sana okay ka lang," ngisi ko.
"Ano?" Tanong ni Kuya nang maka-recover.
"May boyfriend na ako," ulit ko.
Bumungisngis si Mama na parang kinikilig. "Sino, anak? Si Jayson ba, iyong anak ni Cardo?"
Sumimangot ako. Tumawa naman si Kuya. "Mama, hindi po si Jayson. Kaibigan ko lang 'yung tao."
"E, 'di kung hindi siya... sino?"
Binuka ko muli ang bibig ko para magsalita nang maunahan ako ni Kuya.
"Aba, loko talaga 'yun! Sabi ko maghintay, ah," sabi niya at saka nagpunas ng bibig.
Kumunot ang noo ko sa kanya. Kilala na niya?
"Kilala mo na?"
"Sino pa ba?" singhal niya.
Nakatingin sa akin si Mama at naghihintay sa isasagot ko at Tito Ramon naman na seryosong-seryoso ang mukha.
"Si Almarius po," ngiti ko muli.
"Talaga? Gustong-gusto ko talaga ang batang iyon para sa 'yo, anak," si Mama at lumapit sa akin para balutin ako ng yakap.
Tinapunan ko ng tingin si Tito Ramon na ngayon ay umiiling na. Hindi ko na lang siya pinansin at binalingan naman si Kuya na kaharap na ang kanyang cellphone.
"Oy, gago! Sabi ko maghintay ka, ah?" Sabi niya sa kanyang cellphone. Nanlaki ang mga mata ko at humiwalay kay Mama.
"Kuya! Parang sira 'to!" sabi ko at tumayo na. Tumawa si Kuya at tumayo na rin para lumayo sa akin. Sinubukan kong hablutin ang kanyang cellphone pero mabilis niya itong iniwas. "Kuya! Nakakainis naman 'to," dagdag ko at parang maiiyak na sa inis. Ang sama talaga ng ugali nito!
BINABASA MO ANG
Soul of Rage (Ravana Series #1)
De Todo"No matter what it takes?" "No matter what it takes."