KABANATA 10

44 6 3
                                    

CALLIE

SABI nila, importante raw na mayroon kang kaibigan. May karamay ka sa kasiyahan at kalungkutan. Hindi mo na kailangan harapin ang mga pag subok ng mag isa, dahil kung may kaibigan ka, may makakasama ka, at mas lalong hindi mo na mararamdaman na mahina ka dahil mayroon ka ng kasangga.

Ngunit paano naman ang isang katulad ko na walang kaibigan? Walang karamay at walang mahihingan ng tulong sa oras na kailangan? Ibig sabihin ba no'n ay mahina ako? Naiiba sa lahat kaya walang may gustong makipag kaibigan? Ibig sabihin ba no'n ay hindi ako normal? Dahil base sa mga nababasa at nakikita ko ay lahat ng tao ay mayroong kaibigan. Kung gano'n, bakit ako naiiba sa kanila?

I grew up alone, but not lonely. Dahil alam ko na kahit wala akong kaibigan ay nandiyan pa rin naman ang Mama ko na handa akong tulungan sa lahat ng bagay. Ngunit nagbago ang lahat ng 'yon ng magkasakit siya, at di kalaunan ay pumanaw na. That time, my heart ached so much. Sabayan mo pa ng mga panunukso ng ibang bata, they called me a loser. No friends nor mom, no one likes me other than me.

My Dad owns a hospital, kaya naman sobrang dalang niya lang umuwi sa bahay. How ironic, right? May ari si Dad ng hospital pero namatay si Mama dahil sa sakit na hindi man lang nila nalaman na mayro'n siya. 

I'm only fourteen years old that time but I learnt to live independently. Pinasok ko na sa kokote ko na hindi ko kailangan ng kahit sino para mabuhay, maski kaibigan, pero doon ako nagkamali. Nagbago ang takbo ng buhay ko ng makilala ko si Aina, she saved me from my loneliness. She became my only companion, my hero.

"Hold on? Are you actually saying that, you are Aina's friend?" Tati asked, shock was written all over her face.

"No, secret friend" pagtatama sa kanya ni Ciara, nagtinginan pa silang dalawa at sabay tumango. "Yeah, secret friend," they said in unison.

"Yes," I said firmly, not minding their weirdness. "Okay? Go on," Ciara said while waving her hand as if suggesting for me to continue what I was saying earlier.

"As I was saying, Aina saved me that time kaya naman sinabi ko sa kanya na sa oras na kailanganin niya ng tulong ay huwag siyang mahihiyang lumapit sa akin," pagpapatuloy ko sa storya, hinanap ng aking paningin si Vaughn at natagpuan ko siya sa isang gilid na mahinang nakikipagtalo kay Maisie, hanggang ngayon pala ay hindi pa rin siya tapos sa pagpapaliwanag.

"One month passed after that so called 'bayad-utang' ni Vaughn. Lumapit sa akin si Aina, nag-aalangan kung manghihingi ba sa akin ng tulong o hindi. In the end, she choked on her own sob, repeatedly asking for my help," tuloy-tuloy na kwento ko ng hindi inaalis ang tingin kila Vaughn, nakita ko ang unti-unting pagbabago ng expression sa mukha ni Vaughn ng banggitin ko ang pangalan niya.

Tumigil na sila sa pag tatalo ni Maisie at tahimik na lang na nakinig sa akin, kaya naman pinagpatuloy ko na ang pagku-kwento. "Aina cried non-stop. Telling me how her friends avoided her and didn't even help her. She feels so hopeless, kaya naman I offered her my comfort."

"After she calmed down, tinanong ko siya kung ano ba ang problema. She didn't answer me directly but that was enough for me to know what she wanted to convey," I said while recalling that day. Her shaky voice and uneasiness are still vivid in my mind.

"She asked me if I can accompany her to my father's hospital," I said, sighing heavily. Oh, how I hate this part. "Aina wanted to see a Gynecologist."

"What the hell? Is she pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ni Tati, masama kong tinignan si Vaughn at 'tsaka sumagot. "What can you say, Vaughn? Because of your selfishness, she got pregnant!"

The Missing PetalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon