Dai 5-sho

247 10 9
                                    

Krystal POV

"Hey tal-tal! Okay ka lang ba dyan? Bakit ka tulala?" inalog-alog ako ng Rumi hanggang bumalik ako sa katinuan.

"Uy, andyan ka pala Rumi..." hindi ko kasi sya napansin. Ako naman kasi, nandito, NGA NGA! Takte kasi si kumag, masyado akong binibigla. Hihilain ako tapos ihahatid lang pala ako tapos idagdag mo pa yung sinabi nya saaking sya na daw ang bahala.

Talagang sya na ang bahala, sya kaya ang nagsabing sabay kami pumasok. Ayan tuloy, na-issue pa ako! I mean, kami. Wala namang may kasalanan nun kaso sya eh! Naiinis ako sakanya! Pumasok na ako ng tuluyan sa loob ng classroom atsaka umupo sa upuan ko. Dahil sa hindi pa nga time ay kinukulit ako ni Rumi.

"Uy Krystal! Magkwento kana nga kasi saakin! Diba bestfriend mo ako? Bakit mo kasama dun sa picture ang leader ng Janus na si Yano? Bakit kayo magkasabay? Tapos may titigan effect pa kayo! Tal-tal! Ano ba ang ibig sabihin nun? Boyfriend mo na ba sya? Ipinagpalit mo na ba ang ever loving and beautiful mong bestfriend? Ha? Sagutin mo ako Krystal!"

Ang ingay ingay talaga ng isang toh. Tinignan ko sya at saka huminga ng malalim. Kinakabahan ako, baka mamaya nyan mahampas ako ng bestfriend ko dahil sa hindi ako nagsasabi sakanya. Sorry naman kasi diba? Yung mukha nya ngayon, ngiting-ngiti.

"Kasi ganito yan... ano... ummhhh.." hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa pero itong nasa harapan ko ay nakuha pa akong sampalin. Aba, over naman toh maka-react. Sabi sainyo eh, weirdo talaga sya. Hindi pa nga ako nagkukwento, nananakit na kagad.

"Diba tinanong kita noon kung pwede ako tumira sa bahay nyo? Tapos sabi mo saakin, bawal dahil andun si Tita..." tapos tumango-tango sya. Buti at wala pang masyadong tao dito sa classroom. Wala pa yung mga bitch and bullies na mang-aaway saakin.

"Yung binigay mo kasi saaking address, bahay yun nila Yano."

Rumi - O_____O Gulat na gulat sya sa sinabi ko. Yung totoo? Di mo ba talaga alam na bahay ng mga Nakajima iyon? Imbis na tanungin ko sya ay nagpatuloy nalang ako sa pagkukwento...

"Yung taong tuturuan ko kasi... si ano yun..."

"O-M-G! Don't tell me it's Yano? Si Yano yung tu--"

Tinakpan ko yung bibig nya! Ang ingay naman nito! Nagkukwento na nga ako tapos ganyan sya. Naku, baka masabi nya ng di oras sa iba yung sikreto ko. Patay ako nyan kay Yano. Mawawalan na ako ng trabaho! Magiging homeless ako nyan!

"Ssshh! Wag ka ngang maingay! Oo, si yano yun... kaya nga naiinis ako sayo eh. Kasi naman, bakit sakanila pa yung nakuha mong address?"

"Ang totoo kasi nyan bestfriend, nakita ko lang yun sa flyers haha! Joke, sa internet talaga! Malay ko bang sakanila yung bahay nayun? Tsaka, ayaw mo nun? Maraming possibilities na maging kayo! Kung nagkataon, bestfriend ko ang girlfriend ng leader ng Janus! Oh my!"

Tae talaga tong babaeng toh. Ayan pa ang nakuhang sabihin eh naguguluhan na nga ako sa buhay ko ngayon. Shet talaga! Ayokong maging sentro ng chismis sa school noh! Ano ba naman yan! Maghahanda na ako mamaya, for sure ay maraming bitch ang aaligid saakin.

"Pero tal-tal, hindi mo ba sya boyfriend?" sabi nya na may sobrang laking ngiti sa mukha.

"Mukha ba akong pumapatol sa Gangster? Ewww!"

"Uy, wag kang ganyan! Mamaya nya, kayo pa ang magkatuluyan ah! Hahaha!"

"Loko ka! Ayoko nga, mas type ko pa yung friend nya kaysa sakanya eh!" (pertaining to Clark)

"Sino sa dalawa? Si Clark ba o si Vince? Oy! Akin na yung dalawang yun! Umm, sige na nga! Si Clark lang ang akin. Ayoko na kay Vince hehehe!" Kalurkey! At nakuha mo pang mang-angkin? Eh hindi nga kayo close nung Clark na yun eh.

I Escaped with a Gangster {ON-HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon