CHAPTER 57

16.9K 693 121
                                    

Chapter Fifty Seven

Whole And Alive


We left Manila that day. Pababa na ang araw nang makarating kami sa El Nido, sa isang pribadong isla na pagmamay-ari niya.

He said he wanted to make the most out of his time with me at hanggang dulo ay iyon ang gagawin niya. Ang ipadama sa akin ang malalim na pagmamahal na nararamdaman.

I never doubted his love for me. Kahit pa tingin ko ay masyadong maikli ang panahon nang pagkakakilala naming dalawa ay pinatotohanan niyang hindi basehan ang oras sa sidhi ng nararamdaman niya para sa akin.

Habang kasama ko nga siya ay may pagkakataong natutulala na lang ako sa kanya. Natatakot man akong mawala siya ay nangingibabaw pa rin ang kagustuhan kong manatili hanggang dulo. Kung iyon na lang rin ang makukuha ko ay pipilitin kong makuntento. I love Zuriel and that's for sure. Mahal na mahal na kahit anong gusto niya ay gagawin ko mapasaya lang siya hanggang sa kanyang huling hininga.

"Baby..." nag-aalala niyang tanong nang manlabo ang mga mata ko habang nakatitig lang sa kanyang direksiyon habang nasa katabing lounger.

Tumingala ako at agad na pinunasan ang mga luhang nalaglag. I'm happy and sad at the same time. Hindi na nawala ang gano'ng pakiramdam sa akin. I feel like I'll lose him anytime and it scares the hell out of me. Alam ko nang parating pero hindi ko alam kung paano tatanggapin.

Sunod kong naramdaman ang pagtabi niya sa akin. pumwesto siya sa aking likuran at pagkatapos ay hinila ako palapit sa kanyang katawan.

"The sunset is so beautiful, please don't cry."

"I'm sorry... Hindi ko mapigilan," nilingon ko siya. Parang muli na namang sinasaksak ang puso ko. Ewan ko na ba. Nasasaktan ako kahit na nandito pa siya. "Sorry kung hindi ko magawa 'yung promise ko na hindi ko ipapakita sa 'yong nasasaktan ako o malungkot. It's too impossible, Zuriel. I love you so much and it damn hurts knowing that you'll be gone soon. Na maiiwan na naman akong mag-isa."

"You will never be alone..." Humigpit ang yakap niya sa akin at hinalikan ang aking pisngi.

Pinilit kong ituon ang mga mata sa pababang araw, pero parang mas lalo akong nalungkot dahil sa pamamaalam nito. Everything was just too much for me to handle. Kaya nga siguro gusto ko na lang na nasa kama kami para hindi ko maramdaman ang ganitong pakiramdam. Whenever we're cuddling, doon ako sinasalakay ng lungkot. Waves of sadness rush through me, making me scared of being alone again. Natatakot ako.

Kapag nawala siya, magsisimula na naman ako sa umpisa at ayaw ko na. Parang hindi ko na alam kung paano pa gawin iyon.

"I will never love again," malungkot kong bulalas. "I don't want to love again."

"Anastasia..." hindi na niya napigilang pihitin ang katawan ko paharap sa kanya. "I love you and I don't want you to be hard on yourself when I'm gone. I want you to be happy and live your life without me. Love if you must. Huwag mo 'yong ipagdamot sa sarili mo."

"But it's only you who I wanted. Ikaw lang ang gusto ko Zuriel at wala nang iba."

"Don't say that," napapikit ako ng haplusin niya ang aking mukha. "Ikaw na ang nagsabing maraming mas better sa akin, 'di ba? You can always find someone better than me."

"You are the best," giit ko. "Wala nang mas hihigit pa sa 'yo."

Malungkot siyang ngumiti at inalo na lang ako. Dahil naninikip na naman ang dibdib ko ay hindi na ako nagsalita. Sabay naming pinanuod ang araw at nakuntento na lang sa init ay yakap ng isa't-isa hanggang sa tuluyan nang dumilim ang paligid.

Desirable Maids Series 1 : Anastasia RozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon