Chapter 10

2 0 0
                                    


"Bakit ka ginagabi ng uwi Nyla?" Tanong ni Mama. Mariing nakatingin sa aking mga mata. Tila isang himala ang tanong na aking narinig ngayon lamang.






"San ka galing?"sunod na tanong naman ni Papa.






Am I finally hearing those words? Sa loob ng aking sarili ay masaya ako dahil sa wakas, narinig ko na ngunit nangingibabaw pa rin ang pagkamuhi.






At pinaulanan na ako ng masasakit na tanong na kailan man ay di ko pa naririnig. Na dapat pala ay hindi ko na pinangarap marinig.




"May trabaho ka bang di kanais-nais kaya ka nakakauwi ng gabi?" Isa sa tanong nila sa akin na hindi ko nagustuhan.






I think this is the right time to take my privilege as part of their family.









"Wow! Holy word from my family, wait let me analyze it,  did you ever consider me as part of your fucking family?" I asked. Feels like I just set free something on my body that gave me a relief. Yun bang nakahinga ka ng maluwang kasi nabigyan na ng space ang puso mo. Ngayon lang kasi naani ang matagal ko nang itinanim. Alam kong bawal magtanim ng sama ng loob pero di ko na kaya. Pamilya ko sila eh. Pero bakit ganun ang trato nila sa akin? That's unbelievable stupidity.







"Bakit ganyan ka na kung makapagsalita sa amin?"Tanong ni Mama, may bahid na galit sa kanyang boses. Mariin pa ring nakatingin sa akin habang hinahaplos ang balikat ni Ate.





Ano kaya ang feeling na maranasan ang ganyan? Yung kahit mahawakan man lang ang isang palad ng ina.







Do I sounds like an ignorant? Sorry ha, di ko talaga alam. Di ko naranasan. Di ko naramdaman.

Only Love And Dead Change All ThingsWhere stories live. Discover now