MAISIE
NO one is talking.
No one is moving.
The only thing left in the classroom was a deafening silence. Even the sound of our breathing was so quiet. Then, out of the blue, the laptop screen is black again.
Tinignan ko ang mga kasama ko, nakita kong nanginginig ang mga kamay ni Callie kaya kinuha ko ito at hinawakan, hindi sobrang higpit hindi rin naman sobrang luwag, sakto lang upang ipaalam sakanya na nandito lang ako sa tabi niya. Mukha namang kumalma na siya kahit papaano sa ginawa ko dahil hindi na nanginginig ang kanyang mga kamay, pero kahit na gano'n ay hindi ko pa rin ito binitawan.
Sampung minuto na ang lumipas, naiinip na ang mga kasama ko. Si Vaughn at Ciara ay nakaupo na, si Tati naman ay kanina pa palakad-lakad. Nahihilo na nga ako kakasunod sa mga galaw niya, bakit ba hindi na lang siya pumirme sa isang tabi. Mabuti pa si Callie ay hindi man lang umaalis sa pwesto namin mula pa kanina.
"Aish! Bakit ba kasi ako nandito? Dapat ay hindi na lang ako sainyo sumama, sana ay nagsasaya na ako ngayon do'n sa baba," reklamo ni Tati, nakapamewang pa ito at salubong na ang mga kilay. Nagpunta siya sa likod ng silid at doon umupo, napagod na siguro sa kalalakad.
"Pwede bang manahimik ka na lang?" iritadong saad ni Ciara, pinaglalaruan niya ang kanyang mga daliri na para bang ito na ang pinaka interesting na bagay sa mundo.
Tinapik ni Callie ang aking balikat kaya naman nagtataka ko siyang tinignan, tinuro naman nito ang laptop na tinignan ko naman. Tinawag ko kaagad sila Ciara upang pare-parehas naming makita kung ano ang nasa screen ng laptop. Nangunot ang noo ko ng mabasa ang nakasulat dito, written on the screen are the rules and mechanics of the game that we are playing.
Sinasabi dito na kung purong katotohanan lamang ang nilalaman ng confession ng player ay makakapasa ito at may kakayahan ng manahimik. Ngunit, kung ito naman ay may halong kasinungalingan ay may kahaharapin siyang parusa. Pagkabasa namin sa mga nakasulat ay kusa itong nawala at napalitan ng dalawang kahon. Sa unang kahon ay nakasulat ang salitang TRUTH at sa sumunod na kahon naman ay LIE. Sa baba ng dawang kahon ay mayroong timer, sampung minuto lang ito.
"Anong ibig sabihin niyan? Hindi ko maintindihin!" sabi ni Ciara, hindi man niya sabihin ay alam kong kinakabahan siya. Dalawa lang ang pag pipiliin, kung nagsasabi ba siya ng totoo o kung puros kasinungalingan lang. Kami ang mag dedesisyon kung dapat ba siyang maparusahan, o dapat ba siyang manahimik na lang. Alin sa dalawa?
"Look guys, I swear! I'm telling the truth. Can you trust me? Please!" hindi mapakaling sabi nito ng mapagtanto na niya ang kung ano ang mangyayari. Kahit kailan talaga ay napakabagal niyang mag isip.
"Hey Maisie!" tawag nito sa akin at nakuha pang lumapit, kinuha niya ang aking mga kamay at mahigpit itong hinawakan. "You believe in me, don't you?" malaki ang matang tanong nito sa akin. Naka ngiti pa ito na siyang ikinaatras ko.
"How can I believe you? Nakalimutan mo na ba? Pinagbintangan mo ako," malamig na sabi ko. Bigla namang nawala ang ngiti niya sa labi, pero ang mga mata niya ay malaki pa rin.
"I'm telling the truth. You killed her, remember? You pushed her to her limits until she couln't take it anymore. You pushed her to her death! You killed Aina, Maisie. You killed he–"
"Shut up!" hindi na makapag-pigil na sigaw ko sakanya, isa-isang pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo.
Wala siyang karapatan na ganituhin ako. Wala siyang alam!
"Ahh, poor Aina. Why did she become your friend? She doesn't deserve someone like–"
"For the love of God, Ciara! Pwede bang tumahimik ka na?" putol ni Vaughn sa walang katapusang pagsasalita ni Ciara, na siya namang ikinainis nito. Masama niyang tinignan si Vaughn at parang batang humalukipkip.
BINABASA MO ANG
The Missing Petal
Mystery / ThrillerThe death of Aina Claire Lamante has been long forgotten, but when her first death anniversary was imminent, the grade ten students received a light blue envelope that jogged their memories of the past. When the truth is being fabricated, how can yo...