Buong araw kaming nagchachat ni Terry. Ginamit ko ang laptop na bigay ni Papa. Buong araw rin sabog ang utak ko sa mga pinagsasabi ni Terry.Hindi naman pala siya ganoon kasama. O baka naman bipolar siya? Ay ewan ko basta ang alam ko siya lang ang lagi kong nakakausap. Si Rosemarie? Mukhang abala. Si Robbie? Hindi naman kame ganoon kaclose at alam kong abala sila sa mga buhay nila. Masyadong abala para intindihin ang isang kaibigan.
May surpresa ako sa iyo Lovely.
Sino na naman ba ang pinagtripan mo huh Terry?
Wala uh. May surpresa ako sa iyo. Sa comp shop nina Robbie.
Huh? Pero madilim na.Baka nga nagsara na sina Robbie.
Puntahan mo na surpresa mo Lovely. Mag-iingat ka ha?
Pakyu.
I love you too.
Pinuntahan ko ang computer shop nina Robbie. 8:16 ng gabi nang makarating ako sa computer shop. Bukas pa ang ilaw. May dalawang anino sa loob. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
“Kaya tantanan mo na ako. Ayaw ko na binabanggit mo si Amy.”
Si Rosemarie iyon ah? Anong ginagawa niya dito? Bakit magkasama sila ni Robbie?
“Napakasinungaling mo.Ano na naman bang laro iyan?” Sagot ni Robbie kay Rosemarie.
“Hindi nga ako yun!” Lalong tumaas ang boses ni Rosemarie.
“Amy?” Bulong ko.Ang tinutukoy ni Rosemarie ay ang kakambal niya. Ngunit matagal na itong patay.Iyon ang pagkakaalam ko.
“diba sabi ko aayusin natin ang problema natin? Bakit ka biglang nagdrop sa paaralan?” Hinawakan ni Robbie si Rosemarie. Matagal na silang magkakilala?
“Hindi nga ako iyon! Hindi ako!Hindi ako! She was my twin sister!”
“Talaga. Ang galing mo naman gumawa ng kwento.”
“I’m telling the truth. Hindi ako si Amy.”
“Kung ganoon, saan na siya? Huwag mo nga ako pinagloloko!”
“Fine! Ayaw namin na kinukumpara kami kaya ibang school ang pinasukan ko noong high school. Hindi namin pinaalam na may kakambal kame. Maayos ang lahat hanggang sa isang araw lumapit sa akin ang kaklase ko at sinabing kalat na kalat na ang scandal ko!”
“…natin.”
“Pwes,ikaw pala yung lalake dun. Akala ng lahat ng mga kaklase at schoolmates ko ako yung nasa video. Nabully ako. Si Amy.. siya rin ay nabully. Kahit anong sabihin ko hindi sila naniniwala na may kakambal ako. At kahit na may kakambal ako para sa kanila ako talaga ang nasa video. Nagdrop out si Amy sa school ninyo. Umalis siya. Iniwan niya akong malunod sa kahihiyan.”
“Saan na si Amy?”
“Nalaman niya na na expelled ako.Marahil ay doon pa siya nakonsensya.”
“Nasaan na siya?!”
“Wala na siya Robbie.Matagal nang wala ang kapatid ko.”
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“She killed herself Robbie.”
“Bullshit! Huwag mo akong gaguhin! Tama na! At akala mo maniniwala ako sa iyo Amy!”
“Isa pang Amy at ipapakain ko sayo etong computer.”
“Please. I missed you.”
“You don’t miss me. You miss my sister. Instead of helping Mia nandito tayo nagkwekwentuhan tungkol sa isang taong patay na.”
“Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin ang magkunwari sa harapan ni Mia these past few days? Nagkukunwari akong I care about her miseries but all I can think of is seeing you. That’s why I’m here. That’s why I am still here.” Uminit ang dugo ko sa narinig ko mula kay Robbie. Nilapitan ko na sila.
“Talaga. Iyon naman pala di huwag na tayo maglokohan. Huwag na kayo magkunwaring gusto ninyo akong tulungan. Kung gusto ninyong maglandian you are free to go. Pero teka lang Rosemarie. Gusto ni Terrry na pumunta ako dito. Eksyon And this is what I witnessed. Tell me, may koneksyon ka rin ba kay Terry?”
“Mia…”
“Ano? Maglilihim ka rin? Huh?”
“You don’t understand Mia.”
“No! You don’t!” Sigaw ko.
“Mia wala akong alam--” Hindi ko hinayaang matapos siya sa pananalita. Ayoko na akarinig ng kasinungalingan.
“Bullshit! Liar! Ano mo si Terry? O ikaw Robbie ha? Ano mo si Terry?!”
Nakita kung paanong bumago ang ekspresyon sa mukha ni Robbie. “Can you stop being so selfish.Even for once!”
“Ako? Selfish? Talaga? At anong tawag mo sa sarili mo?” Sagot ko kay Robbie.
“Everyone has their own problems Mia.Magpasalamat ka nga iniintindi ka pa namin.”
“Iniintindi? I feel so alone!”
I ran out. Tumakbo ako nang tumakbo. Umiyak.Dahil sa katangahan ko ay nadapa ako. What a cliché! Umupo ako at umiyak. I just need someone to talk to.Someone who will always be here with me.
Biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. At awtomatikong naisip ko si Terry.
“Terry?”
Naramdaman kong tumango siya.
“Terry,bakit ka nandito? Bakit mo ako niyayakap?”
Hindi siya gumalaw.
“Terry?”
“Sandali lang…” Tugon sa akin ni Terry.
Hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap niya sa akin. Nanatiling ganoon ang aming posisyon. Nagbibilang ako kung ilang segundo hanggang sa ako na mismo ang tumigilat pumikit na lamang. Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya.Nararamdaman ko ang bawat paghinga niya. Hindi ko kayang magalit sa kanya sa pagkakataong ito. Dahil ngayon, kung kailan kailangan ko ng kasama.Nandito siya. Ngunit ko ko nakikita ang kanyang mukha dahil sa kadiliman at hindi ako makagalaw dahil sa higpit ng kanyang pagkakayakap.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
“I’m not that bad.” Hindi ko alam kung totoo o nanaginip lang ako na binulong iyon sa akin ni Terry.
~~~~~~~~~~
He's not that bad daw?
BINABASA MO ANG
70 Deadly
RandomPinaglaruan ni Mia Wilson ang isang fb account na naiwang nakalog in sa isang computer shop. Kinabukasan nakatanggap siya ng friend request mula kay Terry Morgan- ang may-ari ng fb account na pinaglaruan niya.