Chapter 2

7 0 0
                                    

Gutom na rin ako pero walang nagluluto sa akin. So mas ginusto ko na lang ng magbasa ng cooking book kahit na gutom na gutom na ang aking sikmura. Nagbabakasakali na may maiintindihan. Pero wala.






Pumunta ako sa kusina kung nasaan ang aming yaya.






"Yaya, I want food,"saad ko sa kanya. Gustuhin ko mang ako na ang kukuha ng aking pagkain ngunit hindi ko maabot ang mga cabinet. Anong kaya ng isang musmos na bata?







"Yaya! Magluto ka na ng pagkain ni Hy!"Utos ni Mama kay Yaya.






"Ny, lutuan lang kita mamaya ha, maglaro ka na muna,"saad ng aming yaya sa akin. Tila naaawa sa akin. Tumango ako bilang kasagutan.






Ngunit gumagabi na ay hindi pa rin ako nakakain. Natutulog na ang lahat.





Nakahiga ako ngayon sa aking kama, namimilipit sa sakit ng tyan.






Nang may mahinang kumatok sa aking pintuan ay dali dali ko itong binuksan.






"Shhhhh, wag kang maingay,"salubong sa akin ng aming yaya. "Dinalhan kita ng maraming pagkain."





Ang tangi ko lang nakakausap ay ang yaya namin. Na para bang sya ang tunay kong pamilya dahil sya may malasakit sa akin.






Masaya at maingat naman akong kumain. Natatakot na baka magising ang taong natutulog.






Napakasakit sabihin na para akong nasa isang kulungan ng mga hayop. Saka nakakakain ay kung kailan gusto at patagong pagpapakain ng amo.






Busog naman akong nakatulog. May ngiting nakapuslit sa aking mukha.

Only Love And Dead Change All ThingsWhere stories live. Discover now