CHAPTER 4

1 0 0
                                    

Shammel POV

~ Kring ~ kring ~

Nagising ako dahil maingay ang alarm clock ko. Tinignan ko ang orasan na nasa tabi ng kama ko. 5:00 am na pala ang aga pa. Makababa nga para kumuha ng tubig. Pagkapunta ko sa kusina nakita ko si jem nagluluto ng pang breakfast namin. Himala yata maaga si jem gumising at nagluto pa. Maganda yata ang mood nya. Kumuha muna ako ng baso at tubig sa ref. Saka uminom ako pagkatapos ko uminom ay lumapit ako sa kanya.
"Good morning sha."
Alam nya na andito ako kahit nakatalikod sya sa akin.
"Good morning din jem tulungan na kita."
"Osige hiwain mo ang patatas."
"Osige jem."
Marunong pala sya magluto. Masarap kaya.
"Masarap toh sinamahan ko ng pagmamahal."
Mind reader talaga ah
Pagkatapos ko mag hiwa ng mga patatas binigay ko na sa kanya.
"Magpahinga ka muna ako na ang bahala dito."
"Osige."
Bumalik ako sa kwarto ko para matulog.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay natulog na ako.

After 1 hour
Nagising ulit ako kaya ginawa ko na ang  daily routine ko. Pagkatapos ko gawin ang  daily routine ko ay bumaba na ko papunta sa kusina. Papunta na ko ng kusina naaamoy ko na ang niluto ni jem amoy pa lang masarap na pano pa kaya kapag kinain na. Pagdating ko sa kusina andoon na din sila lian. Umupo na ko bigla dumating sila Chester.
"Pwede pa kain."
" Tss lagi naman kayo nakiki kain dito."sagot ni jem.
"Sige wag na."
"Pfftt nagtampo  naman kayo."
Tama ba nakita ko tumawa sya alam nyo kasi cold na tao si jem.
"Nagbibiro lang naman ako."
At nagbiro pa.
Umupo na sila Chester. At sinimulan na namin ang pagkain. Sobrang sarap ng break fast namin.
"Sino nagluto nito?" tanong ni maynard
"Si jem."sagot ko kay maynard
"Jem pwede ka na pala mag asawa eh." sabi ni Stephen
"Tss kumain na nga kayo."
Tinuloy na namin ang pagkain. Pagkatapos namin ay nagpahinga muna kami.
After 30 mins.
Pumasok na kami sa room. Pagkarating namin sa room nag tilian nanaman sila well sanay na kami.

Tinignan ko ang dalawa ang sweet naman sana ganyan din kami ni Chester. Naiinggit ako Kay jem. Balang araw kapag naging sila makakain ni jem ang sinabi nya. Nabangga lang magkakalove life na agad.

"Oyyy sha ano pa ang tinatayo mo dyan umupo ka na darating na si sir."
Nakatingin ako sa kanya. Mabait sya na kaibigan at pinsan kasi ayaw nya kami pinapagalitan o inaapi ng iba. Maldita sya pero kind hearted lalo na di halata sa mukha nya maamo kasi ang mga mukha namin. Umupo na ko sakto dumating na si sir.

"Good morning class."
"Good morning sir."
"May good news ako sa inyo."
Nakaabang lang kami sa sasabihin ni sir.
"May gaganapin na beauty contest at ang ipapanglaban natin ay si Ms. Jemari Rodriguez. Payag ka ba ms. Rodriguez?"
"Opo para sa section natin toh."
Himala pumayag sya na ipanglaban  sya ng section namin. First time nya sumali sa beauty contest. Saka maganda naman sya.
"Good."
Nagdiscuss na si sir alam nyo history ng power university ang dinidscuss ni sir tsk alam na namin yan kasi kami ang may ari ng school na toh. Hindi pala alam ito ng iba wala lang ayaw lang namin sabihin.

(After 30 mins.)

Ting ting

Yes tapos na ang classes namin.
"Class dismiss. Ms. Jemari Rodriguez mag pra practice ka."
Kaya pumunta na si jem sa gym. Ako naman umuwi na sa dorm namin. Pagdating ko doon natulog na ko.

POWER UNIVERSITYWhere stories live. Discover now