Dai 6-sho The Angel Looking Bastard

229 7 6
                                    

Krystal POV

"Oh, that? wakaranai.." Sarap nitong jombagin. Hindi nya alam pero kausap nya kanina?

"Are you kidding me?" mataray kong tanong.

"Nazedeshou?" (Why would I?)

TT___TT Nakakapagpa-init lang ng ulo ang isang toh eh! Kilala ko ang mga magulang ko, magagalit ang mga yun dahil sa naglayas ako. Hindi naman sila yung tipo ng tao na bigla bigla nalang ipapaubaya ang anak nila. So, bakit ganun? Bakit tuwang tuwa pa sila na nandito ako sa bahay na puno ng yakuza?

"Hindi ka pa nagpapalit ng uniform. Pumasok kana nga sa kwarto mo, tuturuan mo pa ako ng algebra..."

"Huh? Bakit naman kita kaila--"

"You're my tutor, right?" ay, anong laban ko? Ako nga kasi sabi ang tutor eh. Psh, oo na! Eh ang dali dali lang ng algebra tapos magpapaturo pa sya saakin. Sapok, gusto mo? Errrr! Nakakainis ka talaga kumag! Naturingang 4th year pero mahina sa math.

Pumasok nalang ako sa kwarto ko sa bahay nila. Hindi ko inaangkin hehehe! Ayaw ko nalang makipagtalo dun sa lalakeng yun, nakaka-wrinkles! Nagpalit na ako ng damit atsaka lumabas ulit para katukin sya. Wala naman akong assignment eh kaya ok lang na turuan ko sya ngayon.

*knock knock knock*

Kumatok na ako kaso wala paring nagbubukas ng pintuan. Tss, akala ko ba gusto nyang magpaturo ng lecheng algebra na iyan? Bakit ayaw naman nya akong labasin dito? Pa-special masyado ah! Buti may sweldo ako dito! Hehehehe :)

*knock knock knock*

Kumatok ulit ako kaso pagkaraan ng mga 2 minutes mahigit ay wala paring nagbubukas! (>.<) Asan naba kasi sya? Tinry kong buksan yung door knob tapos biglang... tyeden! *sound effects yan kunwari hihi* Bukas naman pala yung pinto eh! Tinulak ko ng kunti ang pinto atsaka sumilip. Wow! *u*

Ang ganda ganda ng kwarto nya! Ang... ang laki! Yung bed nya, king size! Tapos yung kwarto ay iba't-ibang shades ng blue! Yieee! Ang cute naman! Akala ko ay magulo yung kwarto nya, knowing him... Pero, ang linis eh! Tinalo pa ang babae sa linis ng kwarto!

"Yoohooo~ Yano... andyan kaba?"

Punyemas, walang nasagot! Asan naba kasi ang lalaking yun? Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at may nakita akong isang kumag na mahimbing na natutulog. How can someone look so gorgeous while sleeping? Ang pogi naman kasi eh! I can feel it! Namumula ako ngayon!

"Buta..."

"Bukas, sabay tayo pumasok."

"For them to know that you're mine now."

"Don't leave my side. It's your job after all."

"Ihahatid na kita sa classroom nyo, baka ma-late ka.."

"Pumasok kana, ako na ang bahala."

*lub dub lub dub lub dub lub dub lub dub*

Ano ito? Instant replay? Bigla bigla ko nalang naaalala yung mga sinabi nya saakin kahit na naiinis ako kapag nandyan sya. Kaso... bakit naman nasali sa isipan ko yung Buta? (Pig) Shet! Bakit naman ganito? Yung puso ko para ng mahuhulog. S-sobrang bilis!

- - - - - - - -

Third Persons POV

Hindi napansin na Krystal na unti-unti na pala syang lumalapit sa natutulog na si Yano. Si Yano ay nakatulog sa sofa. Titig na titig parin si Krystal sa gwapong mukha ni Yano. Kaso... biglang dumilat si Yano.

I Escaped with a Gangster {ON-HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon