Sunday morning ngayon at kagigising ko lang nang maalala ko na kailangan ko nga pala papirmahan kay Mommy ung form for the Medical Mission kaya naman niligpit ko na ang hinigaan ko and kinuha ung form sa bag ko at bumaba
"Hi Mom Goodmorning" bati ko kay mommy na nakaupo sa veranda na nagpapa araw habang umiinom ng tsaa at nakikinig sa radyo.
" Goodmorning anak, may almusal na sa mesa kumain ka na " sagot ni Mommy
"Yes mom, ahh mommy pwede po ba ako sumama sa Medical Mission na activity sa school? Hawak ko po ung form na dapat pirmahan ng parents" pagpapaalam ko
" Ah okay lang naman, saan ba yan at kailan?"
"Sa Batangas daw po and sa September 14-16 po sya before mid terms bale three days po kami mag iistay don since medyo malayo sya dito satin"
"Three days? Nako kaya mo ba mag isa? May tiwala ako sayo pero baka mapano ka don. Payag naman ako basta ba palagi mo akong iuupdate at mag promise ka sakin na you'll be safe okay dear?"
"I promise, uuwi po akong safe and healthy Haha. Pero mom baka pag wala ako dito ay hindi ka umunom ng gamot ha, nakooo lagot ka po sakin"
"Don't worry iinom ako palagi ayokong mag alala ka e"
" Good then! Sige po here pirmahan nyo po ung form iga-guide ko po ung kamay nyo "
" Okay! Thanks mom kakain na po ako ha, ikaw po ba hindi pa papasok?"
" Sige na at dito muna ako, masarap ang hangin ngayong umaga"
Pumasok na ko sa loob at kumain, nagising na rin si Dussix at sinaluhan ako sa pagkain.
"Ate ano yang papel na yan?" Tanong nya nung makita nya ung form na nasa tabi ko
" Ah ung para to sa Medical Mission namin, three days yun kaya ikaw muna in-charge dito ha, si mommy papainumin mo lagi ng meds nya and si Ahtenna naman tulungan mo if need nya"
"Yeah okay okay, be safe and mag enjoy ka don ate"
Nag smile nalang ako sa kanya at nagtuloy na sa pag kain. Bigla kong naalala ung mga nakaraang araw, andaming nangyari sa buong linggo kong to.
Kinukulit parin ako ni Jason at syempre hindi pa rin ako nagiging open sa kanya, at dahil sa kakulitan nya ay wala akong choice na palagi kaming sabay umuwi at minsan sabay pumasok pag nagkakasalubong.
Si Eena naman ayun mas lalo akong kinagagalitan, palagi syang nag paparinig na inagaw ko daw si Jason sa kanya and malandi daw ako.
Nasasaktan ako syempre pero dahil nandyan si Jason para ipagtanggol ako ay medyo natitiis ko naman. Hindi ko nalang sya masyado dinidikitan at kinakausap kapag nandyan si Eena kasi ayoko nga ng gulo.
.
.
.
.Nandito na ko sa room ko at naisipan ko na mag online sa Facebook, may message don at nakita ko na galing pala kay Jason.
" Goodmorning Butterfly ano napapirmahan mo na ba?" Yan ang message na galing sa kanya
"Tch Butterfly your face HAHA" bulong ko sa sarili ko at nag reply sa kanya na oo katatapos lang
"Ahhh then tama yan sana magkasama tayo sa team para masaya no?"
"Well sana nga"
"Ano ba yan ang ikli mo naman sumagot kahit sa chat akala ko ba close na tayo?" Reply nya na may cry emoji pa, pffft he's so childish
BINABASA MO ANG
Count On Me: The Luck
Non-FictionFourienn Luck Cruz, an average college girl whose life became extremely rock bottom after she looses herself to the weight of every burden in her life that challenges her whole being. In just a snap of the finger, her almost perfect life became com...