Kabanata 22

12 0 0
                                    

Kabanata 22

TW: Rape, Death, Abuse. Read at your own risk.

Napagkasunduan namin ni Almarius na kailangan kong magtagal ng isang buwan sa kompanya pagkatapos kong ipasa ang aking resignation. Nagulat si Arch. Reyes nang nalaman ang tungkol sa aking pagre-resign. Sa una ay hindi sila pumayag, nakipag-negotiate para sa mas mataas na sweldo pero sa huli, tinapat ko sila na buo na ang desisyon ko. Humingi sila ng isang buwan pa para makahanap ng kapalit ko at makapag-turnover nang maayos. Ayos na sa akin iyon, si Almarius nga lang ang hindi. Gusto pa niya ay gamitin ang kanyang kapangyarihan para pakawalan ako kaagad ng kompanya na kaagad ko namang sinuway. Kailangan ko maging professional at dumaan sa tamang proseso.

Naging abala ako sa loob ng tatlong linggo. Isang linggo rin ako naghintay bago nakahanap ng papalit sa akin. Dahil sa pangamba na baka mas lalo pa akong magtagal kung kukulangin ang panahon para sa turnover, halos ibigay ko na nang sabay-sabay lahat ng files. Buti nga lang ay takot nga ako, takot na baka sumuko ang bagong hired kaya inunti-unti ko siya para hindi ma-overwhelm sa dami ng aking ginagawa.

Tumagal si Almarius ng dalawang linggo sa Zambales. Sa loob noon ay ibinalita rin namin sa pamilya at mga kaibigan ang planong pagpapakasal. Wala pa namang eksaktong detalye dahil maski kami ni Almarius ay hindi pa nakakapag-usap nang masinsinan tungkol doon. Sinabi ko sa kanya na tatapusin ko muna ang lahat dito sa Zambales, hahanap ng trabaho sa Maynila at saka pag-uusapan ang tungkol sa kasal.

Bumaba ako mula sa aking sasakyan at dumiretso na sa aking office sa site. Naabutan ko sa aking table si Emerson at nagkakalikot na sa computer. Ngumiti siya sa akin at bumati.

"Good morning, Arch. Buencamino." Aniya at tumayo. Lumapit sa water dispenser at kumuha ng cup. "Coffee po?"

Mabilis akong umiling. "Hindi na. Salamat," ngiti ko. Tumango siya sa akin. "Ready ka na ba?"

"Uh, yes," hinga niya nang malalim. "Sorry, kinakabahan ako. Ang huling project na hawak ko ay fit-out, ngayon pa lang ako hahawak na nasa structural pa lang."

Ngumiti ako at umupo sa gilid para magpalit ng safety shoes. "Okay lang 'yan. Matututunan mo rin 'yan lahat. Nandyan naman sa field ang surveyor para tulungan ka."

"Hindi ko pa masyadong nare-review ang plano dahil masyadong maraming files ang kailangan kong tanggapin mula sa 'yo," bahagya akong natawa. "Mahigpit ba ang inspector?"

"Oo, pero kung gagawin mo naman nang maayos ang trabaho at susundin ang plano, walang problema."

Hinagod ko ng daliri ang aking buhok pagkatapos maisuot ang safety shoes. Ang safety vest naman ang sinunod ko. Ang radyo ay isinabit ko sa aking bulsa at isinuot ang hard hat. Inaya ko na si Emerson na handa na rin.

Maraming workers ang bumati sa akin. Si Emerson ay nasa gilid ko lang at nakabuntot. Nag-walk through kaming dalawa habang pinapaliwanag ko sa kanya ang bawat detalyeng dapat niyang malaman sa site. Matalino si Emerson, mabilis maka-pickup kahit na nagsimula siya sa fit-out. Isang taon lang ang tanda ko sa kanya kaya hindi na ako nahirapan pa.

"May tolerance ba kayo dito?" Tanong niya.

"Zero-zero," tawa ko. Nagkamot siya ng kilay at tila sumasakit ang ulo sa naging sagot ko. "Milli lang pero mas mainam kung zero-zero talaga. Pero syempre, hindi maiiwasan na sumablay kaya may mga magic akong ginawa riyan."

Hindi naman maiiwasan iyon sa isang project. May mga pagkakataon na sumasablay ang structural at wala sa align ang mga bakal. Kapag ganoon ang nangyayari, ang architectural na nag-aadjust pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito.

"Kaaway ba ang mga engineer dito?" Biro niya. Natawa ako sa tanong niya at binalingan siya.

"Minsan. Hindi naman kasi maiiwasan ang magtalo lalo na't alam mo na..." ngumuso ako. "Pero syempre, hindi naman kailangan na laging ganyan. Walang mangyayari kung makikipagtaasan. Ang kailangan natin ay healthy na relationship sa kanila. Ang engineers at architects ay dapat nagtutulungan para mas mapaganda pa ang project. Magkaroon ng quality—maayos ang pagkakagawa."

Soul of Rage (Ravana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon