MAISIE
HUMAHANGOS na pumasok sa loob ng silid si Kaeden, tagaktak pa ang pawis niya dahil sa ginawang pag takbo. Ang suot niyang tuxedo coat kanina ay wala na ngayon, tanging ang maroon long sleeve polo at black neck tie niya na lang ang natira. Bagsak na rin ang kanyang buhok, dala na rin siguro ng pawis.
Lumapit siya kay Ms. LJ at inabot ang kanyang kamay, pilit niya itong pinabababa sa bintana. Umiling si Ms. LJ at tumagilid ng upo, nakataas na rin ang kanyang mga paa. Konting galaw niya lang ay paniguradong mahuhulog siya.
"Stop it Anna, stop this!" inis na sigaw n'ya kay Ms. LJ
Anna? Anna ba ang pangalang tinawag niya kay Ms. LJ?
"W-what?" nangangatal na sambit ko ng maalala ko kung saan ko nga ba narinig ang pangalan na Anna.
Hinugasan ko ang aking kamay at lumabas na sa comfort room, pabalik na sana ako sa aming classroom ng may madinig akong parang nag tatalo. Hinanap ko ang pinanggalingan no'n at natagpuan ko ito sa loob ng men's comfort room, sa tabi lang ng CR ng mga babae.
"Mamaya na tayo mag usap Anna, tatawagan kita ulit," dinig kong sabi nito, nadinig ko pa ang mahina niyang pag mura bago siya lumabas sa CR. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa ng palda ko at nag kunwari na may ginagawa.
Pagkalabas niya ay nanglaki ang mga mata ko ng makita kong si Kaeden pala ito. "Anong ginagawa mo diyan, Maisie?" tanong niya sa akin ng mapansin niya ako. Napakamot naman ako sa aking ulo at nahihiyang ngumiti sa kanya. "Nadinig ko kasi na parang may nag tatalo sa loob, di ko naman alam na ikaw pala 'yon."
"Ah, 'yun ba? Napalakas pala ang boses ko," sagot niya at mahinang tumawa. "Sino ba 'yung kaaway mo? Girlfriend mo?" pag usisa ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung may kinikita ba siya o wala, sa totoo lang ay wala talaga akong alam sa kanya. Matagal na kaming mag kaklase pero kaunti lang ang alam namin sa isa't isa.
"Girlfriend?" natatawang tanong niya at 'tsaka umiling. "Siguro? Hindi natin alam," Pabibong saad niya at sinimulan ng mag lakad pabalik sa classroom namin, naiwan naman akong tulala at nagtataka kung ano ang ibig niyang sabihin.
Tama, iyon nga ang pangalan na palagi niyang binabanggit sa tuwing may kausap siya sa phone. Kahit kanina sa labas ng hall, nadinig ko rin na iyon ang binanggit niyang pangalan. Hindi na ako nagtataka kung bakit siya malapit kay Ms. LJ dahil nasabi na samin iyon ni Callie kanina, base nga sa kanya ay tinutulungan sila ni Kaeden na maisagawa itong plano nila. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay bakit niya tinatawag si Ms. LJ sa totoo nitong pangalan, idagdag mo pa ng sabihin niya sa akin na girlfriend niya ito.
'yon ang sinabi niya, hindi ba?
"Tigilan mo na 'tong kahibangan na 'to! Bumaba ka na jan, Come on," Aya niyang muli kay Ms. LJ, lahat na kami ay nangangamba dahil malakas ang ihip ng hangin at hindi pa siya nakakapit. Maling galaw niya lang ay paniguradong mahuhulog siya dito.
"No! Hindi ako bababa hanggat hindi siya lumalabas! I have been suffering for so long, 'wag niyo ng patagalin pa," muling pag tangi niya. Ibinaba niya ang isa niyang binti sa labas ng bintana at hinagis niya sa labas ang hawak niyang walang laman na bote.
Nanglamig ang buo kong katawan at nanginig ang mga kamay ko. Nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko, wala sa sariling ibinaon ko ang aking mga kuko sa palad ko. Napansin ito ni Vaughn, he took my hand and unclench my fist. Napakagat ako sa aking labi at pilit na pinigilan na hindi tumulo ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata.
"Just tell us the truth already, I already come this far! Huwag na nating patagalin ito, umamin na kayo!" naiiyak na sabi ni Ms. LJ, napasabunot sa kanyang buhok si Sir Clavid dahil sa kawalan ng ideya kung ano ba ang dapat gawin.
BINABASA MO ANG
The Missing Petal
Mystery / ThrillerThe death of Aina Claire Lamante has been long forgotten, but when her first death anniversary was imminent, the grade ten students received a light blue envelope that jogged their memories of the past. When the truth is being fabricated, how can yo...