“Ang sabi ng mga tao mahirap mamatay ang masamang damo. Tingnan mo nga naman,patay ka na. Mas masama pa pala ako sa iyo kung ganoon.”
Iyon ang mga salitang bumungad kay Rosemarie sa pagpasok niya sa silid ng lalake. Pinag-aralan ni Rosemarie ang buong silid sa unang pagkakataon. Elegante ang bawat detalye ng silid. Puno ito ng palamuti na paniguradong nagmula pa sa ibang bansa. Ngunit ang mga mata ng lalaki ay hindi kasingkinang ng kanyang mga palamuti sa kwarto. Ang mga mata niy ay puno ng poot at pighati, para kanino? Para kanino?
“Sino ang kausap mo?”Tanong ni Rosemarie. Hindi tumugon ang lalake. Tila nahihiligan na ng lalaki ang hindi pansinin si Rosemarie.
“Sino ang kausap mo?” Tanong niya muli. Bumangon mula sa kama ang lalaki at ito ay lumapit sa nakabukas na bintana. Pinagmasdan nito ang kanyang bakuran na kasing kakab ng kanyang buhay.
“Ang aking ama ay pumanaw na.”
“Ama? Pasensiya ka na at pinilit pa kitang sagutin iyon. Alam kong nahihi-”
“nahihirapan ako? Diyan ka nagkakamali Nararapat lamang na tayo ay magdiwang.Patay na lalakeng iyon!”
“Bakit ka ba galit sa kanya?”
“Bakit hindi Rosemarie?”
“Ano ba ang nangyari sa inyo ng ama mo?” Walang alam si Rosemarie tungkol sa pamilya ng lalake. Tanging ang lalake lamang ang kanyang kilala. Kilala niya ba talaga?
“Masaya ako at wala na siya.Ngunit nakakalungkot na ang ikinamatay niya ay sakit sa puso. Wala man lang komplikasyon? Walang sakit? Biglaang pagkamatay. Wala na talagang hustisya sa mundo Rosemarie.”
“Ano ang nararamdaman mo ngayon?” Tanong ni Rosemarie.
“Wala.”
“Wala? Pwede ba iyon?”
“Wala na akong maramdaman dahil matagal na niyang dinukot ang puso ko mula sa aking dibdib.” Nakahawak ang lalake sa kanyang dibdib at unti- unting napaluhod. Nanatiling nakatalikod kay Rosemarie.
“Inay…patay na siya. Wala na siya. Ganoon lamang ang kanyang kamatayan. Hindi man lamang siya nagdusa. Inay, hindi niya man lamang naramdaman ang sakit ng naramdaman mo.”
Pumikit ang kanyang mata. At sa pagpikit niya ay bumukas ang pintuan ng kahapon. Bumalik ang panahon. Tinangay siya sa panahon kasama niya ang kanyang magulang.
“Morgan, halika na dito! Handa na ang almusal!” Narinig ng bata ang tinig ng kanyang ina. Binitawan niya ang kanyng mga laruan at nagmadaling lumabas sa silid niya. Tumakbo siya papunta sa kanilang kusina. Niyakap ang kanyang ina mula sa likuran.
“Ma! Nakauwi na pala kayo! Nasaan po si Papa?”
“Abala pa siya sa trabaho anak. Halika na Morgan.Nagugutom na ako.”
“Masaya po ako at nakauwi na po kayo. Dalawang linggo rin po kayo abala Mama.”
“Balita ko kina Yaya ikaw raw ay nanatili sa silid ko buong araw kahapon? Nawiwili ka na rin ba sa mga puppets ko anak?”
“Opo Mama.Tsaka namiss ko po talaga kayo eh.”
“Kung ganoon ay masisiyahan ka pala sa aking pasalubong. Binili ko ito sa Britanya.” Kinuha ng babae ang puppet mula sa tukador.
BINABASA MO ANG
70 Deadly
RandomPinaglaruan ni Mia Wilson ang isang fb account na naiwang nakalog in sa isang computer shop. Kinabukasan nakatanggap siya ng friend request mula kay Terry Morgan- ang may-ari ng fb account na pinaglaruan niya.