Bubuksan ko ba ang message? Teka, baka naman isa lang sa classmates ko ang nagmessage sa akin pero what if si Terry ang nagmessage? Ano naman sasabihin niya?
#bakitmoginalawfbko?
#pakialamera?
#anggandamo?
Napahagikgik ako sa mga naisip ko. Bakit ba ako magpapanic dito sa lalakeng ito?
*click*
*loading*
Shems ang tagal naman.Naiihi na ako.
Terry Morgan : Hello there
Amerikano si Terry? Haha. Ma-seen ko nga
Terry Morgan : Aba nang siseen. If I were you sumagot ka kung ayaw mong mamatay mamaya ang katabi mo.
Napatingin ako sa kaliwa. Wala akong katabi, sa kanan pala meron. Isang estudyante.Pake ko? Baka naman nagkataon lang. Seen ulit.
Terry Morgan : Dalawang minuto na lang at mag tatime out na ang taong iyan. Lalabas yan at mamamatay. Konsensya mo Mia Lovely R. Wilson
Sh*t!
Sh*t!
Sh*t!
Paano niya nalaman ang buo kong pangalan??
Wala naman ang Lovely sa fb ko.
Sh*t sino ba to?!!!
Terry Morgan : Isang minuto na lang. Umpisahin mo na ang pagtype. Baka maubusan ka ng oras.
Lumingon ako. Tumayo. Naglakad sa buong shop. Baka nandito si Terry. Baka—
Damn! Tumayo na yung katabi ko! Papunta na sa Cashier!
Tumakbo ako ng mabilis pabalik sa upuan ko.
Terry Morgan: Im waiting Lovely
Tsk tsk wala ako dyan
Nagtype ako
Mia Wilson: go to hell!
Terry Morgan: I’ve been there. Sa ayaw at sa gusto mo maglalog-in ka bukas. Parehong lugar.Parehong oras.
Narinig ko bumukas ang pinto. Lumabas na ang estudyante. Tiningnan ko ang chatbox ulit.
Terry Morgan : goodbye for now Lovely. Magmamaneho pa ako ng kotse.
Nag log out na siya. Hay salam—
Napatigil ako sa sigawan ng mga tao. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang estudyante. Ang estudyanteng nakatabi ko.Siya…siya.. ay nakahandusay at duguan. Humarurot ang kotseng pula na bumangga sa kanya. Hindi ko na kayang tingnan pa siya. Kinuha ko ang bag ko. Tumakbo at binigay sa cashier ang bayad ko. Tumakbo ako papalayo.Pumasok sa paaralan namin.
Tumigil ako sa tapat ng silid namin.Hinihingal.nilalamig. Nabibingi. Nilapitan ako ng mga kaklase ko. Nilapitan nila ako at lalo akong nahilo. Lalong dumilim ang…
“Mia?” Narinig ko ang boses ni Rosemarie.
“Rose—Rosemarie..” Napaupo ako at niyakap ko siya.
“Anong nangyari Mia? Bakit bigla ka na lang hinimatay? Nandito tayo sa clinic.”
“Yung lalake. Sa labas. Nabundol siya. Yung katabi ko. Nabundol. Na—namatay ba siya? Buhay pa diba? Diba Rosemarie?”
“Kaya ka pala nahimatay.Nakita mo pala ang aksidente. Wala na siya Mia. Dead on Arrival. Mia nandito lang ako, makikinig ako sa iyo.”
“Si Terry ang pumatay sa kanya…si Terry…Terry..” Bulong ko.
“Huh? Kotseng pula ang nakabundol sa estudyanteng iyon.Pinaghahanap na ng pulis. Anong Terry?”
“Kinausap niya ako.” Sabi ko.
“Kinausap niya ako.” Binubulong ko paulit-ulit.
“Si Terry.Alam niyang ako ang…” Bakit ganoon ang ginawa ni Terry?
“Pero bakit niya kailangan pumatay?” Papatayin niya rin ba ako?
“Pina--” Bago ko pa matapos ang sasabihin ko sinampal ako ni Rosemarie.
“Umayos ka nga Mia! Nahimatay ka na nga dahil may namatay sa harapan mo puro Terry ka pa rin?? Nasisiraan ka na ba?”. Niyugyog ni Rosemarie ang mga balikat ko. Wala akong maramdaman.Wala.
“Sana nga nasisiraan na ako.Sana nababaliw na ako pero kanina. Sigurado akong si Terry ang kausap ko. Nagmessage siya sa fb.” Pinunasan ko ang mukha ko. Tumayo at kinuha ko rin ang bag ko.
“Umuwi na tayo. Masama na ang pakiramdam ko.”
Kahit sa aming paglalakad hindi ko mapigilan kabahan. Sa bawat taong nakakasalubong ko, sa bawat mata na nakatingin, sa bawat ingay na aking naririnig si Terry lang ang naiisip ko. Sana nga ay nababaliw na ako. Nanaisin ko pang mabaliw!
Pag-uwi ko nakita ko si Papa na nagwawalis ng balcony. Pumasok ako agad sa bahay.
“Anak, luto na ang favourite mo!” Sigaw ni Papa.
Hindi ako sumagot. Pumasok ako sa silid ko.
“Anak! Mia! Halika na! Naghanda na ako. Maghapunan na tayo! Excited na akong matikman mo yung nilu--”
“Busog pa ako! Ano ba? Kung kanina pa pala kayo gutom e di sana kanina pa kayo kumain! Nandito ba sa akin bibig ninyo??” Sigaw ko mula sa kwarto. Tumahimik na si Papa. Alam kong nasaktan ko siya pero …mali pa rin yun. Lumabas ako ng kwarto.
“Pa? Sorry po. Kain na po tayo. Nagutom ako sa amoy ng ulam Pa. Ihahanda ko nap o ang kubyertos” Paglalambing ko. Si Papa naman ay nasa balcony pa rin. Kami lang ni Papa ang nakatira sa bahay. Matagal na silang hiwalay ni Mama at may ibang pamilya na rin si Mama.
Tahimik kaming kumain ng hapunan. Panay puri ko sa niluto ni Papa pero sa totoo lang hindi ko magawang lasahan ang pagkain.
Humiga na ako bandang alas nwebe. Hindi ako makatulog.
Paano kaya kung iblock ko si Terry?
BINABASA MO ANG
70 Deadly
RandomPinaglaruan ni Mia Wilson ang isang fb account na naiwang nakalog in sa isang computer shop. Kinabukasan nakatanggap siya ng friend request mula kay Terry Morgan- ang may-ari ng fb account na pinaglaruan niya.