2: The Beginning of the End

9 3 0
                                    

It's Monday already and guess what? I am back to reality, kailangan kong pumasok sa school and harapin ang kung ano mang kamalasan ang dadating lalo pa at mag isa nanaman ako, ano pa bang bago?

I decided last night that I would stop being a weakling and that I would stop caring too much about everything that would affect my whole being. The only problem is that I don't know how. I'm anxious and scared to be honest.

I hope things would go well today, oh my please be nice...

O wait! hindi ko pa pala naidedescribe ang mga features ko or anything interesting sakin which I doubt I have HAHA. Pano ko ba uumpisahan, my height? Maliit lang ako, I'm an average, 5'3 lang ako. Not too fat nor too skinny, typical body size lang ganon.

I'm not a nerd lilinawin ko lang ah, i dont carry books nor wear big glasses kagaya ng pag dedescribe sa mga loner sa mga schools. I look like a normal student pero ewan ko ba kung bakit I am way too far compared to my schoolmates.

Btw naglalakad na ako ngayon sa hallway ng Architecture Department kasi katabi lang nito ung building namin at sa kamalas malasan pagkakataon ay bigla kong nakasalubong si Eena, ung ex- bestfriend ko. Ang sama ng tingin nya sakin na para bang ako na ung pinaka masamang tao na nabuhay sa Earth.

Tuloy tuloy lang ako sa paglakad ko ng natapilok ako sa mismong harapan nung mga Archi guys and ano pa bang i eexpect ko? As if tutulungan ako ni Eena. They all laughed at me pati na rin sya so I have no choice but to stand up kasi wala na akong mukang maihaharap pa.

"Ano ba naman yan, naka uniform pang nurse pero lalampa lampa, pano pag may pasyente na sya? Baka sya pa ung unang maadmit sa ospital e HAHAHA!" Rinig kong sabi nung isang lalaki habang papalayo na ko.

Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko at nagbuntong hininga.

"Fine fine, wag ka iiyak, ang aga aga pa para umiyak. Hoo! Smile lang" yan ang sabi ko sa sarili ko habang patuloy na naglalakad papunta sa Nursing Dept.

Nung nakarating na ko sa room ay wala pang teacher kaya umupo na ko sa upuan ko pero nagulat ako kasi may note sa desk ko na nakalagay ay:

"TRY SITTING ON THIS CHAIR OR YOU'LL REGRET BEING ALIVE
ps. sorry I'm not sorry
- Your Nightmare ❣️"

Napabuntong hininga nalang ako at naghanap ng bakanteng upuan kesa makipag away kay Eena, ayoko ng gulo.
May nahanap akong empty seat kaso sa pinaka dulo, near the bathroom, sitting with no one else. Haaay....

Dumating na ung prof and nag start na kami ng klase, after that we went to the laboratory cause we would have a dissecting activity on a frog.

"Now wear your gowns, gloves and put your masks on" instructions nung Prof.

"Now I will group you into three and each one of you should have different roles because it's still an individual activity, let's start with Santos with Ortega and
Gomez group 1... Bla bla bla"

Nagtawag pa sya ng mga pangalan and hindi pa ako natatawag. Sana maayos ang makasama ko kasi I don't want this activity to be awkward, I've had enough this morning.

"Cruz, Molina, Sanchez group 8 " finally nabanggit na din- shoot kagrupo ko si Eena? She's the only Molina in this class, oh crap!

"Look who we have here, Hi Jason! and eew you hmmm what's your name? Ah nevermind cause I dont care" maarteng sabi ni Eena pagkalapit nya samin ni Jason.

"Hey stop it, were here for an activity. Stop being so childish Eena" saway ni Jason kay Eena.

Btw Jason is someone na hinahangaan ng almost everybody, he's tall, kind, intelligent, and handsome I may say, and Eena has a huge crush on him kaya natahimik nalang sya bigla at inirapan ako.

Count On Me: The LuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon