VAUGHN
2016, February 8: 23
SA loob ng classroom ay masaya kaming nagtatawanan ng iba ko pang mga kaklase. Hindi mo aakalain na nasa silid ka ng isang paaralan sa sobrang gulo nito, bawat sulok ay may iba't ibang ginagawa, bawat grupo ay may sari-sariling mga mundo.
Sa whiteboard ay may nakasabit na bilog na bakal na ginawa naming basketball ring. Dahil bawal magpasok ng bola sa loob ng classroom ay binilog na papel na lang ang ginagamit namin. Lahat ng lalaki ay hindi magkamayaw sa pag shoot ng bolang papel, sa tuwing nagmimintis ang pagpasok ng bola sa ring ay binabatukan nila ang isa't isa.
Sa harap ng whiteboard, nakatayo si Callie. Siya ang pumupulot ng mga papel sa sahig at nagbabalik sa amin. Biglang lalakas naman ang tawanan sa tuwing sakanya tumatama ang bolang papel, kaya naman ang iba ay sakanya na talaga pinapatama ang bola.
Pumilas ako ng papel sa libro ng katabi ko at nilamukos ito, saktong pagbato ko nito kay Callie ay ang pagpasok sa loob ng classroom ni Mrs. Alejo, ang masungit na teacher namin sa ethics. "We do not tolerate bullying here, Mr. Velasco!" sermon nito sa akin. Ang lakas talaga ng teacher na 'to, andami naming naglalaro dito pero ako lang ang nakita niya.
"Bullying? There's no such thing as bullying here, Ma'am. We are just playing, we are having fun. Right, Mallari?" tanggi ko naman sa sinabi niya, seryoso kong tinignan si Callie at humalukipkip. Gano'n din ang ginawa ng iba ko pang kaklaseng lalaki.
"T... they a–" natatarantang sabi nito. Napaka-useless talaga ng babaeng 'to. Simpleng pag construct lang ng sentence ay hindi niya magawa ng maayos. "Yes Ma'am... fun, i...it is fun," napangisi naman ako sa sinabi nito. Good girl. Kaya naman pala niya.
"Never mind, class please fix yourself. At pakiusap lang pakiayos din 'tong classroom niyo, para ng basurahan," sermon ulit sa amin ni Mrs. Alejo. Lumapit naman sa harapan si Maisie, ang class president namin at si Ciara na nuknukan sa kaartehan.
"Why po Ma'am?" tanong ni Ciara habang pinaglalaruan ang kulot niyang buhok. Sa pagkakaalam ko ay kaka-rebond lang ng buhok niya bago mag prom, ano na namang kaartehan ang ginawa niya ngayon?
"Kailangan ba bigyan pa kayo ng dahilan para mag ayos kayo ng classroom?" masungit na sagot ni Mrs. Alejo, kailan kaya babait ang teacher na 'to? Tss, sabagay hindi ko naman siya masisisi byuda na kasi at wala pang anak ayan tuloy at sobrang sungit niya.
"No Ma'am, It's just... weird," maarteng sabi ni Ciara, nakanguso pa ito na parang isang pato. Ang akala niya siguro ay cute siya, ang sarap gupitin ng nguso niya.
"Weird? What weird?" singit ko sa usapan nila, tinignan naman ako ni Ciara at tinaasan ng isang kilay. "You, you're weird" sagot nito at hinawi ang kanyang buhok 'tsaka bumalik sa kanyang upuan. Dang! Ang sarap niyang tadyakan.
"Stop this chitchat now, mag ayos na kayo at kailangan niyong bumaba sa gymnasium hall after ten minutes. Got it? President, siguraduhin mo lang na hindi kayo male-late,"
"Yes Ma'am," magalang na sagot ni Maisie, nakatingin lang ako sakanya hanggang sa makabalik siya sa kanyang upuan kahit sandali ay hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
After ten minutes ay nagpunta na kami sa hall, this is also the same hall that we used when we had a prom night last Wednesday. Today is Monday at saktong apat na araw na ang lumipas mula ng matapos ang event na 'yon.
BINABASA MO ANG
The Missing Petal
Mystery / ThrillerThe death of Aina Claire Lamante has been long forgotten, but when her first death anniversary was imminent, the grade ten students received a light blue envelope that jogged their memories of the past. When the truth is being fabricated, how can yo...