KABANATA 3

69 8 15
                                    

MAISIE

Thursday, 18:35

I'M paranoid.

Pagkalabas ko pa lang ng school, feeling ko ay may sumusunod na sa akin. Bawat pag liko ko sa bawat kanto ng kalyeng dina-daanan ko ay hindi mawala-wala ang kabang nararamdaman ko.

Suddenly, my phone starts ringing. Huminto muna ako sa pag lalakad at kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang tumutunog na cellphone at tinignan kung sino ang tumatawag. Dang, it's unknown!

Pasimple akong luminga-linga sa paligid, the quietness really creeps me out. Lubog na ang araw at madilim na ang paligid tanging ang mga street lights lang ang nag bibigay liwanag sa kalsada. Bukod sa mangilan-ngilan na estudyanteng pauwi na sa kanilang mga tahanan ay wala ng ibang tao sa labas.

Hindi ko namalayan na namatay na pala ang tawag, ngunit wala pang limang segundo ay tumunog na naman ito. Isinantabi ko na muna ang kabang nararamdaman ko at sinagot ko na ang tawag.

"Who... is this?" pigil ang hiningang tanong ko. Paniguradong nasa bahay ang tumawag sa 'kin dahil dinig ko ang ingay mula sa palabas sa nakabukas na telebisyon. Kung gano'n ay hindi ito ang sumusunod sa akin? I'm safe then?

(Maisie? Maisie ikaw ba 'yan?) ani, mula sa kabilang linya. Base sa boses nito ay nakasisigurado akong babae ang tumawag sa 'kin.

"Yeah?" I answered shortly.

(Thank God! Akala ko hindi na kita mac-contact!) Saad nito na para bang masayang masaya siya na makausap ako.

"Teka lang, Sino po sila?" pangungumpirma ko rito.

(Oh sorry! Jean, Jean Gaspar,) madaling sagot nito, hindi ko maintindihin ang babaeng 'to dahil sobrang bilis mag bago ng tono ng pananalita niya. Is she glad? Or mad? Or worried? Or what?

"Gaspar? You mean, anak niyo po si Jasmin Gaspar?" muli, pangungumpirma ko rito.

(Yes! Yes!)

"Oh! Bakit po kayo napatawag?" takang tanong ko, dahil sobrang tagal na ng huli kong marinig ang pangalan nila. Ang akala ng lahat ay tuluyan ng mawawala sa siyudad ang mga Gaspar dahil sa sobrang tagal na ng huli silang nanatili rito.

(Nakaaabala ba ako? Pasensya ka na ha, bukod kasi sayo ay wala na kong ma-contact na ibang kaklase ni Jasmin,) paumanhin nito.

"Okay lang po, wala naman akong ginagawa."

(Mabuti naman, Iha dederetsuhin na kita. Pwede ka bang pumunta dito sa bahay? Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko,) She said with a serious voice.

"Po?" naguguluhang tanong ko. I mean, sino ba ang hindi maguguluhan? Sa tagal ng panahon ngayon lang ako tinawagan ni Mrs. Gaspar at para manghingi pa ng tulong.

(Kahit saglit lang, pakiusap,) Atas nito, hindi na nawala ang pag kaseryoso niya. Siguro nga ay kailangang-kailangan niya ang tulong ko.

"Oh... okay po. Saglit lang po."

(Maraming salamat!) Saad nito bago patayin ang linya ng tawag.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at tinahak na kaagad ang tahanan nila, tuluyan ng nakalimutan ang sumusunod sa akin. Wala pang sampung minuto ay narating ko na ito kaagad. Simple lang ang bahay nila, tama lang ang laki at mayroon itong dalawang palapag, dirty white ang pintura ng mga pader habang ang mga poste naman na tumatayo bilang pundasyon ng bahay at ang bubong ay kulay brown. Ilang ulit pa akong tumawag sa tapat ng gate bago lumabas ang Mama ni Jasmin upang pag buksan ako.

The Missing PetalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon