Krystal POV
"What!?" nakakainis naman si Yano! Kakaalis lang daw kasi ni kumag. Tinanong ko yung butler kung ano ba ang kailangan sakin ni Yano, eh hindi naman daw nya alam. Jusko po! Wala talaga sa ayos kausap ang lalakeng yun.Ayon sa mga chismosang maids ay may away daw meaning suntukan. Basagulero.
Kumain nalang muna ako sa kusina for "staff" daw. Kung ako talaga ay isang legal na empleyado na walang pinag-aralan, dito ako magta-trabaho (hanuudaw?). Kasi ang daming pagkain! Ohhlala~ Hindi ata uso krisis ng pagkain dito eh. Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko ang sarili kong pinggan. Nakakahiya naman kasi sakanila.
Pumasok na ako sa kwarto atsaka nagmadaling tawagan si Rumi. Aish! Busy yung line nya eh! Sino naman ang kausap ng isang toh? Oh well, tinext ko nalang sya. Magre-reply naman siguro toh.
To: Rumi
Yah! Rumi-chan, call me! Continue your story please! T_____T
Sent!
Bahala na kung anong oras sya magre-reply, mababasa ko rin yan mamaya. Iiglip nalang muna siguro ako. (A/N: Hindi sya nagpalit ng damit. Natulog sya ng naka-uniform. Wag kayong maarte, ganyan din ako minsan hahaha!)
T H U R S D A Y M O R N I N G
"Buta... Get up!!!" O___O Napabangon ako agad agad dahil sa lakas ng sigaw ng lalakeng toh sa tenga ko. Take note, sa tenga ko! Wala manlang ba syang awa sakin? For Pete's sake! Natutulog yung tao eh! Bakit ba kasi lagi nalang syang napasok sa kwarto ko? Kwarto ko sa bahay nila!
"Are you nuts? I'm sleeping!" He just proved that he's a total jerk. Until now, he keeps on calling me buta.
"Ms. Martinez, don't you have any plans of changing your clothes?" napatingin ako bigla sa suot kong damit. Shoot! Don't tell me hindi ako nagising kagabi? Sabi ko sa sarili ko, iiglip lang eh!
"What's wrong in wearing a school uniform during school days?"my gosh! Palusot na naman! Gumana ka! Gumana ka please!
"I just thought that you didn't change your clothes. You're a pig afterall!" then, he smirked. Eeeerr! What a guy! Sinuntok ko yung balikat nya. Serves him right! Kahit na girlalu ako, marunong naman ako sumuntok. Para saan pa yung tinuro ni ate saakin na self defense kuno?
"Awww! Kababae mong tao, nananakit ka!" wow naman! Nag-tagalog ang loko! Ang nice lang, nasaktan ko sya hahaha! Belat! :P
"I don't give a damn." ang taray! Hahaha, ang sungit ko lang talaga ngayon. Hindi kaya meron ako ngayon? Imposible naman, meron ako last week eh.
"What? You're really extraordinaire!" pinagsasasabi nito? Upakan kita dyan eh! Pinalayas ko na si kumag sa kwarto ko. Sa bahay nila. Chineck ko yung cp ko kung nag-text si besty kaso wala. May load naman ako ah! Baka hindi nya natanggap?
Nag-ayos na ako at nagbihis. Nag blower narin para hindi nakakahiya dun sa lalakeng yun. Baka sabihin nya, hindi talaga ako nagpalit. Ayokong asarin nya ako, please lang! After an hour ay natapos na akong mag-ayos. Hindi nalang ako kakain ng breakfast, male-late na ako.
Beep beep!
Bumisina yung Maybach Exelero ng mga Nakajima. Specifically, kotse ni Yano. Tell me, bakit ba ang yaman yaman nila? As far as I know, it cost about $8 million. That's a lot of money! Mabibili ko na ata lahat ng gusto ko nun eh!
Paglingon ko ay nakita ko yung napakagandang kotse na hanggang pangarap ko nalang ata. Tumabi ako sa gilid kasi alam ko namang walang balak yang isabay ako. Asa pa ako! As expected ay nilagpasan lang ako ng kotse. Hmp! Ano naman? Maglalakad nalang ako!
S A C R E D S E V E N A C A D E M Y
Hindi pa ako nakakapasok ng school ay nakita ko na naman yung malaking tarpaulin sa labas. Tarpaulin yun ni Mr. Michaelis. Sya yung tatay ni Vince na may-ari ng school. Nasaan na kaya ang lalakeng ito? Never ko syang nakita dito sa school.
Eh bakit ko ba kasi pinoproblema yan? Pumasok na ako at nagmadaling pumunta sa classroom. Kaso... ang daming taong nakaharang sa pintuan! T___T Naghintay ako ng mga 5 miutes dahil sa ayaw talaga nilang umalis. Umalis lang sila nung dumating na yung isa sa mga terror teacher dito. *gulp* Patay!
Madalas kasi, hindi na sya nagpapapasok ng late comers! Lecheng mga usisera toh! Ano ba kasing meron at humaharang kayo dyan sa daanan? Classroom nyo? Psh! Pagka-alis nila ay agad akong pumasok sa classroom. Sa likurang pinto to be exact. Buti nalang at hindi ako napansin ng teacher kasi may kausap syang tatlong lalake sa harapan. Nakatalikod kaya di ko makita kung sino.
Baka si Leo lang yan. Umupo na ako sa upuan ko na parang walang nangyari. Maya-maya pa ay nagsalita na si terror teacher. Babae po siya para lang laam nyo.
"Due to a sudden decision, we have newcomers to this class. Misters, please kindly introduce yourself to the class..." Huwaaaat???
"Ohayou minna-san! I'm Clark, Clark Miura. This is Vince Michaelis and Yano Nakajima." pagkatapos nya sabihin yun ay automatic na nagtilian yung mga talandi kong kaklase. Nakita ko naman si Yano na naka-grin tapos nakatingin sya... sakin. *gulp* Jusko po!
"Please take your seats, we'll start the cla---" natigil sa pagsasalita yung teacher dahil sa nagsalita si kumag.
"Can I seat beside Krystal Martinez?" naloko na! Ano na naman bang pakulo yan? Ikaw? tatabi ka sakin? Joke ba'to?
"Binata kana pre! " palokong sabi ni Clark. Itong pesteng to, nang-asar pa.
"Oh, the rumored couple? Sure Mr. Nakajima. You wouldn't mind exchanging seats Ms. Kassandra Co?" ay nako! Wag kang papayag! Please lang!
"Y-yes mam!" ay! Natakot ata sa terror teacher namin kaya nakipagpalit. Yung mukha ko ay kasing init ng kumukulong lava sa Mt. Mayon. This is so gravy! Nakikipag-karera ulit yung puso ko! Why do you make me feel like this Yano?
Ako etong parang tangang kinakabahan samantalang sya, cool na cool lang na umupo sa tabi ko. Bahala siya dyan! Hindi ko sya papansinin! Umupo narin yung dalawa pa nyang kasama kaso sa harapan. Hindi ako makapag-concentrate sa tinuturo ng teacher namin dahil sa feeling ko ay nakatingin sya sakin. (feelingera ko lang?)
Pasimple akong tumingin sakanya kaso.. hindi naman pala sya nakatingin. Iiwas na sana ako ng tingin kaso napansin nya ata na nakatingin ako sakanya. ( May naka-gets ba? xD)
"I know I'm handsome *smirk*" ang kapal lang talaga ng kumag na toh! Nag roll eyes nalang ako sakanya tapos tumingin ulit sa teacher. Tell me, makakapag-aral paba ako ng maayos? Sa gitna ng klase ay may binigay syang papel. Ano ito? Love letter? Binuksan ko naman...
Batangas tomorrow. 6am. Starbucks. Come with your bestfriend.
Eh? Hindi naman ako tanga para hindi malaman na walang pasok bukas dahil sa seminar ng mga teacher pero bakit kami pupunta ng Batangas? Pesteng toh, pinag-iisip pa ako!
"Dapat kanina ko pa yan ibibigay kaso pinalayas mo ako." mahinang sabi nya. Eh malay ko bang isasama mo ako sa Batangas? May rest house kami dun ah, kaso hindi ko alam yung exact location.
"Usap tayo mamayang break." sabi ko.
"Talaga? Mag-uusap lang? Mamaya nyan, reypin mo ako. *smirk*" nakaka-ilang smirk kana ba? Nakakainis na ah!
"Asa!" medyo napalakas yung pagkakasabi ko kaya naman napatingin yung iba kong kaklase saamin. Peace! Yung mga talandi ko namang kaklase, kung makatingin ay parang papatay. Alam ko namang maganda ako, wag nyo ng i-obvious. Charot!
- - - - - - -
mallow: Sinipag lang ng kunti. Ewan ko kung kelan ang kasunod nito. Sorry naman daw at boring. Special mention si @PutaktengBata :)
BINABASA MO ANG
I Escaped with a Gangster {ON-HOLD}
Teen FictionIre-revise at maraming kailangang baguhin so I suggest na wag nyo pong basahin. Thank you :)