Terry’s Confession
“60 Deadly” sana ang pamalit sa naunang pamagat pero ewan ko ba naging 70 Deadly :3
Salamat po sa votes and reads! Comment anytime <3 <3
-------------------------------------------------------------------------
Binisita ako muli ni Gab. Dinalhan niya rin ako ng pagkain. Natatakot ako baka mahulog ako sa kanya. Diba nga may kasabihan na ang babaeng malungkot nahuhulog sa lalakeng nag-aalis ng kanyang lungkot? Paano kung… hindi naman oras para sa ganitong mentalidad eh. Natuto na ako. Hindi pwede sa lahat ng oras ay puro kalokohan ang nasa isip ko.
“Mia, where’s your dad?”
“Huh?”
“Asan tatay mo Mia?”
“Trinanslate mo lang eh!”
“chinwa ya chang pu pudra?”
“Ano yan Chinese?”
“Hindi ko alam. Inimbento ko lang. Translator nga diba?”
“Ang gulo mo Gab.”
“Ginugulo ko ba ang isip mo? Gabi-gabi?”
Pinaghahampas ko siya ng unan. Mahangin din pala ang lalakeng ito. Kung alam niya lang nakaraaan ko malamang wala siya dito.
“Tama na, gusto mo yata mahimatay ako eh? Anong balak mo sa akin?”
“Ibebenta kita.”
“Imported ako, dapat expensive.”
“Dun ka sa ukay-ukay Gab!”
“At least--”
Tumigil si Gab at tila nakatulala sa pintuan. Lumingon ako at nakita ko si Rosemarie. Ilang Segundo rin sila nagtitigan. Kitang kita kay Rosemarie ang pagkakagulat. Bakit gulat na gulat si Rosemarie?
“Rosemarie?” Tanong ni Mia.
“Rosemarie?”
“Huh? Ah..ano..Mia..Hi. Pasensya na ngayon lang ako nagpakita uh. May mga inasikaso lang.”
“ Tumuloy ka.” Tumayo si Gab at nanatiling nakatingin kay Rosemarie.
“Gab? Okay ka lang?”
“Ahh.. oo.. medyo sumakit likod ko kakaupo.”
“Anong konek?” Nagtataka si Mi sa inaasal ng dalawa.
“Painom ako ng tubig Mia uh.” At biglang umalis patungong kusina si Gab.
“Mia, sino yun?”
“Si Gab. Kaibigan ko Rosemarie. Bagong lipat lang siya dito.”
“Ah.. ganoon ba.” Tumango ako at umupo si Rosemarie. Inilagay niya ang kanyang mga aklat sa mesa at napatitig sa cellphone ni Gab.
“Rosemarie?”
“Sorry Mia uh. Pagod kasi ako kaya medyo lutang ako. Naghahabol kasi ako sa mga requirements natin.”
“Okay lang.Namiss nga kita eh. ”
“ang tagal naman ni Gab.” Sambit ni Rosemarie.
BINABASA MO ANG
70 Deadly
RandomPinaglaruan ni Mia Wilson ang isang fb account na naiwang nakalog in sa isang computer shop. Kinabukasan nakatanggap siya ng friend request mula kay Terry Morgan- ang may-ari ng fb account na pinaglaruan niya.