Basahin ninyo po nang taimtim ang sumusunod upang hindi po kayo malito. :) Sadyang komplikado po ang bahaging ito ngunit kailangan po ito upang lalo natin makilala kung anong klaseng tao si Terrybebe natin. :*
The end.
This is the end of 70 Deadly.
Kung tinapos niya na nga talaga ang laro, ano na ngayon si Lovely para sa kanya?
Narinig niya ang doorbell.Naisip ni Terry na baka si Lovely o si Rosemarie na naman ito kaya agad agad niyang binuksang ang pinto.
Ngunit sa pagbukas niya ng pinto
Binuksan niya ang isang bahagi ng kanyang masalimuot na nakaraan...
"Naalala mo pa ba ako?"
Hindi nakasagot si Terry. Nanatili siyang nakatitig sa babae sa kanyang harapan.
Si Lucia. Ang pinakamamahal na asawa ni Galvez.
Si Lucia...ang—
"Nasaan na ang anak ko Morgan?"
Hindi pa rin siya tumugon. Pinagmasdan niya ang bawat detalye ng mukha ni Lucia.
Ang mahaba nitong buhok na napakabango.
Ang mga mata nito na napakaganda.
Ang bibig nito na purong salita ng pagpapaasa lamang ang binigkas.
Ang babaeng una niyang napansin sa balat ng lupa.
Ang babaeng ninais niyang angkinin.
Ang babae na inakala niyang papayag na makipagtanan kasama siya noon.
Biglang dumilim ang paningin ni Terry dahil sa paghampas sa ulo niya.
"Mahal ko?"
Nagising si Terry sa tinig na iyon. Inakala niyang siya ang tinutukoy ngunit iba pala. Unti-unti niyang dinilat ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
70 Deadly
RandomPinaglaruan ni Mia Wilson ang isang fb account na naiwang nakalog in sa isang computer shop. Kinabukasan nakatanggap siya ng friend request mula kay Terry Morgan- ang may-ari ng fb account na pinaglaruan niya.