Krystal POV
Pumasok na ako sa school kaso pagdating ko...
"KRYSTAL!!!" sinalubong ako kaagad ng yakap ni Rumi. Ang bestfriend ko na super makulit! Di sya nauubusan ng kwento eh hahaha!Nakayakap narin ako sakanya. Actually, mukha kaming ewan dito ngayon na nagyayakapan sa gitna ng corridor.
"Rumi, bitaw na!" bumitaw naman sya at ngiting-ngiti na humarap saakin.
"Hehehe, musta? May trabaho kana? Saan kana nakatira?" di ko sya sinagot. Sa halip ay tinignan ko sya ng masama at binatukan ko sya pero di naman malakas eh.
" Bakit mo ako binatukan? Ang ganda ko kaya!"
"Di mo ba alam kung kanino ako nagtatrabaho ngayon?"
"Dun sa sinabi ko sayong address? Haha, nakuha ko lang yun sa internet eh! Wanted tutor daw eh tapos nung sinabi ko sayo yung address nila, tumawag ako kasi sabi ko maga-apply ka dun. Ayos ba? Maganda ba doon? Malaki ba yung bahay? Ang alam ko kasi malapit lang yun dito sa sch--"
"Rumi, shut up." bigla akong nainis. Hindi ako galit kay Rumi kaso bakit ganun? Bakit ba kasi kay Yano nakajima pa eh? Kaloka eh!
Naglakad na ako at sumabay naman saakin si Rumi. Parehas lang kami ng classroom pero di kami magkatabi ng upuan. Malapit ako sa bintana eh. Naka-aircon ang school namin pero bawat room ay may malaking bintana sa gilid.
>>> Fast Forward
Natapos na ang tatlong oras ng discussion kaya naman reccess na namin ngayon. Linapitan ko si Rumi na kasalukuyang natutulog sa desk nya. Kinalabit ko sya kaso hindi parin nagigising. Kinalabit ko ulit...
"Tal-tal?" namungas mungas pa sya. Bagong gising nga haha!
"Rumi, kain na tayo.."
"Sige!" masiglang sabi nya saakin. habang naglalakad kami ay walang naimik. Nadaanan namin ni Rumi ang room ng Janus. Ang Janus ay yung gang ni kumag. Maraming babae sa labas ng classroom nila. Edi kayo na! kayo na nga ang sikat!
"Ang dami nilang fans noh?" napalingon naman ako sa nagsalitang si Rumi.
"Bakit ba maraming nagkakagusto sakanila?" -ako
"Ang ga-gwapo kasi nila eh.. Tapos gangsters pa kaya nakakadag-dag ng appeal yun!
"Talaga lang ah? Parang hindi naman eh. Panget kaya sa isang lalaki ang basagulero!"
"Anong gusto mo? Yung mga babading-bading dyan na mukhang babae?"
"Bakit? Cute naman yung ganun ah? Mahalaga naman kasi sa isang relasyon ay yung mahal nyo ang isa't-isa.."
"Dami mong alam tal-tal! Hahaha! Basta, ang cool ng Janus! Tapos akalain mo yun, dito pa nag-aaral yung leader nila! Isama mo pa yung dalawang poging friend nya! Ganda ko talaga!"
"Ewan ko sayo! Kain na nga lang tayo!"
Pumunta na kami sa canteen at kumain. Spaghetti lang naman ang kinain namin eh, tutal hindi pa naman lunch kaya pwede na yun samin. Ang tagal pa pala bago matapos ang reccess. isang oras kasi ang reccess eh ang bilis namin kumain kaya mga 30 minutes pa bago ang next na klase namin.
"Rumi, tambay muna tayo sa field!"
"Sige ba! Malapit yung Computer Room dun, may WiFi! Hahaha!"
FIELD
"Uy tignan mo to Krystal!" ano bang meron dyan? Nagce-cellphone kasi sya eh. Tinignan ko nalang kung ano ang pinagkakabusy-han ni bestfriend. Ahhhh..., yun yung fan site ng Janus. Ano ba kasing meron sakanila?
"Uy oh! Ang pogi pogi ni Vince! Kyaaa!"
"Mukha naman yang bading eh!"
"Di kaya noh! half-european sya tal-tal! Ang pogi pogi nya talaga!" landi talaga ng babaeng ito. Nga pala, nasabi ko nabang sikat si Rumi sa school? Kasi friendly,mabait at maganda daw sya.
Tumingin ako sa oras sa cp ko. Malapit na pala mag time eh. Hinigit ko na si Rumi at umalis na. Alam na siguro nya yun kung bakit ko sya hinigit hehehe.
"Wait lang Krystal! Yung sapatos ko kasi, natatanggal.."
"Sige, akin na nga yang basura na hawak mo. Ako na ang magtatapon.." kinuha ko yung basura at itinapon sa pinakamalapit na basurahan. Paglingon ko, nakita ko si Rumi na hawak hawak ni Clark Miura.
Si Clark Miura ay isang member ng Janus. Friend nya si kumag Yano. Wait lang, anong meron sainyong dalawa at may paganyan-ganyan pa kayo sa gitna ng corridor?
- - - - - - - - -
mallow: Sa gilid yung "Janus" hahaha :D
Yano Nakajima - Janus Leader
Clark Miura - The Angel Looking Bastard
& Vince Michaelis - The Silent Killer
^____^v Ayaw gumana nung gif na ginawa ko so pagtyagaan nyo nalang po muna iyan. Okie?
BINABASA MO ANG
I Escaped with a Gangster {ON-HOLD}
Teen FictionIre-revise at maraming kailangang baguhin so I suggest na wag nyo pong basahin. Thank you :)