Di ko na tinapos ang mga kagaguhang sinabi nya dahil napakasakit na para pakinggan pa kaya umalis na ako nang hindi nila napapansin na nandon ako at doon ako nagtatrabaho.
Tapos dumagdag pa na sila na ng boyfriend ko? How come? Ni wala nga akong maalalang nagbreak na kami.
Nagpagabi muna ako sa bar with friends dahil alam kong wala naman pake ang pamilya ko sa akin kung kamusta ba ako, saan na ako, bakit matagal akong umuwi o kahit katiting na concerned man lang, wala!
I want to hear those words from my parents. Pero mukhang malabo.
Nang lumalalim na ang gabi ay napagdesisyunan ko nang kunin ang binili kong gown sa binilhan ko nung isang araw saka pumunta sa bar. I'm not a type of alcoholic girl kaya wag kayong umasang malalasing ako, I'm just killing a time at the bar and just drinking a juice there. Wala naman pakialam ang parents ko diba? So why can't I waste time? At sa ganoon ay magawa ko man lang ang mga gawain ng mga kagaya kong estudyante.
Pagdating ko sa bahay ay bumugad sa akin ang pamilya kong naka-upo sa sofa namin na may galit sa mga mukha nito. Nang may makitang may bitbit ako ay doon nagsimula magsalita ang kapatid ko.
"Kita nyo Ma, nakabili ng mamahaling damit at posibleng sya nga ang kumuha ng pera nyo," salubong ng aking kapatid. Kunot-noo naman ang aking ginawa dahil sa kanyang sinabi.
What kind of crap is this all about?
YOU ARE READING
Only Love And Dead Change All Things
NouvellesTotoo nga ba na ang pagmamahal at patay lang ang makakapagpabago sa lahat ng bagay? Nyla always tried how to being loved by someone she love. But she don't know why she can't get it back. 'Being compared by your parents is heartbreaking. When you...