Eleventh

3.7K 185 37
                                    

 

“Yakapin mo ako.”

“Huh?”

“Basta yakapin mo ako Robbie.”

“Hoy Mia! Umayos ka nga. Nahahawa ka na ba kay Terry?”

“Yayakapin mo ako o ipapakain ko sa iyo computer mo?”

“Hindi pa ako handang makipagrelasyon Mi--”

Hinampas ko nang malakas si Robbie. Ang hangin naman ng lalake na ‘to hindi naman siya ang bida! Gusto ko lang maramdaman ang yakap. Buong araw kong iniiisp ang yakap sa akin ni Terry noong nakaraang gabi.

“Sige na nga.”

Hinampas ko siya ulit.

“Bakit ba??”

“Dun ka sa likod! Tapos yakapin mo ako. Tss. Kulang ka sa seminar.”

“Ang arte naman”

Niyakap ako ni Robbie pero mali. Wala akong maramdaman. Ibang comfort ang dala ng yakap ni Terry. Nakakatawa ngang isipin na yung yakap ng psycho na yun nakakagaan ng pakiramdam.

“Okay na Robbie bumitiw ka na.”

“Ah. Ok.”  

“Salamat na lang.”

“Mia, mainit ka at namumutla ka rin.”

 

~~*

“Ang sweet naman nila.”  Saad ni Rosemarie. Mag-iisang oras na silang nakapark sa tapat ng computer shop.

“Kilala mo ba talaga si Mia?” Dagdag pa ni Rosemarie.

“Looks like she’s playing you around.” Lalo niyang pinipilit sirain si Mia.

“Akala ko ba game mo ‘to?” Sabay hawak niya sa braso ng lalake ngunit hindi man lamang siya tinignan nito. Ni hindi ito tumugon.

“Softie?” Pang-aasar ni Rosemarie.

“Shut up.” Yun lamang ang sagot sa kanya ng lalake.

“Masarap bang manood?”

Napatingin ang lalake kay Rosemarie. For a second, she thought he was going to hit her. He didn’t. Instead, he left her in his car.He crossed the street and stood beside the door. That way he can eavesdrop.

“Mia, nilalagnat ka talaga! Umuwi na nga tayo!”

“Okay lang ako. Uuwi na ako Robbie.”

“Mia…sorry sa mga nasabi ko sa iyo noong nakaraaan.”

“Don’t worry.Naiintindihan kita Robbie.”

Nagtago siya sa eskinita nang dumaan si Mia. Muntik pa nga mahulog ang isang kahon mabuti na lang at nasalo niya ito. Hindi niya nakita si Mia sa harap-harapan.Nahuli na siya. Tanging ang pabango ni Mia ang kanyang nalanghap.

Pagbalik niya sa kanyang kotse ay wala na si Rosemarie. Nagmaneho siya.Nais niya nang umuwi. Magpahinga pero naalala niya si Mia. Nilalagnat ito.

Kaya eto nasa tapat na naman siya ng bahay ni Mia. Hinintay niyang makauwi si Mia. Nakita niya ring lumbas ang tatay nito. Malamang magbabantay ito sa ospital at maiiwan si Mia sa bahay.

Kahit na ayaw niya, kahit na alam niyang hindi dapat ay lumabas siya sa kanyang sasakyan. Naglakad patungo sa kwarto ni Mia. Tumigil siya sa may bintana ni Mia. Nararamdaman niyang gising pa ito. Alas otso pa lang, anong oras kaya matutulog si Mia?

Isa

Dalawa

Tatlong oras bago niya nasigurong natutulog na si Mia. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kinalalagyan niya ng tatlong oras.  Inalis niya ang kanyang bonnet at binuksan ang bintana. Tahimik siyang nakapasok.

Nakatayo siya sa tabi ng kama ni Mia.

Pinagmamasdan ito.

Natutulog.

Nilalagnat.

Nilalamig.

Anong gagawin ko?

Anong dapat gawin sa taong nilalagnat?

Wala akong alam sa ganyan.

Maghahating-oras siyang nakatayo lamang.  Pinagmamasdan ang bawat paghinga ng babae.

Lumapit siya.

Umupo sa kama.

Humiga.

Niyakap si Mia. Tulad ng pagyakap niya noong nakaraan.

~~*

 Nanaginip ako kagabi. Niyayakap ako ni Terry. Iyon lang ang naiisip ko habang kumakain ako ng almusal.

Tila buong magdamag niya akong niyakap.

--------------------------------------------------------------

Salamat po sa patuloy ninyong pagbabasa. :) Feel free to leave comments and uhm vote if you wish :)

Take care.

Good night everyone

12:54

Logged out

70 DeadlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon