MAISIE
2020, February
Having regrets is the worst feeling in life– it will come for each failure that we encounter. They may be small or huge failures. No matter what they are, regrets can surely eat you alive. But it can be a good thing if you use your regrets to see the positive aspects of life. It can also teach you how to make the right decisions and choices so that you will never repeat your mistakes in the past.
Well, maybe I can disagree with what I've said in the first sentence. Maybe having regrets is not that bad. If you accept all your mistakes and take action to make them right, maybe regrets are good, after all. We are humans. We tend to make mistakes and regret them afterwards. Maybe being good and being bad at the same time is what makes us human.
As for me, I already learned my lessons. It is what makes me who I am now. Oh, how time flies so fast. Four years have already passed since Aina left the world, and it is already three years since that night. Naka-graduate na kami ng High school at ngayon ay kolehiyo na. Maraming nangyari pag katapos ng gabi na iyon, at ni isa sa amin ay wala ng balitang narinig kung ano na ang nangyari kay Ms. LJ at Kaeden o kung na sa'n na ba sila ngayon. Pati nga pag alis nila sa siyudad ay hindi man lang namin nalaman.
Pero kahit ba ganoʼn ay gabi-gabi ko pa ring pinagdarasal na sana ay ayos lang ang kalagayan nilang dalawa. Alam naming lahat kung ano ang hirap na naranasan ni Ms. LJ, kung ako siguro ang nasa kalagayan niya ng mga panahon na 'yon ay paniguradong hindi ko alam ang gagawin ko.
"Maisie? Do you want some pie?" tanong sa akin ni Ciara na siyang nag pabalik sa ulirat ko. Muntik ko ng makalimutan na magkakasama nga pala kami ngayon, sa tabi ng lapida ng puntod ni Aina ay nag latag kami ng tela.
Ibaʼt ibang pagkain ang nakalapag sa pulang tela, naisipan kasi nilang mag picnic ng mapag-planuhan namin na bisitahin si Aina ngayong ika-apat na anibersaryo ng paglisan niya sa mundong ibabaw. Lahat ng inihanda naming pagkain ay mga paborito niya. Mayroong egg pie, buko pie, cheesecake at baked macaroni.
Hindi ako mahilig sa cheese pero para kay Aina ay kumakain ako nito. Kinuha ko ang inabot na egg pie ni Ciara, ito lang ata ang paborito niyang pagkain na pinagkakasunduan namin. Inilapag ko muna ang platito na pinaglalagyan ng egg pie at pinagmasdan ang mga kasama ko.
Siguro kung nandito si Aina, pagtatawanan niya kami ngayon. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang dating magkakaklase na hindi mag kasundo ay mag kakaibigan na ngayon. It is all thanks to Ms. LJ, kung 'di dahil sa ginawa niya ng gabing iyon ay paniguradong hanggang ngayon ay kinakain pa rin kami ng mga konsensya namin. The death of Aina is what binds us together. She is the foundation of our friendship.
Nakangiti kong pinagmasdan si Tati at Callie na masayang nagku-kwentuhan, parang dati lang ay walang oras na hindi pinagti-tripan ni Tati si Callie ngunit ngayon ay magkasundo na sila sa mga kalokohan. Sunod kong tinignan si Ciara na hindi mapakali kung anong anggulo ba ang maganda, kanina niya pa hawak ang cellphone niya at panay ang pose sa harap ng camera. Nakakatuwa lang dahil wala man lang nag bago sa kanya.
Naramdaman ko na para bang may nakatitig sa akin kaya naman hinanap ko ka agad kung sino ba 'yon, lumingon ako sa aking gilid at doon nakita si Vaughn na naka ngiting naka tingin sa akin. "What is it?" salubong ang kilay na tanong ko sa kanya.
Napahawak siya sa kanyang batok at mahinang tumawa. "Wala, masaya lang ako," sagot niya sa akin na siyang ikina-pula ng pisngi ko. Ako rin ay masaya, masayang-masaya.
"Sa tingin mo, kung hindi nahawakan ni Kaeden yung kamay ni Ms. LJ ng mga panahon na 'yon, ano kaya ang mangyayari sa atin?" Callie asked out of nowhere, napa-isip naman ako sa tanong niya. Ano nga kaya ang mangyayari sa amin ngayon kung nagkataon?
BINABASA MO ANG
The Missing Petal
Misterio / SuspensoThe death of Aina Claire Lamante has been long forgotten, but when her first death anniversary was imminent, the grade ten students received a light blue envelope that jogged their memories of the past. When the truth is being fabricated, how can yo...