KABANATA 5

62 7 2
                                    

CIARA

Thursday, 21: 45

It's so boring here.

This is probably the most boring event that I have attended. Pati mga kasama ko boring din. Ah, I'm so hopeless! I feel sorry for myself.

"Boring," I said with a yawn, tinignan ko ang mga kasama ko at pwera kay Tati at James na kanina pa nagkukulitan ay mukhang mga bored din ang mga kasama ko.

What am I going to do? Do I need to find someone who is entertaining enough? Oh, how I wish na nandito si Lance ngayon. Mabuti pa ang baklang 'yon ay mahimbing na natutulog sa bahay nila, baka kinakasal na siya sa panaginip niya.

"Cr lang ako," paalam ko sakanila at mabagal na tumayo sa aking upuan, inayos ko muna ang aking walang katulad na blush pink off-shoulder lace dress bago maglakad papunta sa comfort room. Nakakatamad, kung hindi lang ako buryong-buryo sa upuan ko ay hindi ko na pahihirapan pa ang aking sarili na maglakad ng malayo para lang pumunta sa CR.

Ga'no ba kahirap ang school na 'to at hindi man lang makapag pagawa ng banyo sa loob ng hall, kailangan pa mag punta sa main building. Kaninong bulsa ba napupunta ang mga binabayad ng magulang namin? Nakakainis. Ilang minuto pa ang lumipas ng makarating na ako sa CR, gustong gusto talaga nila kami pahirapan. Mabuti na lang at sanay na akong magsuot ng heels, kung hindi ay kanina pa sumakit ang paa ko. 

Pagkapasok ko sa loob ng CR ay napansin ko kaagad na walang tao, mabuti naman. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang maganda kong mukha, hay masyado akong maganda ngayong gabi para lang mag paka-buryo sa loob ng hall na 'yon. Hindi man lang sila nag imbita ng sikat na banda para man lang kahit papaano ay sumaya ang prom night. Nakaka-stress.

Nakailang buntong hininga na ako ng maisipan ko na mag retouch na lang, ano pa nga bang magagawa ko ngayong gabi kundi ang mag paganda at umaktong maganda. Hindi dapat tayo nagpapalamang sa mga mabababang uri, katulad ng Maisie na 'yon. Akala mo kung sinong inosente, kung umakto kala mo walang alam, iyon pa naman ang pinaka-kinamumuhian ko sa lahat.

I applied a thin layer of cherry pink lipstick to my thin lips. After that, I washed my hands and sanitized them. Iniligpit ko na ang mga ginamit ko at inilagay ang mga ito sa dala-dala kong black pouch. I was humming on my way out, when suddenly a figure appeared in front of me, completely blocking the door. At first, I didn't know who it was because all I could see was her silhouette, but as soon as she walked into the room, I quickly recognized her.

"Sabi ko na nga ba at hindi nagkakamali ang isang katulad ko, una palang ay alam ko ng ikaw ang nasa likod ng lahat ng nangyayari. Anong kailangan mo, M–"

"Shh," putol nito sa sa pagsasalita ko, luminga-linga pa siya sa paligid na para bang natatakot na may makarinig sa amin.

"So? What do you want?" I asked her again, totally losing my temper. I can play nice if I want to, but right now? I don't think so.

"Do you wanna play a game?" tanong nito ng may nakakalokong ngiti. Hinintay ko muna ang sunod na sasabihin niya bago ako sumagot.

"You're bored right now, right? What if you cooperate with me?" dagdag pa nito na siyang tuluyang nakakuha ng interes ko. Tinignan ko siya habang nakaturo ang aking daliri sa aking pisngi na para bang nag iisip.

"Hmm? Ano namang makukuha ko kung makikipagtulungan ako sayo?" I asked, while still doing my thinking gesture. "Hindi ka mabo-bored?" sagot nito na para bang hindi man lang pinag-isipan.

"Boring," sagot ko naman habang nahikab. Wala ng pupuntahan ang usapan na 'to. Inaantok na ko sa pagka-buryo. "I promise you, it will be worth your while. You can get to know their secrets," sagot nito na siyang pumukaw muli ng aking atensyon.

The Missing PetalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon