My hands are ice cold and my heart feels like its gonna fall out my chest as I heard the adviser's signal that this contest has officially started.
Nandito ako kasama ang iba pang mga contestants. Lumingon ako sa likuran ko at nakita kong komportableng nakaupo si Christian na nagsisimula ng magsulat sa kanyang entry paper.
Napabuntong hininga nalang ako at pumikit umaasang magagamit ko ang lahat ng mga advice at techniques na tinuro saakin nya saakin.
I stared at my paper and I began writing ........
"Sampung Taong Ikaw"
Yan ang biglang pumasok na ideya sa aking isipan. Matapos kong isulat ang title ay unti unti kong binuo ang isang plot para sa binubuo kong kwento.
Kasabay ng paggalaw ng oras ay ang sunod sunod na agos ng ideya sa akin na hindi nagtagal ay aking naisulat at natapos.
Napangiti ako ng bahagya habang binabasa ko ang kinalabasan ng kwento. Maikli man ngunit ito ay simbolo ng aking buhay. Isinulat ko ang kwento ng dalawang taong nag iibigan sa lugar at panahon na hindi tadhana ang nag dikta. Ipinaglaban man at naging matatag na magkasama ngunit sa huli ay pilit na inilayo sa isat isa..... wala silang nagawa, wala silang magagawa.
Katulad ko ang mga bida sa aking kwento dahil kahit na anong pilit kong mabuhay ng walang ibang iniisip kundi ang kaligayahan at ganda ng buhay?..... pilit parin akong inilalayo ng kapalaran. Ang hanggad ko lang naman ay mabuhay sa liwanag pero hindi ko matakasan ang dilim na bumabalot sa aking nakaraan.....
Ibinalik ko na ang aking atensyon sa adviser sa unahan na nag announce na tapos na ang time limit. Naghanda na ako at tumayo.
Isa isa kaming lumapit sa kanya upang ipasa ang aming mga entries. Pagkaabot ko ng papel ay nagtungo na ako sa labas ng room na pinag dausan namin ng contest. Hinintay kong makalabas ang kaklase ko upang sabay na kaming magpunta sa room at para narin makapagpasalamat dahil kung hindi dahil sa kanya ay baka wala akong naisulat dahil sa dami ng mga bumabagabag sakin these past few days...
" Hey President, congrats in advance for sure kasali ka sa magiging finalists" pagkalabas nya ng room ay sinabayan ko sya ng lakad at marahang tinapik ang balikat. Napalingon sya sakin ng saglit bago nagdiretsyo sa paglalakad.
" Yeah, same to you. "
" I just wanna say thank you nga pala kasi you helped me kanina at it really helped. I wrote a story and I don't feel any regret after kong maipasa kanina. I was a bit....confident I guess? So thank you talaga"
" Don't thank me, lahat ng isinulat mo ay galing sayo. You worked hard for it and ang naiambag ko lang ay ang pag bukas ng isip mo for ideas and to keep you out of distractions. Good thing it worked, dahil mapapahiya ako if ever it didn't"
Nagtuloy lang kami sa pag lakad hanggang sa makarating na kami sa room namin. Everyone was looking at us after we stepped inside our room together. I think they are waiting for the results of the contest? I guess that's it.
Dumiretsyo na ako sa aking upuan at ng akmang uupo na ako ay may biglang humawak sa braso ko kaya napatigil ako.
"Fourienn pwede ba tayong mag usap?" malungkot na tanong ng taong nakayuko sa harapan ko.
Si Jason
"Kung tungkol yan sa nangyari sa party wag na lang, ayokong-"
"Please kausapin mo ako kahit saglit lang, kahit mabilis lang" pakiusap nya sakin. Ilang segundo muna ang inantay ko bago ako tumango na napipilitan at lumabas ng room. Ayokong marinig kami ng mga kaklase namin, ayokong mapahiya nanaman kagaya noong nangyari sa party.
" I just wanted to say sorry. Sorry kasi naging sobrang pakielamero at mapilit. I'm sorry dahil nilagay kita sa isang sitwasyon na alam kong mahirap para sayo. From now on hindi na kita pipilitin sa mga bagay na hindi ka pa handang sabihin at gawin. Can you forgive me?" his pleading eyes tells me that he is being honest right now, pero hindi non maaalis ang inis ko sa kanya.
"Jason... alam ko na mabuti ang intensyon mo at gusto mo lang akong maging masaya, pero sana maintindihan mo na we're different, your life is not the same as mine. May dahilan kung bakit ako ganito and I wanted it to be just between me and myself. Hindi ko kayang ishare sayo kung ano man yung mga naranasan at nararanasan ko dahil alam ko na hindi yun makakatulong sakin, kahit sayo. Walang maidudulot na maganda yung paglapit mo sakin. I forgive you... but I wanted you to stop. Stop helping me and stay away from my life."
"Fourienn naman, I don't wanna loose our friendship, kauumpisa palang nating maging close and I wanted to keep that, I wanted to keep you... If kapalit ng forgiveness mo ang paglayo ko sayo wag nalang. Okay lang kahit buong buhay mo akong kamuhian, wag lang ganito... I know you don't consider me as an important person in your life pero I wanted to try, I still wanted to help you cope up with what your dealing with. You don't need to say everything to me, you just have to trust me."
Binigyan ko sya ng isang hindi makapaniwalang tingin. Talaga bang nasa dugo nya ang pagiging mapilit? Kakasorry nya lang hindi ba?
"Bakit ba ganyan ka? pwede namang wala ka nalang pakialam sa akin pero pinipilit mo parin ang sarili mo. Ganon na ba kaawa awa ang sitwasyon at buhay ko para may mga taong manlimos ng awa saakin? Ilang beses ko ba kailangang sabihin na hindi kita kailangan? Kaya ko ang sarili ko" galit na sagot ko. Ayoko sa lahat ung kinakaawaan ako dahil pakiramdam ko ay napkahina at walang silbi kong tao.
" Hindi ko rin alam! sa tingin mo ba magpapaka hirap pa akong makiusap sayo para tanggapin ang tulong ko? Hindi rin to madali sa akin Fourienn! Gusto ko mang tumigil nalang pero ayaw ng puso at utak ko. Pilit parin nila akong tinutulak sayo, para tulungan at samahan ka dahil nakikita nila na hindi yan ang tunay na Fourienn.... you are just hurt and beaten by life. I wanted to be your shield, your cure. Please hindi ako matatahimik hangga't nakikita kitang nagtatago dyan sa maskarang nilagay mo sa buong pagkatao mo. Let me help you."
Napakurap ako ng ilang beses at nag isip. Blankong tingin ang binigay ko sakanya na ngayon ay lungkot na lungkot na naktingin sa mata ko. Wala na ang masigla at maaliwalas na mukhang parating nakapinta sa mukha nya. Ngayon ay nakikita ko nalang ay ang lungkot sa kanya.
"Sabihin mo nga sakin Jason, nalagay ka na ba sa isang sitwasyon na wala ka nalang ibang kayang gawin kundi ang magpanggap? Wala ba ni isang pagkakataon sa buhay mo na hiniling mo nalang na maging invisible sa mata ng iba dahil ang sakit sakit na nung mga ibinabato nilang tingin sayo? Kasi kung hindi ay hindi mo rin ako maiintindihan, hindi mo kayang maintindihan ang isang tulad ko. Yang pagpapakabayani mo ay walang lugar sa mundo ko." pinipilit kong tiisin at itago ang nararamdaman kong kirot sa puso ko, ayokong umiyak sa harapan nya. Kung ipapakita ko na mahina ako ay lalo lang syang magkakaroon ng dahilan para ipilit ang gusto nya. Hindi pwede.....Ayokong pati sya ay masaktan ko.
Umiling iling si Jason habang iginagalang ang paningi, at nung muling tumingin sya sa mga mata ko ay.....
"Fine... Lalayuan kita at tatanggapin ko ang kapatawaran mo" pagkasabi nya non ay tumango ako at tumalikod sa kanya.
Ito lang ang gusto kong marinig sa kanya, mas magiging tahimik ang buhay ko at buhay nya kung hindi kami magkasama. Kagaya ng nasa kwento ay kahit na ipilit nya na ipaglaban ang gusto nya ay wala syang magagawa. Walang magbabago-
"Lalayuan kita after the Medical Mission, ako na mismo ang aalis sa tabi mo. Bigyan mo lang ako ng oras at ilang panahon para mapatunayan na kailangan mo ko. Pero kung talagang ganyan parin ang desisyon mo at nararamdaman ay iiwasan na kita at kakalimutan mo ako. Just say yes and I'll reject your forgiveness"
Napatigil ako sa akmang paghakbang ko palayo dahil sa mga sinabi nya, at the end he's still insisting his Hero Act. HIndi ako agad nakapagsalita dahil akala ko ay tapos na, na lalayuan nya na ako. Hindi ko sya maintindihan. Saan ba talaga sya pinaglihi ng nanay nya at ganyan sya-
"Silence means yes... so wish me luck butterfly" wth did just happened!?
BINABASA MO ANG
Count On Me: The Luck
Phi Hư CấuFourienn Luck Cruz, an average college girl whose life became extremely rock bottom after she looses herself to the weight of every burden in her life that challenges her whole being. In just a snap of the finger, her almost perfect life became com...