Ako at si Robbie ay iisa.
Ako at si Rosemarie ay iisa.
Ako at ang tatay mo ay iisa.
Ako ang tatay ng pinalaglag mong sanggol.
Alin kaya dun?
Choose wisely. :)
Mga walang silbing texts na mula kay Terry. Tinext ko siya.
Patayin mo na lang kaya sarili mo.
Nagreply ang hayop.
Aw. Paano ka na? Hindi kita kayang iwan. ;/ May surpresa pala ako sa iyo. Pinauwi ko Mama mo.Magkakasama na kayo. Yipee!!!
Balisa. Ang tanging salitang mababasa mo sa bawat galaw ko. Sabi nila kapag ikaw ay nasa tahanan mo you are at ease. Not in my case.lalo na kung uuwi kang nasa bahay mo rin ang nanay mo na iniwan kayo ng tatay mo. Ang babaeng nagdala sa akin dito sa mundo para iwan din. Hindi siya matatawag na ina. Ina lang siya dahil sa matres niya at hindi dahil sa naging tunay na ina siya sa akin. Ngayon ay nasa bahay namin ang mabait kong ina. Minumura ang tatay ko. Tumakbo akong papasok ng bahay.
Nakita ko si Papa na nakahawak sa mesa.Nakatalikod siya kay Mama. Galit na galit si Mama. Kahit kailan wala siyang karapatan na mag-amok sa tahanan namin ni Papa!
“Wala kang karapatan gawin yan kay Papa! Siya lang ang magulang ko!” Tumayo ako sa pagitan nila. Galit na galit sa babaeng kaharap ko.
“Magulang? Tingnan mo nga kung paano ka niya pinalaki!” Sagot niya sa akin Teka,wala siyang karapatan na husgahan paano ako pinalaki ni Papa dahil siya dapat ang katuwang ni Papa!
“Ganito ako dahil iniwan mo kami!” Sigaw ko sa kanya.
“At bakit mabuting ina ka rin ba?” Ngumisi siya.
Tumigil ang mundo ko. Ano ang ibig sabihin ni Mama?
“akala mo hindi ko alam?! Pwes may pumuntang lalaki sa bahay ko para sabihin sa akin na napakalandi mo!”
“Lalaki?” Tanong ko sa kanya. Si Terry ba iyon?
“Rodrigo, tinanggap ko ang bastarda mo noon hindi para sirain ang buhay ko ngayon!”
Naguguluhan na ako. Sinong lalaki ang kumausap kay Mama? At anong bastarda? Sino ang tinutukoy niya?
“Maricel…” Saad ni Papa. Kahit kailan ay mahinahon si Papa. Kahit kailan ay hindi ko siya nakitang nagalit.
“Demonyo kayo! Sinisira ninyo talaga ang buhay ko!” Nagulat ako sa isinigaw ni Mama. Alam kong masama siyang ina, pero ang tawagin niya kaming demonyo? Ang tawagin niyang demonyo ang tatay ko n walang ibang ginawa kundi mahalin ako?
“Anong sinasabi mo Mama?”
"Wow! At ngayon Mama na ang tawag mo sa akin? Gusto mo malaman yung totoo ha? Nagpalaglag ka na nga hindi ka pa nagbayad!” Tila kutsilyo ang mga salita niya. Nararamdaman kong sinaksak ako. Ilang ulit. Walang bakas ng dugo. Ngunit napakasakit.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang nawalan ng oxygen ang mundo ng ilang segundo.
“Nagpalaglag ka?” Nakatingin sa akin si Papa. Galit na galit ang kanyang mga mata.
“Sinong lalaki ang pumunta? Anong hindi ako nagbayad? Ano ba yang sinasabi mo Mama??” Nagsinungaling ako. Nagkunwaring walang alam. Iniwasan ko ang mga titig ni Papa.
“Alam mo Rodrigo, kahapon lang ha. Pumunta ang isang lalake at babae sa akin. Yung babae nagpapabayad. May utang daw ang anak ko sa kanya! Hindi nagbayad sa aborsyonista! Eto pa ha, wala akong anak! Alam mo yan kaya etong bastarda mo ang tinutukoy niya!”
“Papa…Papa…magpapaliwanag po ako Pa. Makinig po kayo Pa--” Hawak-hawak ko ang braso ni Papa. Pigil ang mga luha ko. Hindi ako dapat umiyak dahil alam kong kung iiyak ako hindi titigil ang mga luha at hindi ko magagawang magpaliwanag.
“Magkano ba iyon Maricel?” Tahimik na kinuha ni Papa ang wallet niya.Hindi man lang niya ako tinignan.
“Limang libo! Pucha! Bilisan mo!” Sigaw ni Mama.
“Pa…Pa…” Patuloy kong tinatawag si Papa. Nakatingin lamang siya sa wallet niya. Sa luma niyang pitaka. Alam kong walang pera si Papa. Alam kong wala kaming pera.
“Dalawang libo na lang ang pera ko eh. Idadaan ko na lang sa bahay mo ang tatlong libo sa susunod na linggo.”
“Dapat lang!” Pagkatapos kunin ni mama ang pera dali-dali siyang lumabas. Iniwan kami. Iniwan si Papa na nasasaktan.
“Pa?Papa… mag-usap po tayo Pa.Pa…”
“Kumain ka na ng hapunan…busog pa ako Mia…”
“Pa..magalit po kayo sa akin,sampalin ninyo po ako. Pa…pa…pagalitan ninyo po ako…Pa…please po…mas gusto ko pong magalit kayo kesa ganyan po kayo.Nagkasala po ako Pa.”
“May leche flan ka rin sa ref.” Pumasok si Papa sa kwarto niya. Napahagulgol ako. Napaupo. Umiyak nang umiyak. Bakit ganun? Dapat ako lang ang magdusa sa mga nagawa ko,pero bakit pati si Papa? Bakit kailangang madamay ang ibang tao? Tama, tinakbuhan ko ang babaeng nagpalaglag sa bata. Wala akong pera ng panahon na iyon. Duguan ako nang lumabas sa bahay niya.Sinuot ko lang ang jacket ko at tumakas. Ganoon ako ka-walang silbi.
Dumaan ang ilang oras at naglakas loob akong puntahan si Papa sa silid niya. Nakaupo siya sa kama niya at may hawak na mga litrato. Lumapit ako. Nakita ko si Papa at si Mama sa litrato.Masayang Masaya sila. Nakita ko rin sa isa pang litrato ang isang babae. Buntis ang babae.
“Pa? Sino po iyan?”
“Mia. Naghapunan ka na ba?”
“Pa,sino po iyan?”
Walang sagot. Ibinalik ni Papa sa kahon ang mga litrato.
“Pa…sino po ang babaeng buntis sa litrato?”
“Pa sino po iyon?”
“Pa, ano ninyo po siya?”
“Pa ano po pangalan niya?”
Paiba-iba ang mga katanungan ko. Umaasa ako na may isang tanong na makapagbabago sa isip ni Papa.At sasagutin niya ako.
Sino ang babae sa litrato?
I brought your mom home. Im not that bad,see?
Text ni Terry.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
You have the right to suffrage. :] feel free to leave comments and vote for Terry's insanity :D
BINABASA MO ANG
70 Deadly
RandomPinaglaruan ni Mia Wilson ang isang fb account na naiwang nakalog in sa isang computer shop. Kinabukasan nakatanggap siya ng friend request mula kay Terry Morgan- ang may-ari ng fb account na pinaglaruan niya.