Seventh

4.1K 178 51
                                    

Sa unang pagkakataon ako ang  unang nagtext kay Terry.

Ano ang ginawa mo kay Mama??

 

 

Una sa lahat hindi mo siya nanay! Ang kulit naman eh! Pangalawa, alam mo na nakabubuti sa kalusugan ang pagdo-donate ng dugo Lovely?

 

 

Kaya ginilitan mo leeg niya!

 

I did her a favor.Tsaka buhay pa naman siya uh.Ano bang problema mo?

Wow Terry Wow! Eh ikaw anong problema mo???

Pake mo.

 

Lubayan mo na ako!

 

Pilitin mo ako

 

 

Peste ka Terry! Peste!

 

Same to you! Sige sorry na nga, bati na tayo ha? May fruits sa labas ng gate ninyo dalhin mo nga sa ospital. Bantayan mo si Maricel. Have some quality time with her.

 

May choice pa ba ako?

 

Good girl!

Habang kinakausap ko si Joshua  kahapon ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Papa, ang sabi niya may nanloob sa bahay ni Mama at nilaslas leeg niya habang natutulog siya.Mabuti na nga lang hindi tinamaan ang pangunahing ugat niya. Kaya dali-dali akong pumunta sa ospital kagabi. Nakita ko si Papa, nakaupo, napakalungkot. Mahal pa rin ba ni Papa si Mama? Sandali lamang ako sa ospital kagabi dahil pinauwi rin ako agad ni Papa.siya na lang daw muna bahala kay Mama. Eto ako ngayon, papunta sa ospital dala ang mga prutas na galing kay Terry. Ang psycho.

Ano ba ang sasabihin ko kay Mama?

Tama ba na magpakita ako sa kanya e kinamumuhian niya ako.

Siya na lang ang babae pwedeng maging ina ko. Sana nga lang ay hindi niya kame iniwan noon. Sana minahal ako ni Mama.Yun lang naman ang tunay kong hiniling kahit noon pa. Noong bata pa ako mabait naman sa akin si Mama sa akin.Mapagmahal at maaalahanin pero bigla na lang siya nagbago. Bigla niya kameng iniwan. Marahil ay may asawa na siyang iba.  Masaya na si Mama sa buhay niya pero dahil sa kagagahan ko eto siya at napahamak.

Dumating ako sa ospital. Nakatayo lamang sa tapat ng silid ni Mama.

“Mama…”

“Mama…mahal po kita”  Naibulong ko ang mga salitang kaytagal kong tinago. Isa sa mga lihim ng puso ko. Mahal ko si Mama. At sa totoo walang gabi na hindi ko siya naiisip. Hinahanaap-hanap ko ang kanyang pag-aaaruga noon. Kung paano niya ayusin buhok ko, paano niya ako yakapin kapag natatakot lang ako. Kailan kaya ako yayakapin ni Mama? Mangyayari pa kaya iyon?

70 DeadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon