Dai 8-sho Magulo

233 8 4
                                    

A/N:BTW, yung isang video na sinasabi ko ay nasa Prolouge po, sa side nun. Kung gusto nyo syang makita, punta nalang kayo sa prolouge.

 May ginawa akong isa pa, kaso parang echos lang sya eh. Kung may time kayo, pwede nyo rin namang panoorin. (Nasa side) Sorry, di ako marunong magpakilig eh hehehe, wala akong sweet bones :")

Maiksi lang toh, pangpa-GV lang, boring ng pasko ko eh ^___^v

Krystal POV

Binuksan ko ang mga mata ko at bigla ko naman naramdaman ang sakit ng ulo ko.Ano bang nangyari? Ay, natamaan nga pala ako ng malay dahil sa bola ng basketball. Shems, nakakahiya! >.< Bakit naman kasi kailangan pang saakin pa tumama yung pesteng bola na iyon? 

Umupo ako at saka napansing nasa clinic pala ako? So, sinong nagdala saakin dito? Tumayo ako at saka tinanong yung nurse kung pwede naba akong lumabas. Sabi naman nya saakin ay pwede na daw, ingat daw ako sa susunod dahil baka tamaan ulit ako ng bola. Sus, natsambahan lang ako nun!

"Ms. Martinez, ang haba ng hair mo!" bigla naman akong napatingin sa buhok ko, matagal narin pala nung huli akong nagpagupit. Ang galing naman, napansin nya yung buhok ko. Ngumiti ako atsaka umalis na pero parang may double meaning yung sinabi nya eh.

Yaan na nga, bahala siya. Pupuntahan ko muna yung bag ko sa Locker Room atsaka magpapalit ng damit. Habang naglalakad ay napansin ko yung orasan sa gilid, 2pm na pala. Parang ang tagal ko namang nakatulog? Grabeee lang!

- - - - - -

Nagpalit na ako ng uniform atsaka isinakbit ang backpack ko. Nasaan na kaya si Rumi? Nako, kawawa naman ang bruha, nag-jogging hehehe! Pero, maalala ko lang ah. Sino ba yung nagdala saakin sa clinic? Wala kasi talaga akong maalala eh!

"Waaahhh!" napasigaw ako habang umaakyat sa hagdanan at sakto pang nandoon yung mga epal kong kaklase. Takte, walang teacher? Bakit nasa labas yang mga yan? Ano yun, cutting classes silang lahat? Ang dami naman, mga nasa sampu sila.

"Uy Martinez! Ok ka lang ba?" tanong saakin ni Ayumi. Susmiyo, ang plastik nyo namang lahat. Kunwari ay mabait, tapos chichikahin ka lang pala.

"Wag nga kayong OA, natamaan lang bola eh!" parang di sila convinced sa sinabi ko.

"Oy oy, matanong ko nga kayo, bakit nasa labas kayong lahat?" mataray kong tanong sakanila.

"Wala na naman kasing teacher eh tsaka mukhang di na ata babalik yun. Napalayas na ata ni---" naputol ang sasabihin ni Johnson dahil sa tinakpan ng isa kong kaklase ito. May itinatago ba sila saakin?

"Uy, bakit napalayas si Sir?"

"Wag mo nalang ngang pansinin si Johnson, nakahithit lang siguro ito ng opyo, diba no? Hehehe, osya, mauna na kami sayo Krystal!" agad nila akong tinakasan. Aba, anong meron? T____T  OP na naman ako! Bakit ba ayaw nalang nilang sabihin sakin? Nung papunta na sana ako sa classroom ay nakasalubong ko si Leo.

"Hoy Leo, ang tamlay mo?"

"Ha? Kinakausap mo ba ako Krystal?" sabay turo sa sarili nya. Psh, nakasalpak pala yung earphones sa tenga nya. Hindi kasi halata eh no? Haba haba ng buhok, akala mo naman gwapo.

"Ewan ko sayo." sabay roll eyes ko sakanya. Bakit walang matinong makausap ngayon? Baka naman panaginip lang toh? Sinampal ko ang sarili ko at masakit.Edi hindi nga ako nananaginip! Shocks! Ano ba naman, ang badtrip ng araw ko.

CLASSROOM

Pagpasok ko ay may kanya kanyang mundo sila. Walang teacher, kunti lang ang tao sa loob at ang mas matindi pa dun, wala si Rumi. Saan nagpunta yun? Nilapitan ko yung isa kong kaklase atsaka sya tinanong.

I Escaped with a Gangster {ON-HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon