Kabanata 7

20 0 0
                                    

Kabanata 7

"I was about to call you pero naunahan mo ako. Is there something wrong?" tanong ni Almarius sa kabilang linya. Inilayo ko muna ang cellphone sa akin at huminga nang malalim bago binalik sa tainga ko.

"Wala naman. Nakakaabala ba ako? Anong ginagawa mo?" maingay sa kabilang linya at rinig ko ang tawanan. May boses pa ng babae na tinatawag ang pangalan niya na kaagad din namang tumigil. "Kasama mo mga kaibigan mo?"

"Yes, we're about to have our lunch. How about you? Kumain ka na ba?"

"Ah, gano'n ba? Mamaya na lang ulit ako tatawag."

"No. It's okay, Yala. I told you, tatawag na rin talaga ako sa 'yo kanina... naunahan mo lang talaga ako. Have you eaten lunch already?"

"Pero kasama mo mga kaibigan mo. Kausapin mo sila?"

Tumawa siya. "Lumipat na ako ng table. I took the table at the corner para hindi maingay," malumanay niyang sabi. "Hindi mo pa sinasagot tanong ko. Kumain ka na?"

"H-hindi pa..."

"Why? It's already lunch time, Aryala. Where are you?"

"Nandito sa farm niyo," tawa ko.

"Is there something wrong? Tatawagan ko ang mga kasambahay at sasabihin ko na ipaghanda ka ng pagkain-" mabilis ko siyang pinutol at napailing na lang kahit hindi naman niya nakikita.

"Okay lang ako, Almarius. Nagpapahangin lang ako at uuwi na rin pamaya-maya. Nag-enroll kasi kami ni Eden kanina at naiwan naman si Kuya sa bahay kasama si Mama. Panigurado'y nagluto si Kuya at magagalit 'yun kapag hindi ako sa amin kumain."

"Are you sure?"

"Oo naman. One hundred percent sure," ngiti ko.

"Alright. How's your enrollment going?"

"Tapos na. Saglit lang naman 'yun."

"That's nice," sabi niya. "Can we FaceTime?"

"Huh? Huwag na..."

"Please?"

"Okay, sige."

Inayos ko ang buhok ko saglit bago sinagot ang tawag niya. Ngumiti ako nang makita siya sa screen kahit kaagad na nakakunot ang noo niya.

"Did you cry? What happened?" tanong niya, tila nag-aalala. Ilang beses akong kumurap.

"Huh? Hindi, napuwing lang ako," pilit ang naging ngiti ko sa kanya.

"Yala, kilala kita. Tell me, what's wrong?"

Huminga ako nang malalim at saka ilang segundo pang napatigil. "Wala naman. Na-miss ko lang bigla si Papa."

"Do you want someone by your side right now? Someone who can hug you right now."

"Hindi. Ayos lang naman ako," iling ko. "Isa pa, sino naman 'yung puwedeng someone na yun? Ikaw? Nasa Maynila ka kaya."

"Try me," ngisi niya.

"Hindi na kailangan. Mag-focus ka kaya sa pag-aaral mo riyan."

"I'm doing it already."

Ngumiti ako. "Talaga?"

"Oo naman. I wanna make you proud, Aryala."

Saglit lang kami nakapag-usap ni Almarius pero gumaan na ang loob ko dahil doon. Nagpaalam na ako sa kanya at umuwi na sa amin. Naabutan ko si Kuya na abala sa pag-aayos ng lamesa. Nagtagpo ang tingin namin at kaagad siyang nag-iwas ng mata.

Soul of Rage (Ravana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon